Flowers and Letters!

20 4 0
                                    

Zaffarah's POV:

Mahimbing pa din sana akong natutulog ngayon kung hindi lang dahil sa isang mabigat na bagay na pumatong sa aking tiyan. Medyo nahihirapan na din akong makahinga dahil pabigat na nang pabigat ito. Napadilat ako para tingnan iyon. Nakita ko si Ayesha na nakapatong ang hita sa mga tiyan ko.

"Yesh.. Yesha!" Inuga-uga ko siya pero hindi pa din siya nagigising. "Yesha.. H-hindi na ako makahinga!" Hinampas hampas ko na ang hita nito ng malakas, dahilan para mapadilat ito ng bahagya.

"Hmmm?" Bungad nito sa akin.

"Yesha! I can't breathe!" Sigaw ko sa kaniya at kaagad naman niyang inalis ang kaniyang hita na kanina pa naka dagan sa tiyan ko.

"Oops! Sorry.." Natatawa nitong paumanhin.

Nang maalis na niya ang hita niya ay kaagad din naman akong bumangon para huminga ng malalim.

"Grabe ka! Papatayin mo pa ata ako eh!" Reklamo ko sa kaniya.

"Sorry na nga eh. Di ko naman kasi alam na tao na pala ang tinatandayan ko.." She paused at pagkatapos ay luminga linga sa paligid. "Where are we?" Nagtatakang tanong nito sakin.

Luminga linga din ako.

"It's looks like familiar." Sabi ko sa kaniya.

"Saan nga ba natin to nakita?" Tanong ulit niya sakin at sabay naman kaming nag isip.

Maya maya pa ay kaagad ko din namang naalala kung nasaang nga ba kami.

"Yesha?" Mahina kong sabi habang dahan dahang lumingon sa kaniya.

Paglingon ko, nakita kong nakatingin din ito sa akin at nanlalaki ang mga mata.

"Oh my God Zaffy!" Naninigas nitong tanong.

Ilang sigundo lang din naman kaming nakatulala sa isa't isa. Walang kibo kibo, walang galaw galaw. Hanggang sa na realize nalang namin na kailangan na nga pala naming umalis. Dali dali kaming gumalaw para gisingin ang aming dalawa pang kaibigan. Nagising naman din sila agad at natarantang nag gayak. Dali dali naming kinuha ang aming mga gamit na nakatabi sa lamesa. Pagkatapos niyon ay akmang lalabas na sana kami sa VIP room ng may kung anong bagay na pumukaw sa atensiyon namin.

"Wait! Mga flowers ba yun?" Tanong ni Calista habang nakatingin sa iba't ibang klase ng mga bulaklak.

Nilapitan namin ito at tiningnan.

"Oo nga.. Ang gaganda nito at mukhang pinasadya pa sila para sa atin." Nakangiting sagit ni Ayesha.

Lumapit ito sa kinaroroonan ng mga bulalak at marahang iniangat ang isang kumpol ng mga bulaklak na kulay pink.

"Ang ganda naman! Hello pinky roses? Ang bango bango mo naman! Can I take you home?" Masaya nitong sabi sa hawak hawak niyang mga bulaklak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda naman! Hello pinky roses? Ang bango bango mo naman! Can I take you home?" Masaya nitong sabi sa hawak hawak niyang mga bulaklak.

Inikot ikot nito ang mga bulaklak sa ere ng mabagal at parang sumasayaw. Sa kakaikot niya nito ay may biglang nalaglag na isang pink din na card. Kinuha niya ito at binasa.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon