My Possessive Man!

6 2 0
                                    

Dwayne's POV:

30 minutes din kaming nasa classroom ngayon. We're so sad kasi hanggang ngayon ay hindi pa din kami pinapansin nila Zaffarah, except for Ayesha. Siya lang naman kasi ang bukod tanging hindi mahilig mag tanim ng sama ng loob. And all her want is to become happy.

"Okay lang yan guys, wag kayong mag alala. Mamaya maya din ay papansinin na nila kayo. Just show them a little efforts." Nakangiti at positibong sabi sa amin ni Ayesha.

"Litte efforts? With (s)?! Seriously?! Urgh! Napaka childish naman ata nila! Parang iyun lang eh! Kung mag tampo naman sila daig pa nila ang mga bata!" Nakangusong pagmamaktol ni Gabriel.

"And you think you're not acting like a child?" Naiinis kong sagot sa kaniya.

"I'm just saying the truth! Ah basta ako.. I won't do anything for Calista! If she doesn't want to talk to me, then it's fine! Isa pa hindi naman ako mamamatay kung hindi niya ako papansinin!" Masungit nitong sabi at pagkatapos ay tumayo. "Aalis na muna ako."

"At saan ka naman pupunta?" Seryosong tanong ni David habang nag lalaro ng Mobile Legend sa cellphone nito.

"Diyan diyan lang.. Mag papahangin at mag liliwaliw!" Seryoso din nitong sagot kay David.

Nang paalis na siya ay bahagya kong nilingon si Calista. Nakita kong nakatingin ito sa likod ni Gabriel mula sa kaniyang kinuupuan. Bahagya pa itong umamba na parang babatuhin ng hawak nitong tubigan. Nang makaalis na ito ay siya naman niyang inilapag ng padabog iyun habang naka pout.

"Anong problema mo?!" Inis at gulat na tanong ni Cassandra.

"Wala!! Ang tagal naman ng meeting! Bakit ba kasi hindi nalang umpisahan ang meeting ng makapag umpisa na ang mga guro natin sa pagtuturo! Aba ang mahal mahal kaya ng binabayad natin dito!" Pag tataray ni Calista.

Tsk! Mga babae nga naman! Nag papakipot pa, gusto rin naman! Hindi ko talaga maintindihan ang mga babaeng ito.. Pag nilalambing nagagalit! Pag hindi naman galit pa din! Mayroon bang taong pwedeng magpaintindi sa akin kung bakit napaka moody ng mga babaeng ito! Cause I'm getting crazy!

*Tiing.. Tiiinng..* Tunog ng announcement box.

"A pleasant morning for all teachers and students of Dream High Accademy. This is Dean Ramos. Please be informed that we will be having a school meeting with the owners of this school. All the teachers and students are needed to be there. The school meeting will be held on school auditorium, 30 minutes from now. Again, this is Dean Ramos. And have a nice day!"

*Tiing.. Tiiinng..*

Pagkatapos ng announcement ng aming Dean ay kaagad din namang nag labasan ang lahat ng studyante mula sa aming classroom. Kami nalang ng Kwatro kasama ang apat na babaeng mahal namin ang bukod tanging naiiwan sa loob.

"Okey girls let's get out of here." Tawag ni Zaffarah sa kaniyang mga kaibigan ng ito'y makatayo.

Nang mag umpisang mag lakad si Zaffarah papunta sa pinto ng aming silid aralan ay nag umpisa na ding mag lakad ang mga kaibigan nito maliban kay Ayesha.

"What's wrong with you Yesha?" Nagaalalang tanong ni Calista ng mapansin nitong hindi man lang kumikilos at kumikibo si Ayesha.

"Man? Anong problema ng mga iyon?" Pabulong na tanong sa akin ni David.

Hindi ko man ito nililingon pero bakas sa boses nito ang pagaalala kay Ayesha.

"I don't know.. But I think Ayesha is getting a little bit scared." Walang lingon lingon kong sagot sa kaniya.

"Scared of what?" Tanong ulit nito sa akin.

"Shhh. I can't hear them. Masyado silang malayo at nagbubulungan." Sabi ko.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon