That Man!

3 0 0
                                    

CALISTA'S POV:

Hey, girls! Have you seen Zaffarah?" Tanong ko kila Ayesha at Cassandra nang makalabas kami sa aming silid aralan.

"Hindi eh." Sagot ni Ayesha.

"Even Dwayne is not here." Sabi naman ni Cassandra.

"Where did they go?" Tanong ko sa kanila pero nag kibit balikat lamang ang mga ito.

Sinubukan na din naming tawagan si Zaffarah para malaman kung nasaan siya pero hindi namin siya ma-contact. Hinanap na din namin siya sa library, canteen, covered court, at maging sa clinic pero ni anino niya ay hindi namin makita. Papunta na sana kami sa likod ng campus kung saan naka tambak ang mga lumang kagamitan at malawak na bakanteng lote ng bigla nalang kaming sitahin ng gwardiya.

"Students. Mawalang galang na ho pero bawal ho tayo diyan." Magalang nitong pagpipigil sa amin.

"May titingnan lang ho sana kami." Pagpapaliwanag ni Ayesha.

"Pasensya na ho pero hindi ho kayo allowed na mag punta diyan. Isa pa ho madaming mga sirang kagamitan diyan na pinag patong patong. Baka ho matumba at madaganan kayo. Mabibigat pa naman ho ang mga iyun baka kayo madisgrasya." Pagpapaliwanag pa nito.

"Sige na ho manong. Sandali lang ho kami. Sige na plsss?" Pagpapa cute naman ni Cassandra.

"Nako ija. Huwag mo na akong daanin sa ganiyan. Matanda na ako at may mga apo. Byuda man pero mahal ko ang asawa ko. Ilang taon lang din at baka susunduin na niya ako. Hehehe baka nga hindi pa umabot ng taon eh."

"Manong naman. Hindi naman po kita inaakit.. Napaka assuming nito!" Mahinang pagtataray ni Cassandra.

"Gusto ko man kayong payagan ngunit hindi ho pe-pwede. Matatanggal po ako sa trabaho kapag kayo ay nahuling pumasok diyan. Sige na ho huwag na ho kayong mag pumilit pa. Intindihin niyo nalang ho." Magalang pa din nitong pigil sa amin.

"Maning hindi naman ho kami mag tatagal. Baka lang ho kasi andiyan sil--"

"S-sige ho manong uuwi nalang ho kami. Maraming salamat po at pasensya na ho sa storbo." Putol ko nalang sa sasabihin ni Cassandra. "Tara na nga!" Pabulong ko pang dagdag sa kanila.

Dumaretso nalang kami sa parking lot para tingnan kung andoon na si Zaffarah ngunit wala parin kaming nakita ni hibla ng buhok niya.

"That women! Urghh! Kakalbuhin ko talaga siya pag nakita ko siya eh! Kainis! Pinapagod niya ng beauty ko! Ang haggard haggard ko na.. Look!" Pag rereklamo nito habang naka tingin sa compact na hawak niya.

"Mabuti pa umuwi nalang muna tayo. Baka anung malay natin andoon lang pala siya sa bahay at nag papahinga." Sagot ko.

"Mabuti pa nga! Hay nako kaloka! Pero alam niyo ba girls, kung andoon man siya sa bahay eh bakit naka patay ang phone niya? Kung low battery man yun or drained na edi sana nag charge muna siya? Haler!" Pag tataray pa din nito.

"Sandra has a point." Sagot ni Ayesha.

"Malay niyo naka tulog lang pala siya at nakalimutang i-charge ang phone.. Ano ba kayo, napaka oa niyo! Tara na nga umuwi na tayo. Hindi niyo makukhha ang sagot hangga't hindi natin siya nakikita." Nag taray na din ako.

Pumasok na ako sa driver seat ng van namin. Ako nalang ang nag drive pauwi kasi alam ko namang wala akong maaasahan sa dalawang to. My gosh! Kung hindi ko lang sila kaibigan nako iniwan ko na sila dito sa school na to. Damn you Zaffarah! Pinag aalala mo kami!

Wala pang isang oras ng makarating kami sa mansiyon. Hinagilap agad namin si Zaffarah pero hindi namin siya makita. Maging ang bedroom nito ay maayos na maayos at walang anu mang bakas na nanggaling na o naka uwi na siya dito.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon