Girls OOTD 👗

15 4 0
                                    

Zaffarah's POV:

Maaga akong gumising ngayong umaga. 5 am palang pero 9 am pa ang pasok namin sa school. Monday kasi ngayon and for me, monday is the first day of the week! Kaya dapat perfect ang outfit ko, ang make up ko, ang things ko, pati na din ang mood ko ay dapat positive lang! Naniniwala kasi ako sa kasabihan na kapag sinimulan mo ng bad things ang monday mo, it means isang linggo kang magiging malas o bad mood. Turo kasi sa akin yan ng mommy ko kaya go lang, sunod lang sa mga paalala niya. Wala naman kasing mawawala kung maniniwala ka diba? At least kung totoo man, edi ligtas ka! Ganern!

So ito na nga.. Nag hahanap ako ngayon ng pe-pwede kong suotin para sa araw na ito. And feeling ko right now, gusto kong magpaka sexy and hot! Kaya nag hanap ako ng mga medyo hapit kong damit at medyo mataas kong heels. But don't you worry my friend ha! Very very light lang naman ang make up na gagawin ko mamaya. Para siyempre kahit na parang pang pokers yung suot kong damit ay mukha pa din akong anghel sa harap ng maraming tao. Yung tipong simple lang pero uhhmm! Yummy! Pak! Ganern! Char! Ahahaha!

Halos kalahating oras din akong namili ng aking susuotin. Skirt, blouse, and heels. Pagkatapos kong mamili ay kaagad din naman akong naligo at nag sipilyo. Siyempre pinakamahalaga yan sa buhay girl! Sabi nga ng isang DJ radiyo eh, "Una huminga ka para mabuhay! Pangalawa magsipilyo ka para makabuhay naman ang iba! Huraayy!" Hahaha! Hindi ko nga lang matandaan kung yan talaga yung eksaktong narinig ko noon sa radiyo but I think it's the same and I don't know din kung sinong DJ ang nag sabi nito. Hihihi! Hayys! Just never mind it! Tuloy ang kwento.

Pagkatapos kong maligo at mag sipilyo ay nagpunas muna ako ng katawan. Siyempre alangan namang suotin ko yung damit ko na basang basa ako diba? Edi basang sisiw ang labas ko nun? Duh! Nang matuyo ko na ang katawan ko ay nag blower muna ako ng buhok ko at bahagyang kinulot iyon. Nag make up, nag bihis, at nag sandals.

Nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko ay humarap muna ako sa malaking salamin na nasa dressing room ko. Feeling ko may kulang eh. Lumapit ako sa mga accessories ko at nag suot ng pair na hikaw, gift iyun sa akin ng  mom ko, sabi niya galing pa daw iyun sa mommy niya kaya ingatan ko daw. Pag suot niya daw kasi ito ay feeling niya siya ang pinaka magandang babae sa mundo. First time ko lang itong magagamit kaya let's see kung uubra nga yung magic power nito sa ganda ko! Hahaha! Nakita ko din yung relo na gift naman sa akin ni dad, ang sabi naman niya sa akin. Time is gold! Kaya kung may gusto kang gawin, ibigay mo na ang lahat ng best mo kasi hindi mo sure kung hanggang kailan ka nalang sa mundong ito. Kumuha din ako ng sling bag sa lagayan ng mga bag ko and then nilagay ko lang ang mga important things na kailangan ko and then gora na. Nang makalabas ako ng aking dressing room ay tinungo ko na agad ang pintuan ng aking bedroom palabas.

"Wait! Parang may nakakalimutan ako."

Bumalik ako sa loob ng aking bedroom at pagkatapos ay binuksan ko ang side table ng bed ko at kinuha ang malaking powerbank.

Okey let's go! I'm perfectly ready na! Pero teka! Asan nga pala ang cellphone ko? Oh shit! Oo nga pala na kay Dwayne pa iyon! I forgot! Nakalimutan kong bawiin iyun sa kaniya kahapon. Paano ba naman kasi ang dami dami ng nangyayari! At sa dami ng nangyari di ko na alam kung ano pa nga ba ang plano namin. Ah basta go with the flow lang kaming mag be-bhessy! Walang iwanan! Team matatag lang!

Tinungo ko muna ang bedroom ni Cassandra bago ako bumaba. Seven am na ng mga oras na'to. kaya alam kong gising na siya ngayon. Mula sa labas ng pinto ay kumatok ako. Nakakailang katok na ako pero wala pa ding sumasagot mula sa loob kaya minabuti ko nalang na buksan ito. Pagkabukas ko ay bumungad agad sa harapan ko ang isang babaeng tulog na tulog pa din hanggang ngayon. Naka bulagta ito sa kama niya. Humihilik at nag lalaway pa. Like ewww! Lumapit ako agad sa kaniya para gisingin siya. Naka ilang gising muna ako sa kaniya bago siya tuluyang nagising. Inuga-uga, pinalo-palo, sinigaw-sigawan. Halos paulit-ulit kong nalang ginawa iyon para lang tuluyan siyang magising. Bahagya muna siyang dumilat para silayan kung sino ba ang makulit na nilalang ang bumubulabog sa natutulog nitong diwa.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon