Ayesha and David ❤

17 4 0
                                    

Ayesha POV:

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang single chair na nakatabi sa sulok ng kubong ito. Palinga linga at patingin tingin lang sa paligid. Tapos nang mabored ako, minabuti ko nalang munang tumayo tayo para mawala ang antok ko. Nilibot libot ko lang ang kalooban ng maliit na kubong ito. And well, ang gagara ng mga gamit dito ha! Mukhang mga mamahalin at ang so-sosyal! And take note ha? Siguro kung iisa isahin ko lang ang mga ito tapos ibebenta ko, malamang nakapag patayo na ako ng isang orphanage para sa mga batang walang magulang. Wahaha!

"Hi? Tapos ka na bang magliwaliw?" Pukol ng isang boses ng lalaki sa atensiyon ko.

Paglingon ko, nakita ko siyang nakangiti kaya ningitian ko din siya bilang ganti. Maya maya pa ay bahagya na itong lumapit sa akin at iniangat nito ang kaniyang mga kamay sa aking nga tenga.

"This is for you." Nakangiti pa din nitong sabi at pagkatapos ay mayroon siyang inilagay na hikaw sa aking magkabilang tenga. Pagkatapos niyon ay bahagya naman itong tumalikod sa akin para kunin ang cellphone nito.

"Dahil sa ngayon nalang ulit tayong mag de-date! Dapat memorable at funny tayo diba? Kaya kailangan may picture tayong magkasama. Para naman may tinititigan ako pag wala ka." Nakangisi nitong sabi.

"Tinititigan ka diyan!" Nahihiya kong sagot.

"Tsk! Wag ka na ngang kumontra diyan. Ang cute mo talaga! Hahaha!" Natatawa naman nitong sabi at pagkatapos ay akmang kukuha na ng mga pictures naming dalawa.

"Say 'bing bong." Pacute nitong sabi

"Tingnan mo bong bong oh! Ang cute nating dalawa! At aba bagay na bagay talaga tayo!" Kinikilig nitong sabi habang tinitingnan ang mga litrato namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tingnan mo bong bong oh! Ang cute nating dalawa! At aba bagay na bagay talaga tayo!" Kinikilig nitong sabi habang tinitingnan ang mga litrato namin.

"Patingin nga.. Wow! Ang cute ko naman diyan! Hihihi!"

"Gusto mo bang ipasa ko sa iyo ang mga ito?"

Tumango lang ako at kinuha ko na ang cellphone ko. Gaya ng sinabi niya ay pinasa na nga niya sa akin ang mga pictures namin.

"Gusto mo din bang malaman ang cellphone number ko?" Nakangisi nitong tanong sa akin.

"H-ha? Nako kahit hindi na."

"Oh iyan, naka save na ang number ko diyan. Tingnan mo." Nakangiti niyang sabi..

"Bing Bing?" Napangiti ako sa nakita ko.

Bingbing yung nilagay niyang name niya dun tapos picture naman naming dalawa ang profile picture ng number niya.

"Hey? Bong Bong.. I really miss that smile." Swabe nitong sabi sa akin na kaagad din namang nakapag pakilig sa akin.

Marahan itong humarap sa akin at hinawakan ang mga hibla ng buhok ko. Hinawi nito ang mga buhok na tumatakip sa aking pisngi at iniipit ang mga ito sa maliliit kong tenga.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon