Dwayne's Flashback Part 2!

11 4 0
                                    

Dwayne's POV:

Napansin kong may mga babae ang naglalakad papalapit sa amin. Napatingin ako sa kanila. And then, napagtanto kong sila Zaffarah pala iyon. Ngumiti ako sa kaniya.

"Tapos na kayo?"

"Ahm.. Y-ya-Yeah! Yeah!" Nauutal nitong sagot habang nakahawak sa batok. "Do you know them?"

"Ahm. They're just a friend of mine." Pilit na ngiti kong sagot. "Excuse me."

Sa inis ko sa babaeng nasa tabi ko, bahagya kong tinapakan ang mga daliri nito sa paa nang hawiin ko ang malandi niyang hita na nakaharang sa daraanan ko.

"Aww!"

Hindi ko na pinansin pa ang naging reaksiyon ng babaeng iyon. Tsk! Dapat lang sa kaniya yan noh!

Nag lakad lang ako papalapit sa babaeng nag pabago ng husto ng buhay ko. Nilagpasan ko lang ang tatlo pang kasama ng babaeng iyon. Pagkatapos nang makarating n ako sa kinaroroonan nila Zaffarah ay kaagad ko itong kinausap.

"I have something to tell you." Masaya kong sabi.

Mas okey nang mauna, kaysa naman sa unahan pa kami ng mga lintang babaeng iyon.

"No. Me first! M-may sasabihin sana ako sayo eh.. Actually kami.. May i-co-conffess kami sa inyo." Seryoso naman nitong sagot.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na ko. Nako po, Diyos ko! Hindi po ako pala dasal o pala simba. Pero humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko. Pero God! Please ibigay niyo na ho sa akin ito.

Habang ako ay napapa isip ng kung ano ano. Bigla nalang sumingit yung babaeng tumabi sa akin kanina.

"Hey Dwayne, alis na muna kami ha? Mukha kasing may confession na magaganap." Malanding nitong sabi.

Tumango lang ako para wala nang mahaba pang conversation. Mahirap na noh! Madaldal pa naman yung bunganga nun! Imagine? Dinaig pa niya yung manok na nangingitlog sa lakas ng boses nito! Although hindi pa ko nakakakita ng ganon pero kung mapapakinggan niyo lang kung paano tumilaok to, abot hanggang sa labas ng school.

"Ano nga pala ang i-co-conffess niyo?" I paused. "Guys! May sasabihin sila sa atin."  Tawag ko sa tatlo kong kaibigan.

"Ahh! A-ano kasi eh. Teka paano nga ba to!" Nauutal na sabi ni Zaffarah.

Nakatingin lang kami sa kanila habang inaantay ang anumang sasabihin nila. Please God don't tell us na alam na po nila. Na iiwan na po nila kami para mag pakalayolayo. Please, I beg you Lord na sana wag nalang po. Nag mamakaawa po kami sa iyo.

Nakita kong tumingin si Zaffarah sa tatlo niyang kaibigan at tumango naman sila. Pag harap nila, sabay sabay silang may kinuhang kapiraso ng papel sa kanilang mga bag at dali daling iniabot ito sa amin.

"What's this?" Tanong ni Andrei.

Sabay sabay naming binuklat papel na ibinigay nila sa amin. Babasahin na sana namin ito, ngunit kaagad din namang hinablot ng apat na babaeng kanina'y nangungulit sa amin.

Sinubukan naming bawiin iyon pero mabilis silang napatakbo papunta ng stage. Isa isa nitong binasa ang mga sulat na para sa amin sa harap ng mikropono at tila gusto pa nitong i-broadcast ang nilalaman ng mga nito.

"Dear Dwayne, hello my king? I just wanna to say thank you for everything. Sa pag tanggap mo sa akin. Sa pagiging matyaga mo sa panliligaw. Sa lahat lahat! Sorry kung natagalan ang sagot ko sa matagal mo ng tanong. But I think and I know that this is the right time to confess my real feelings! Gusto ko namang bumawi sayo, sa inyo ng mga kaibigan mo. Gusto kong ipaalam sayo na yes! YES! Ang sagot ko sa tanong mo. Yung 'will you be my girlfriend?'. Kaya, Dwayne! Payo lang ha? Please be careful with my heart! I love you! Muah! -Your queen, Zaffarah! Huh! Like eeww! Your so jologs talaga!" Natatawa nitong basa sa sulat.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon