That Eye Called, Selos 🤭

10 3 0
                                    

Dwayne's POV:

Kararating lang namin ngayon sa school. Nakita namaing busy ang lahat ng studyante, guro, at maging ang prinsipal ng school na ito. Ang lahat ay tila hindi mapakali. Takbo dito, takbo doon. Lakad dito, lakad doon. Ayos dito, ayos doon! Fuck! Ano bang meron?! Nahihilo na ako sa mga galaw ng mga uod na to!

"Hey? Hey? Excuse me." Tawag ni Zaffarah dun sa isang lalaki na dumaan lang sa aming harapan.

Kilala ba niya yan? Urgh! Sa lahat ng tatawagin bakit lalaki pa.

"Hi miss beautiful?" Nakangiti nitong bati kay Zaffarah.

Tsk! Wag ka ngang ngingiti ngiti diyan! Hiwain ko yang bibig mo eh!

"Wow thank you! Ahm by the way, may itatanong lang sana kasi ako eh.. A-anong meron? Bakit parang busy ang lahat?"

"Wala ka ba kanina sa flag ceremony? In-announce kasi kanina ng prinsipal na darating daw ngayong tanghali ang head owners ng school na ito, kasama ang iba pa niyang business partners.

"Owners? As in m-may ari?" Nauutal na tanong sa kaniya ni Zaffarah.

"Yes. Yung mag asawang Cruz." Sagot ng lalaki.

"Okey sige thank you!" Nakangiti pa ding sabi ni Zaffarah.

Aist! Kainis ha! Kanina pa kayo diyan nag ngingitian! Sa harapan ko pa talaga mismo ha?! Pag ako nainis makakatikim na talaga yang lalaking iyan sa akin.

"Walang ano man, basta kayo.. And by the way I'm John Corpuz.. If you need me you just can call me." Hindi pa din nawawala ang ngiti ng mokong na to!

"Thanks, John.. My name is Zaffarah Mores. And this is my friends.. Cassandra, Calista, and Ayesha."

"Hello?" Sabay sabay na nakangiting bati naman ng tatlo.

"Hello girls? Grabe ang gaganda niyo pala. If you don't mind, can I get your numbe-.." He automatically paused when he saw us! "Wait?! K-kasama niyo ba ang sikat na Kwatro dito sa school natin? A-are you guys know each other?" Nangangatog nitong tanong nang mapansin na niya kaming apat na naka tingin ng masama sa kaniya mula sa likod.

"Ah.. Yeah! They're just our fri--" Zaffarah.

"Love?! Nadala mo ba yung note book na naiwan ko sa kuwarto mo kagabi?" Nanggigigil man pero pinilit ko pa ding ngumiti at pagkatapos ay kaagad na umakbay kay Zaffarah.

"B-boy friend ka niya?" Nangangatog pa din na tanong ng lalaki sa akin.

"Absolutely yes! May problema ba?" Matapang kong sagot.

"Eh s-sila?"

"Yes we are!" Sagot naman ni Andrei at pagkatapos ay marahang ipinulupot ang kamay nito sa bewang ni Cassandra.

"May problema ba doon?" Matapang ding tanong ni David sa lalaki at pagkatapos ay kinuha nito ang bag ni Ayesha at binitbit.

"Let me help you, bong-bong." Nakangiti nitong sabi kay Ayesha na mukhang litong lito na.

"Ahh.. W-wala naman. S-sige girls, a-alis na ako ha? I-ingat kayo!" Sabi nito at natatarantang nag mamadaling umalis.

"Akala ko ba gusto mong makuha ang mga number nila?!" Sigaw naman ni Gabriel nang ito'y medyo nakalayo na.

"H-hindi na.. S-sira pala ang cellphone ko!" Pasigaw na sagot nito kay Gabriel nang siya ay makalingon.

Dahil sa pangangatog nito at hindi pag tingin sa daraanan ay natalisod ito sa isang signage na naka harang sa daan. Pagkatalisod niya ay na out of balance ito kaya siya natumba at napadapa sa lapag.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon