Sleep With Them!

15 5 0
                                    

Dwayne's POV:

12:30 am na pero andito pa din kami sa VIP room ng CRFD ni David. And as usual, hindi padin napapagod ang apat na babaeng itong sumayaw, kumanta, mag drama, umiyak, at lumaklak ng lumaklak! Jusko.. Kami nalang ata ang inaantok sa kakapanood ng kanilang evening drama eh. And take note ha.. Konting tagay nalang at mauubos na nila ang pangatlong bote ng red wine namin. Hayys! Kami kaya ang nag order niyan!

Dahil sa inip at antok namin, naisip nalang naming mag order ulit ng alak at siyempre palihim na namin itong ginawa. Nag order kami ng apat na bote ng tequila, crackers, at baso na may yelo. Itinago na namin ito sa ilalim ng lamesa at patagong ininom.

Maya maya pa, sa kahuli hulian nilang tagay ay kaagad din naman silang napahiga sa lapag saka nakatulog. Sinubukan namin silang gisingin ngunit ayaw na nilang magising. May pagkakataon ding nag wawala ang mga ito pag sila ay naiistorbo.

"Hay nako.. Mga babae nga naman! Kala ko wala ng katapusan ang pag wawalwal nila eh!" Naiiling kong sabi.

"Sa galing ba naman nilang kumanta? Ewan ko nalang ha? Pero mukhang may mapapaos kinabukasan.." Pag bibiro naman ni Andrei.

"At ang galing pa kamong sumayaw! Ang sexy! Tapos ang hot!" Nakangiting sabi naman Gabriel.

"Sexy at hot ka diyan! Tumigil ka nga! Kahit kailan talaga napaka babaero mo!" Angal ko sa kaniya.

"Chelax men! Ang hot mo din!" Pangisi-ngisi pa nitong sagot.

"Tama na nga yan! Pwede ba, i-atras nalang natin yung lamesa para mailatag na natin ng maayos yung sofa bed." Utos naman ni David.

"Ito kasi eh!" Sumbat ko.

Iniligpit nalang muna namin yung mga gamit, inumin, at pagkain na nasa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay iniurong na namin ang lamesa sa isang sulok at ibinalik din ang mga tinanggal namin sa ibabaw nito. Nang maiurong na namin ang lamesa ay binuhat naman namin isa isa ang mga babaeng nakahiga na sa lapag at saka tumawag kami ng dalawang waiter para ayusin yung sofa bed.

Nang maayos na ang sofa bed ay isa isa din naming inilapag ang babaeng hawak namin at inihiga ng maayos sa higaan. Dahil sa wala namang kumot at unan dito, kumuha nalang kami ng table cloth para isa isang ikumot sa kanila at yung unan ng sofa naman ang ipinaunan namin sa kanila. Nang mapansin naming mahimbing na silang natutulog ay ipinagpatuloy naman namin ang naputol na pag iinuman namin.

"Ang lakas nilang uminom.." Natatawang sabi David.

"Akalain niyo yun? Grabe! Halos mauubos na nila ang pangatlong bote ng red wine!" Natatawa ding sabi ni Andrei.

"Ang cute cute nga eh! Sila yung tipo ng babae na kahit hindi naman sila sanay uminom, basta pagdating sa sama ng loob ay nababaligtad na nila ito." Kinikilig namang sabi ni Gabriel.

Tiningnan namin siya ng masama at inambaang susuntukin.

"Pwede ba! Yung Calista mo ang titigan mo! Tsk! Ang harot harot mo talaga!" Nanggigigil na saway sa kaniya ni Andrei.

"Pft! Ang sungit ha! Pasalamat ka pa nga diyan at sinasabihan pa ng cute yang Cassandra mo eh! Pero kung tutuusin pe-pwede ko naman na siyang tawaging Jane eh.. Si Jane na asawa ni Tarzan.. Under the saya! Wahaha!" Pamimilosopo pa ni Gabriel.

"Bro! We know you.. Chick magnet, virginizer, and number one playbloy! Tsk!" Seryoso namang singit ni David.

"As I said, si Calista lang ang gusto ko!" Ani ni Gabriel.

"Eh gusto ka ba?" Pangaasar naman ni Andrei.

"Yes.. No.. Maybe.. Not sure.. or SOON!" Tiwala nito sa sarili.

Natatawang naiiling nalang kami sa kaniyang sinabi. Hindi na namin siya sinagot pa dahil alam naman naming kahit anong sabihin namin ay pamimilosopo at pangbabae lang ang alam nitong isagot.

Nagsalin nalang ako ng tequila sa baso ko at inuga ito ng bahagya. Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ng apat. Tiningnan ko si Zaffarah, nakahiga na ito ng maayos at mahimbing ng natutulog.

"Kailangan nating bumawi." Seryoso kong sabi sa kanila.

"Yeah. We know." Sagot ni David.

"Hayy! Only if they know the truth!" Sabi naman ni Andrei.

"Pero sana lang ha, maniwala sila." Sabi naman ni Gabriel.

"Hindi sila makikinig." Malungkot namang sagot ni David.

"Only our parents can tell the whole story.. Kung bakit ba kasi pinanganak pa tayo sa mayamang angkan!" Pag rereklamo ko.

"Sabi ng iba swerte daw ang ipanganak ng mayaman, but for us? It's a curse!" Seryoso namang sagot ni David sabay simot ng natitirang tequila sa baso nito.

"Alam kong hindi na natin maibabalik pa ang dati.. Pero pwede naman tayong gumawa ng masasayang bagay na magugustuhan nila. Right? Yung tipong hindi man natin kayang burahin, but at least kaya naman nating dagdagan pa.. Malay niyo sa dulo ng storya nating to eh may happily ever after pala." Nakangiting sabi naman ni Andrei at sumangayon naman kami.

Habang nag iinom ay napag pasyahan naming mag plano din ng aming gagawin upang makabawi sa mga taong mahal namin. Nag salitan kami ng iba't ibang idea at opinion hanggang sa makabuo kami ng maayos na plano. Ipinangako din namin sa isa't isa na walang dapat susuko ni isa. Na kahit na anong mangyari ay hinding hindi namin sila susukuan gaya ng dati.

Kung dati ay hindi namin sila nagawang ipaglaban ng husto. Pero ngayon.. Isinusumpa namin sa spirito ng tequila na iniinom namin ngayon na hinding hindi na kami patitinag kahit na kanino man.

Nag inuman, nag kwentuhan, nag tawanan, nag iyakan, at nag dramahan sa isa't isa. Halos lahat na yata ng sikreto at baho ng isa't isa ay kabisado at alam na namin lahat. Ultimo tungkol sa magulang namin at sa magulang ng apat na babaeng mahal namin ay alam na alam namin.. Patuloy lang kami sa aming mga ginagawa hanggangg sa tuluyan na naming maubos ang limang bote ng tequila. Maya maya pa ay inantok na din kami.

Umupo ako sa tabi ni Zaffarah at sumandal sa head board ng sofa bed na hinihigaan ng mga ito. Si Andrei naman ay umupo sa lapag sa gilid ni Cassandra at pinatong ang kamay at ulo nito sa kama. At dahil sa kakaiba si Gabriel sa aming lahat, makapal at matigas ang mukha nitong tumabi kay Calista habang ito'y natutulog ng mahimbing. With yakap pa ang kupal ha! Sana all kayang gawin yan. Pero dahil sa nirerespeto namin ang taong mahal namin, hindi namin iyon gagawin. Iba talaga kasi kapag dakilang virginizer!! Hahaha! Inantok na din si David kaya umupo nalang ito sa lapag bandang paanan ni Ayesha at isinandal ang likod nito sa kama hanggang sa kami ay nakatulog na.

-----

A/N:

Hi readers? Thank you for reading my story! I hope na hindi kayo mag sasawang abangan at suportahan ang mga susunod na UD ko! I'm so glad na padami na ng padami ang readers ko. Sana mag tuloy tuloy pa ito. Yieehpy! Happy 103 reads! Thanks you again and God bless you all! Muah!

Ps. Don't forget to vote, comment, share, and follow my UN and story. Ingat!

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon