Plans Never Brokes!

35 6 1
                                    

Zaffarah's POV!

Andito ako ngayon sa aking kuwarto. Nakapikit ang mata ko pero gising ang diwa ko. Hindi ko alam pero parang tamad na tamad talaga akong bumangon ngayon. Nanatili lang ako sa aking pagkakahiga nang mag ring ang cellphone ko. Idinilat ko ang isa kong mata para hagilapin iyun. Dali-dali ko itong sinagot ng hindi ko man lang binasa kung sino ang tumatawag sa akin.

"Hello?" Bungad ko dito.

"Hello, Zaff? Si moomy 'to!"

Napabalikwas ako agad ng marinig ko ang boses ni mommy mula sa kabilang linya. Sobrang saya at sobrang pagka miss ang agad na naramdaman ko.

"Mommy? Kamusta na po kayo? Miss na miss ko na po kayo ni dad! Kailan po kayo free? Kailan niyo po ako bibisitahin? Madami po akong gustong ikwento sa inyo! Kagabi nakita ko po ulit si--"

"Si Zaffarah ba yan? Let me talk to her!" Ma-awtoridad na rinig kong sabi ni daddy mula sa kabilang linya.

"Hello? Zaffarah.. Hello?!" May tension niyang bungad sa akin.

"Y-yes dad?" Mahina kong sagot.

"Papunta na ang secretary ko diyan in 2 hours. At gusto kong naka handa kana! Maayos ang mukha, damit, at maayos na kilos! At dapat ding nakapag deside ka na, kasama ng mga kaibigan mo kung saan talaga kayo mag aaral! Tell it to Mr. Javier, para alam ko! Understand? At tatandaan mo, dapat sa mahal, maayos, at kilalang campus kayo pumasok! Zaff! Wag mo na akong ipapahiyang muli! Umayos ka! Did you hear me? Tama na ang limang taong nakaraan! You embarrassed me so much! Such a spoiled brat!" Sunod sunod nitong singhal sa akin.

"Y-yes dad. I know." Malumanay kong sagot.

"Mabuti naman kung ganon! Tara na Fey! May meeting pa akong kailangang puntahan. She's just a waste of time!"

"Yes honey susunod na 'ko.. Hello? Zaffarah? I miss you too anak. Pag may time ako dadalawin kita ha? Busy lang talaga sila mommy at daddy for now. Kaya mag iingat ka palagi ha? Maha--"

"Fey! Ano ba! Tama na nga yang ka dramahan na yan!"

"Oo honey andiyan na.. Sige nak kailangan na naming umalis. I lo--"

*toooot toooot toooot*

At ayun na nga, di ko man lang narinig ang salitang mahal at love.. Kahit man lang sana galing sa mommy ko. Hays! Simula kasi ng confession namin sa apat na mokong na iyon ay nawala na ang lambing at time sakin nila dad at mom. Ewan ko ba! Siguro kasi dahil sa kahihiyang ginawa ko pati sila nadamay. Ambilis kasi ng mga chismosa eh. Ilang minuto lang nasa article na kaagad ang mga mukha at pangalan namin. 'Confessions of the Nerdy Girls!' Huh! Nerds pala ha? Di ba pwedeng tamad lang mag ayos? Na sapat na at kontento na kami sa itsura at katawan namin? And why do people always give us a shit! 'Yan din ang mismong dahilan kung bakit kami pinapunta ng aming mga magulang sa Canada.. Para lumipas ang tsismis, mamatay ang tsismis, at makalayo sa kahihiyan na kami mismo ang dahilan! And now we're back! Ipinangako namin sa isa't isa na hinding hindi na kami mag papakatanga pa. Kahit kailan! Nag paganda kami ng husto, nag ayos, at nag pa sexy! Nag aral ng mabuti at nakakuha ng maraming parangal. Parangal na kahit kailan hindi man lang kami nagawang ipagmalaki nino man! Nag modelo din kami sa mga sikat na magazines para sumikat at makilala ng madami. At sa aming pagbabalik, ang apat na 'yon ang pupuntiryahin at ipapahiya namin! Mark our words! Kami noon, sila naman ngayon!

"KAYO NAMAN ANG IIYAK!"

"SILA NAMAN ANG IIYAK!" Sagot ni Cassandra na kaagad namang nag palingon sa akin sa pinto.

Andoon din sila Ayesha at Calista na pumapalakpak.

"We heard it!" Nakangiting sabi ni Calista.

"Napalakas pala ang pagkakasabi ko.." Nakangisi kong sabi.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon