Oplan Bawi!

21 5 0
                                    

Dwayne's POV:

Andito pa din kami sa CRFD ni David. Halos dalawang oras lang akong nakatulog at nagising din agad ako. Pag mulat ko ng aking mga mata ay may napansin agad akong medyo mabigat na bagay na naka patong sa mga hita ko. Yumuko ako para tingnan yun.. Agad akong nagulat at napangiti nang makita ko si Zaffarah na natutulog ng mahimbing habang naka unan ang ulo niya sa mga hita ko. Kay sarap niyang pagmasdan.. Nakakakilig at nakakatuwa! Hayys! Ang sarap talagang gumising kapag mukha agad ng taong mahal mo ang unang una mong makikita!  Parang gusto ko nalang tuloy ipahinto yung oras na ito para habang buhay ko nalang siyang makasama.

If only I can buy this time, kahit ubusin ko na ang lahat ng yaman na meron ako kapalit lang ng mga sandaling makakasama ko siya ay gagawin ko!

Habang tinititigan ko siya ay nakaisip ako bigla ng magandang umpisa para sa aming plano. Gusto ko mang magtagal kami sa ganoong posisyon pero kailangan muna naming bumawi. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ni Zaffarah para dahan dahan kong maalis ang hita ko. Nang tuluyan ko na itong maalis ay dahan dahan ko din namang inilapag ito sa unan niya kanina. Pagkatapos, dahan dahan naman akong tumayo at mahinang ginising si David.

"David? David?" Mahina kong gising pero di parin ito nagigising. "David?! David?!" Medyo nilakasan ko na.

"Hmm?"

"Wake up bro! We have something to do." Bulong ko sa kaniya.

"Pwede bang bukas na lang iyan bro?! Gabi na oh. Tulog pa tayo." Wala sa hulog na pagrereklamo nito.

"Bro andito pa din tayo sa restaurant mo." Mahina ko pa ding sabi.

"5 minutes." Angal padin nito.

"I can wait but your baby is here. And I know that she's hungry." Sabi ko.

"Who's baby? May anak na ba ako?! Nananaginip ka lang ata bro!" Nakapikit nitong sagot.

"Your baby.. Ayesha?! Duhh!" Maarte kong sabi.

"Man, are you insane? And how can my baby girl get in here?" Mahina niyang sagot habang natatawa at nakapikit pa.

"Bro, can't you remember? Nasa likudan mo kaya siya noh!" Naiinis ko nang sabi pero mahina padin ang boses ko.

Ilang sigundo pa din siyang walang imik. Nakapikit lang ito at hindi nag sasalita. Minabuti ko nalang na tumayo na at gisingin nalang si Andrei pero hindi pa man din ako nakakaalis ng kaagad din naman itong napamulagat at tumayo.

"Anong gagawin natin?" Dali daling tanong sa akin ni David.

Napangisi ako at sinabi sa kaniya ang naisip kong plano. Napangiti ito at pagkatapos ay tinungo si Andrei para gisingin. Agad din naman itong nagising at tumayo. Isa nalang ang natitirang tulog. Nakita namin si Gabriel na mahimbing pading natutulog habang nakayakap sa walang kamalay malay na si Calista. Sabay sabay namin itong binuhat ng tahimik at maingat. Nang makarating na kami sa labas ng VIP room ay dahan dahang isinara ni David ang pintuan nito gamit ang kaniyang paa. Nang tuluyan na itong maisara ay sumenyas naman si Andrei at bumilang.

"Isa.. Dalawa.. Tatlo..!"

*BAAAG!*

"Waahhray!!" Sigaw ni Gabriel ng sabay sabay namin siyang inihagis paitas at binitiwan ng pabagsak. "Damn! What's wrong with you guys?!" Inis nitong tanong.

"Masyado ka kasing madaya!" Pagrereklamo ni Andrei.

"What did I do?!" Maang-maangan nito.

"What did I do?! What did I do?! Hmpp! Suntukin kita diyan eh!" Inis na sagot pa din ni Andrei sa kaniya.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon