Finally Got Home!

9 4 0
                                    

Dwayne's POV:

We're finally got home. Inihinto ko muna ang sasakyang minamaneho ko ngayon sa harapan ng masiyon nila Zaffarah. Bahagya kong nilingon si Zaffarah at nakita ko itong mahimbing paring natutulog. Nakatanday ang ulo nito sa bintana. Nakatabing din ang mahahaba nitong buhok sa kaniyang mukha. Nilingon ko din ang iba at nakita kong mahimbing din silang natutulog. Bumaba ako sa sasakyan at tinungo ko si Andrei na nakaupo sa pinaka bungad na upuan ng sasakyan. Ginising ko siya at nagising din naman agad. Nang magising siya ay bahagya pa itong sumilip sa akin bago tuluyang mag mulat.

"Hmm.. Andito na ba tayo?" Palinga-linga niyang tanong. "Okay.. Alright.. Cassy? Sweetheart, we're here." Gising nito sa natutulog na si Cassandra.

"Hmm?" Tanging sagot lang nito kay Andrei at pagkatapos ay inalalayan na siya ni Andrei sa pag bangon hanggang sa pagbaba ng sasakyan.

Nang maka baba na sila ay kaagad din namang ginising ni Andrei ang dalawa pa naming kaibigang tulog.

"Mga bro.. Wake up we're here." Ani nito sa kanila.

Kaagad din naman na silang nagising kaya ginising na din nila ang dalawa pa nilang kasama sa likod. Nang magising na ang lahat ay sunod ko namang ginising ang mahimbing na mahimbing na natutulog sa kanan ko kanina. Pumasok ako sa driver seat. Pagkatapos ay marahan kong tinapik-tapik si Zaffarah para magising. Nagising naman agad ito at pagkatapos ay bahagya pa nitong hinawakan ang kaniyang ulo na parang may iniindang sakit.

"What's wrong? Are you alright?" Pagaalala kong tanong sa kaniya.

"Where are we now?" Tanong nito habang lumilinga-linga sa paligid. "Ahh.. A-andito na pala tayo."

Bubuksan na sana niya ang pintuan na nasa gilid niya para makababa ng sasakyan pero pinigilan ko siya.

"Wait! Ako na."

Umikot ako papunta sa labas ng kinauupuan niya at maingat ko itong binuksan. Nang mabuksan ko na ito ay hinawakan ko ang kanang kamay ni Zaffarah habang ang kaliwang kamay naman nito ay nakakapit sa upuan para siya ay maalalayan sa pagbaba. Pagkatapak niya sa kalsada ay bahagya pa itong napatumba pero kaagad ko din naman siyang nasalo. Napahawak ulit ito sa kaniyang ulo at bahagyang napa aray.

"May masakit ba sayo? Let me see." Sabi ko at saka hinawi ang mga buhok na naka harang sa kaniyang mukha.

"Ahh ouch!"

"Sorry.. Hey! May sugat ka. Kaya siguro sumasakit ang ulo mo. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Para magamot at ma check up yang sugat mo?"

"No need na Dwayne. Don't worry I'm fine.. Saka masiyado ng gabi kung pupunta pa tayo sa hospital. Maliit na sugat lang naman ito kaya kaya ko nang gamutin."

"Are you sure? Pero tingin ko nahihilo ka. Gusto mo bang tulungan na kitang gamutin iyan? Babantayan na din kita."

"Wow! So fast! No need na nga po. I'm fine. Kailangan ko lang ng tulog kasi super late na oh. We need to sleep na. Good bye." Sabi nito at pagkatapos ay lumapit na sa mga kaibigan niyang nag aantay na sa tapat ng kanilang gate. "Good night boys?"

"Good night din sa inyo.. Good night Bong-bong." Nakangiting paalam ni David.

"Good night girls! Good night Caly, my one and only girl!" Pilyo namang paalam ni Gabriel.

"Sige magpahinga na kayo girls. Good night Sandra! Bukas nalang ulit ha? Sweet dreams!" Malambing namang paalam ni Andrei.

"S-so paano. Uwi na kami sa tapat ng masiyon niyo girls. Kung m-may kailang man kayo o problema. Don't be shy, just call us! Kami ang bahala sa inyo." Natatawa kong sabi at napangiti naman sila.

Lumapit ulit ako kay Zaffarah bago pa man kami tuluyang umuwi.

"Good night love!" Sabi ko habang marahang hinahaplos haplos ang buhok nito ng aking kanang kamay habang ang kaliwa ko namang kamay ay nakahawak sa malambot niyang kanang kamay. "Sleep well honey! Sweet dreams!"

"Tara na nga bro! Masiyado ka nang nakakalamang eh!" Pagrereklamo sa akin ni Gabriel habang hinahatak pa ang damit ko palayo kay Zaffarah.

"Ano ka ba naman eh! Panira ka talaga ng moment kahit kailan!" Inis kong sabi na ikinatawa naman ng lahat.

Sa sobrang inis ko at hiya ay nag maktol nalang ako papasok sa loob ng masiyon. Nagpapapadyak padyak akong nag lakad habang sila ay tawa lang ng tawa sa akin.

Kainis! Napahiya pa tuloy ako ng di oras! Talaga yung Gabriel na yun eh! May araw ka din sa akin mokong!

"Good evening mga sir.  Mukhang ginabi na ho kayo ha? Gusto niyo ho bang ipaghain ko kayo?" Masayang bungad sa amin ni Aling Fe sa loob ng mansiyon.

Sa inis ko sa kanilang tatlo ay hindi ko na nagawa pang sagutin si aling Fe. Nilagpasan ko nalang ito at nag lakad paakyat sa aking bed room.

"Pag pasensyahan mo na ho iyan aling Fe. Napahiya ho kasi kaya ganiyan! Wahahaha!" Malakas na pagpaparinig sa akin ni Gabriel.

"Hahaha!" Malakas na tawa naman ng dalawa ko pang kaibigan.

Tsk! Kaibigan ko ba talaga kayo! Haisst! Kainis ha! Makatulog na nga lang! Sirang sira na ang araw ko dahil sa kanilang tatlo eh! Humanda ka talaga sa akin bukas Gabriel!

Nang makapasok na ako sa loob ng aking bedroom ay malakas kong isinara ang pintuan nito. Padabog kong inilapag sa sahig ang mga gamit na dala ko at pagkatapos ay malakas na sumalampak sa malambot at malaki kong kama. Sa inis ko ay sa buhok ko na lamang naibuntong ang lahat ng nararamdaman ko. Ginulo ko ng ginulo ang kanina lang ay maayos kong buhok. Hinampas hampas ang aking higaan at pati nadin ang aking mga unan. Pero habang ako ay parang mistulang isang bata na nag wawala. Hindi ko lubos maisip kung bakit nalang tila isang anghel ang sumagi sa isipan ko. Naalala ko yung mga sandaling kasama ko si Zaffarah. Mga sandali na kayakap ko at kahalikan ko siya. At kung totoosin ang lahat ng iyon ay kayganda. Napaka sweet at perpekto ng lahat. Although alam ko naman na napililitan lang siyang kainin at ubusin yung mga niluto kong pagkain, naging masaya din naman ako kasi alam kong na appreciate niya yun. Kahit na alam kong hindi naman talaga ganoong kasarap iyon. At alam ko din hindi iyon perpekto ang luto at lasa niyon. Nakita ko namang sincere siya sa bawat subo at kagat nito sa aking mga niluto. Doon palang, naiisip ko nang panalo na ako. Akalain niyo yun? Naa-appreciate niya ang mga niluto ko. Ibig sabihin naa-appreciate niya din ako. Parang buy one, take one lang kasi iyan eh. Pagnagustuhan mo yung bagay na pinaghirapan niya, ibig sabihin gusto mo din siya! Ayiehh! Kilig to the mountain nanaman ang oppa niyo! Hahaha! Makatulog na nga lang! Good night na sa inyong lahat!

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon