Boys OOTD 👔

10 3 0
                                    

Dwayne's POV:

"Mga tol! Matagal pa ba kayo diyan?! Dalian niyo! Dalian niyo!" Sigaw ko sa kanilang tatlo na ngayon ay natataranta na sa pag kilos.

"Wait lang pre malapit na akong matapos!" Pasigaw ding sagot sa akin ni Andrei mula sa kaniyang kuwarto.

By the way.. Andito nga pala ako sa sala ngayon. At siyempre, lahat ng kuwarto namin ay nasa itaas. Mag kakatabi lang iyong kuwarto namin. At pag lumabas ka mula sa loob ng kahit isa sa mga iyon, makikita mo agad ang sala namin sa baba kapag ikaw ay dumungaw.

"Kayo Briel?! David?!" Sigaw ko ulit.

"Tapos na ako Dwayne. Ewan ko na nga lang sa isa diyan." Sagot ni David.

"Teka lang naman mga pare oh! Ang hirap naman kasing mamile ng susuotin eh. Teka ano ba dapat ang suotin ko? Ito ba o ito?" Tanong ni Gabriel sa amin habang hawak hawak pa ang dalawang damit nito.

"Yang nauna." Simple kong sagot kahit hindi ko pa naman talaga nakita kung ano yung pinag pipilian niya.

"Eh yung sa pang ibaba? Ito ba o ito?" Tanong ulit nito.

"Yung nahuli." Sagot ko ulit kahit di ko pa din nakita.

"Pababa na ako." Sabi ni Andrei ng siya ay mag umpisa ng humakbang pababa ng hagdan.

"Nice bro!" Sabi ko sa kaniya.

"Ano ayos ba? Gwapings ba?" Masaya niyang tanong sa akin.

"Kahit ano namang suotin natin pre eh, pogi pa din tayo! Wala eh, pasensya nalang sila at ipinanganak tayong matitikas at matitipuno!" Pagmamayabang ko.

"Tama ka diyan pre." Nakangisi nitong sagot at pagkatapos ay umapir pa sa akin.

"He-he-hey! Paano naman itong suot ko ha mga bro? Ayos ba ha?" Tanong ni David sa amin habang pumo-posing pa.

"Ayos. Ayos pre. Ayos!" Nakangiting sabi ni Andrei.

"Wow man! Ikaw ba yan?!" Pagbibiro ko naman.

"Well, sa tingin ko hindi. Kasi habang patagal ng patagal ang buhay ko.. Araw araw namang nadadagdagan ang kapogian ko! Hahaha!" Pagmamayabang ni David.

"Buti nga ikaw araw araw lang eh. Eh ako? Oras oras nadadagdagan ang kapogian ko! Wahahaha!" Pagmamayabang din niAndrei.

"Hayy nako! Nag payabangan nanaman ang dalawa. Buti nga kayo araw araw at oras oras lang eh. Eh ako? Sigu-sigundo! Kyahahaha!"

Oha! Wala kayo sa kapogian ko! Hihihi!

"Hoy! Isali niyo naman ako diyan noh?!" Pangungulit ni Gabriel.

"Sa wakas natapos ka din." Ani ko.

"Pasensya na mga pre. Eh alam niyo naman na special kasi ang araw na to eh. Kasi makikita ko na ulit si Caly!" Nakangiti nitong sagot.

"And I can't wait to see my love!" Nakangiting sabi ko.

"Me too. My sweetheart, Sandra!" Natatawang sabi ni Andrei.

"And my Bong-bong, Yesha Yieh!" Nakangisi namang ani ni David.

"Hahahahah!"

Natawa nalang kaming lahat sa ka-corny-hang sinasabi namin. Hahaha! Pag umiibig ka ba naman.

*Ding-dong.*

"May inaasahan ba kayong bisita?" Tanong ko sa kanila pero umiling lang sila.

"Sino naman kaya iyon?" Nagtatakang tanong ni Gabriel.

"Ako na ang mag bubukas." Pag pri-prisintang ani ni David.

Tinungo ni David ang gate namin para tingnan kung sino ang taong nasa labas. Wala pang 10 minuto nang bumalik ito sa loob Ng masiyon.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon