Chasing Zaffarah!

5 1 0
                                    

Dwayne's POV:

Nag habulan lang kami ng nag habulan hanggang sa gusto namin. Nang makarating na kami sa pinaka matandang puno na nakatayo pa din sa likod ng aming school ay napag pasiyahan na naming mag pahinga. Kahit hingal na hingal at habol na habol na ang aming mga hininga ay nagawa pa naming tawanan ang isa't isa.

"Who says, malaki ka na para mag imagine na naglalaro ka ng ganito? Oo naman, Dwayne. Loko ka talaga! Ano ba iyang pinag iisip mo? Ma-i-imagine mo pa bang mag laro sa laki na nating ito? Hahaha!" Pilyo nitong sabi niya habang tumatawa pa at nag boboses lalaki.

Shit ang cute niya talaga!

Lumapit ako sa kaniya at marahan siyang niyakap sa harap ng mahigpit.

"Thank you." Nakangiti kong sabi mula sa kaniyang balikat.

"For what?"

"For choosing me. Napasaya mo ako ng sobra sa mga oras na iyon."

"Bakit? Hindi ka na ba masaya ngayon?"

Inilayo ko siya mula sa pagkaka-yakap sa akin. Mata sa mata ko siyang tinitigan at saka ngumiti.

"You always make me happy, Zaffarah.. Mula pa noon hanggang ngayon. You know, I always wish and pray to God na sana ganito nalang tayo palagi. Yung masaya lang tayo, walang gulo, walang problema. Yung kahit tayong dalawa lang ay sapat na! We don't need anything, even anyone. Just the two of us.."

"P-pwede ba yon? Hahaha. Nag papatawa ka ata eh! Masiyado na atang nagiging fairytale yang imahinasyon mo." Natatawa nitong sagot sa akin.

"I'm serious."

"Gutom lang iyan! Halika." Tawag nito sa akin nang makaupo sa lilim ng puno ng Akasya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo. Pagka upo ko ay napansin kong may kung anong bagay siyang dinudukot mula sa kaniyang bag.

"Ayan.. Buti nalang at girl scout ako! Gusto mo?"

"Ano yan?"

"Pagkain."

"Alam kong pagkain! What I mean is anong pagkain yan? Palagi ka bang nag babaon ng pagkain?"

"Hindi. Ngayon lang. Na late kasi ako ng gising kaya hindi ko na nagawa pang mag almusal."

"Hindi mo na nagawa, pero mag prepare nagawa mo."

"Siyempre. Madali at mabilis lang naman mag prepare ng foods. Pero ang kumain ng madali at mabilis, nakoo! Mukhang di ko kaya yun! Hahaha! For sure, mabubulunan na ako nun kung nagkataon. Hahaha! Oh iyan, kainin mo."

"Sayo na iyan. Mukha kasing gutom na gutom ka na eh."

"Hindi naman gaano. Wag kang mag alala. Dalawa naman itong ginawa ko."

"Bakit dalawa? Para kanino?"

"Sayo!"

Ano daw?

Panandaliang tumigil ang mundo ko sa mga oras na ito. Maikli lang ang sinagot niya pero nag uumapaw na ang ligayang nadarama ko.

"Talaga?"

"Oo."

"At bakit mo naman ako ginawan?" Humarap ako sa kaniya at mata sa matang pinag masdan.

"Naalala kasi kita kanina habang nag pe-prepare ako. Ayaw mo ba?"

"Siyempre! G-gusto ko." Agad kong sagot at pagkatapos ay hinablot na ang pagkain na hawak hawak niya.

Nahihiya man at nanginginig ay kinagat ko na din ang sandwich sa ginawa nito para sa amin.

"Pft! Ang arte! May pa chusy ka pa diyang nalalaman, gusto mo din maman pala!" Pang aasar nito.

"Siyempre. Nag effort yung misis ko para dito eh." Masaya kong sagot sa kaniya habang nakatingin sa magandang view na nasa aming harapan.

"Masarap ba?" Tanong nito sa akin.

"Sobrang sarap.." I paused. "Dito sa gawa mo? May kasama bang pagmamahal?"

"Huh? S-siyempre wala.." Kaagad itong nag iwas ng tingin sa akin.

"Bakit wala?" Pagmamaktol ko.

"Eh kasi di naman kita mahal!" Pag susungit nito.

"Edi hindi. Okey lang. Soon.. Very soon.. Mapapasagot din kita."

"Bakit naman kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?"

Napatigil ako sa pagkagat at dahan dahan ko siyang tiningnan.

"Hindi pa ba halata?"

"Bakit nag tanong ka ba kung gusto kong ligawan mo ako? Pinayagan ba kita?"

"H-hindi."

"Oh hindi naman pala eh! Bakit ka nag e-expect na sasagutin kita?"

"Edi mag tatanong ako.." Binitawan ko muna ang pagkaing kanina ko pa nilalasap.

Inilapag din niya ang kaniya at marahang tumingin sa mga mata ko. Iniabot nito ang kaniyang mga kamay sa akin kaya hinawakan ko ito gamit ang aking maiinit na kamay.

"Zaffarah Mores?? Misis ko?? Pwede ba kitang ligawan?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

"Sincere ka na ba niyan?" Nakangising tanong niya sa akin.

Tumango ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang mga kamay.

"Uulitin ko.. Misis Zaffarah Mores Jhonson.. The first lady of your Mister Dwayne Jhonson. Pwede ba kitang ligawan? Ulit?"

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Inaantay ang anumang lalabas mula sa kaniyang mala rosas na bibig.

"Say please muna." Pilyo niyang sagot.

"I won't say please. Kasi ayokong napipilitan ka. Ang gusto kong isagot mo ay yung totoo para sayo."

"Let me think first." Seryoso na niyang sagot.

"I will wait. Don't worry! Hindi ako mag sasawang mag hintay para sayo."

"Okey. Sabi mo eh." Sagot nito at pagkatapos ay binitawan na niya ang aking mga kamay.

Bumalik na ito sa kaniyang kinakain kaya ganun na din ang ginawa ko. Habang kami ay kumakain ay binalot ng katahimikan ang aming paligid. Nang matapos na kaming kumain ay napag pasiyahan na muna naming mag pahinga sa lilim ng puno ng akasya. Sumandal ako sa katawan ng puno. Habang siya naman ay nakahiga sa damuhan habang naka unan sa aking mga hita. Nag patugtog na ito ng mga senti songs. Sabay naming ipinikit ang aming mga mata habang nilalanghap, pinapakinggan, at pinapakiramdaman ang simoy ng hangin na humahaplos sa aming buong katawan. Ang mga ibon naman na nag liliparan sa aming paligid ay tila isang grupo ng mga qouire. Humuhuni, kumakanta, nag sasayawan habang nag liliparan, sumusunod at sumasabay sa kantang nanggagaling sa cellphone ni Zaffarah.

Ang sarap sa feeling! Nakaka relax. Gusto kong araw arawin at ulit ulitin ang mga pangyayari na ito. Kung pwede lang sana eh. Kung pwede lang talaga! Huwag na sanang matapos pa ang mga sandaling ito na kasama ko siya.

Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon