Love and Tears!

17 6 0
                                    

Andrei's POV:

Kabababa ko lang mula sa VIP room ng aking sikat na Black Spoon Bar para pumunta ng parking lot. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa loob ng kotse ko kaya minabuti ko munang balikan iyon. Nang malapit na ako sa exit door ay kaagad kong nakita si Dwayne na galit na galit mula sa kabilang sulok ng bar na ito. Tiningnan ko kung saan siya patungo at kaagad ko ding nakita si Zaffarah kasama ang tatlong pa nitong kaibigan. Nakita kong binabastos sila ng apat na lalaki kaya dali dali din akong pumunta sa isang waiter at inutusang tawagin ang dalawa pa naming kaibigan at papuntahin malapit sa exit door. Pagkatapos ko siyang sabihan ay kaagad din naman itong tumakbo papuntang VIP room. Sunod ko namang sinigawan ang lalaking nasa counter upang tawagin ang dalawa naming bouncer at kaagad din naman niya akong sinunod. Pagkatapos nun ay dali dali din naman akong tumakbo papalapit sa lugar na pupuntahan ni Dwayne. At dahil sa madaming tao dito ay nahirapan akong makalapit kaagad doon. Isama mo pa ang mga kababaihang hablot ng hablot sa akin at yapos ng yapos sa akin. Hayys! Easy girls! May kailangan akong puntahan! Importante to noh!

Sa inis ko ay pinag tututulak ko yung mga babaeng kanina pa hatak ng hatak sa akin. Nang makawala na ako sa kanila ay mabilis na akong nakarating sa kinaroroonan nila Zaffarah.

Nakita ko si Cassandra na namamasa masa na din ang kaniyang mga mata dahil sa takot! Shit! Ano ba kasing ginagawa nila sa lugar na ito! Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay akmang pipigilan ko sana ang lalaking sasampal kay Zaffarah pero naunahan na ako ni Dwayne.

Bulagta at hindi na kumilos ang lalaking muntik ng makapanakit kay Zaffarah. Habang ang tatlong lalaki naman ay mas lalong nagalit at tumindig. Nilapitan ko si Dwayne para tulungan.

Kumuha ng tig isang bote ang tatlong natitira pang kalaban at binasag ito sa lamesang nasa harapan nila Zaffarah. Tumalsik ang mga bububog nito sa kanila dahilan para masugat ang mapuputi at makikinis nitong mga balat! Nagalit na din ako kaya sinugod na namin ang tatlo pang kalaban. Mayroon man silang hawak na pang saksak pero hindi na namin ito pinansin pa. Ramdam ko ang bawat kirot at sakit ng mga hiwa sa aking katawan pero hindi ako nag patinag. Ganoon din ang ginawa ni Dwayne. Ang inisip na lang namin ay ang mapatumba ang tatlong walang modong lalaking ito at iligtas ang mga mahal namin sa buhay kasama ang kanilang mga kaibigan. Hinang hina na ako dahil sa sakit pero pinilit ko pading tumayo para lumaban. Tumulong na din sina Cassandra, Zaffarah, at Calista. Habang si Ayesha naman ay sumisigaw para humingi ng tulong.

Malakas man ang tunog ng musika sa loob ng bar ay hindi ito naging hadlang para hindi kami mapansin ng iba pang mga tao doon. Tinulungan nila kami para talunin ang tatlong lalaking nag aamok. Dumating na din ang dalawang bouncer at inilabas sila. Tumawag na din ang isa ko pang staff ng pulis at ambulansa. Nakarating na din sina Gabriel at David sa aming kinaroroonan. Inalalayan nila kaming dalawa at pagkatapos ay sinugod agad ako ni Cassandra. Nakita ko ding napatakbo si Zaffarah kay Dwayne at inalalayan itong umupo.

"A-are you okey?" Nanginginig na tanong ni Cassandra sa akin.

Damn! I miss this girl! So much!

Ngumiti lang ako at marahang hinaplos ang kaniyang mukha.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Are you okey?" Pagbibiro ko sa kaniya.

Umiling iling ito hanggang sa tuluyan ng mapaiyak.

"Don't worry about me. I'm okey! Mga galos lang to. Bukas na bukas din at wala na ito. Ikaw? I mean, look at your self. Ang dami mong sugat. Maliliit at malalaki. Dumudugo pa." Umiiyak pa din ito ng umiiyak.

Don't cry Cassandra. I don't wanna see you cry! Kasi mas lalo lang akong nasasaktan pag nakikita kitang ganiyan!

"O-okey lang ako." Pagsisinungaling ko.

Tanginang tatlong yun ha! Pucha ang sakit!

"Wag ka na ngang mag salita diyan! Tingnan mo baka mapaano ka pa at kasalanan pa namin. Kung bakit ba kasi pinagtanggol at iniligtas niyo pa kami eh." Paninisi nito.

"Man andiyan na ang ambulance." Pagpuputol ni Gabriel sa usapan namin ni Cassandra.

Iniangat nila kami at inihiga sa stretcher pagkatapos ay ipinasok sa ambulance. Kasama ko sila Cassandra, Ayesha, at Calista. Habang si Zaffarah naman ay nasa ambulance ni Dwayne. Sina Gabriel naman at David ay dinala ang sarili naming sasakyan.

Habang ako ay nasa loob ng ambulance at nakahiga ay nag kunwari akong tulog. Naramdaman kong hinawakan ni Cassandra ang aking kanang kamay at marahang pinisil pisil. Ramdam ko din mula dito ang pangangatog nito. Ramdam ko din ang mga luhang pumapatak sa aking kamay mula sa maamo nitong mga mata.

I admit, it kills me every single of tears! Yung tipong hindi ko kayang makita, marinig, maramdaman, o maski malaman man lang na umiiyak siya at nasasaktan. Kasi kung tutuusin ay mas grabe pa at mas malala pa ang mga nagawa naming pagkukulang, pagkakamali, at pananakit sa kanila. Ang kanilang mga mukhang inosente, ngayo'y nag bago na. Napalitan na ito ng mga mukhang palaban. Mukhang itinatago ang tunay na kahinaan. Kung maibabalik nga lang namin sa ang nakaraan edi sana naipag laban namin sila. Only if we could bring back the past ay matagal na namin sanang ginawa iyon. Pero sa huli, kami din naman kasi ang may kasalanan. That's why we know that they want to get revenge on us. Siguro hindi lang namin kayang makitang maging ganiyan sila. Alam naming kahit ganiyan na sila ay mayroon pading mabuting puso na nagtatago mula sa kanilang loob. What I mean is, sila pa din yung dati naming minahal, hanggang ngayon, sila pa din iyon. Nag bago man ang kanilang anyo, pananamit, at katawan. Alam kong sila pa din iyan!

Sa sobrang sakit at pagod ng aking nararamdaman ay nakatulog na lamang ako. Pinipilit ko mang gumising pero hindi na kaya ng mga mata ko dahil sa pagod.

---->

---->

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Confessions of the Nerdy Girls!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon