Prologue

178 1 0
                                    


Jan's point of view

Tirek ang araw. Ang init. Pawisan. Mangingitim na yata ako e!

Kanina pa ako nag-hihintay ng jeep dito sa hintayan dahil kaka-dismiss lang ng klase kanina. Pero putek! 30 minutes na ako nandito.

Laging puno yung jeep papuntang tropical kainis! Lagi sila nag-uunahan. Kaya mamaya sasabit nalang ako tutal naka-p.e naman ako.

Nang may natanaw na akong jeep ulit ay agad nag-sipasukan ulit ang mga tao. Dali-dali rin akong sumabit nang mapuno na ang loob ng jeep.

"Hoy babae, wag ka nga dyan at mahulog ka pa."

Tinignan ko kung sinong siraulo ang nag-salita. Pag-tingin nakakita ako ng buko este kalbong lalaking naka-ngisi.

"Pero pag-ayaw ko may magagawa ka ba?" Maangas kong tugon at patango-tango pa sa kanya.

"Kayong mga babae kayo, masyadong matitigas ang ulo. Kaya ganito nalang bumaba ka dyan at ako ang sasabit. Mag-hintay ka nalang ng jeep ulit." mahinahon nyang tugon pero naka-ngisi pa rin.

Sa sobrang badtrip ko ngayon ay sinigawan ko na ang driver ng jeep. "Manong andar na!" Sigaw ko sabay tapik sa bubong ng jeep.
Napansin kong naka-tingin sakin lahat ng mga pasehero.

"Anong problema nyo?!" Sigaw ko.

Agad sila umiwas ng tingin. Naramdaman kong umandar na ang jeep kaya naman ay tinignan ko ulit si buko boy at binigyan sya ng middle finger saka tumawa.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon