Chapter 15

27 0 0
                                    


Sky's point of view

"May aaminin ako." Bungad ko kay Janine. "Ano yun?" Tanong nya at nilingon ako.

Kung iniisip nyo kung nasaan kami, nandito sa rooftop. Wala pa naman si prof kaya tambay muna. Naka-upo kami sa railings at naka sandal ang ulo nya sa balikat ko.

"Nag-bago ka." Sagot ko. Inalis nya yung ulo nya at tinignan ako ng kunot noo. Naguguluhan sya. Cute.

"Paanong nag bago?" Tanong nya at tinitigan ako ng seryoso. "Sarili mo nag-bago." Sagot ko muli.

Lalong kumunot ang noo nya, mukhang hindi nya talaga maintindihan. "Huh? Hindi ko talaga gets." Saad nya.

"Ang ibig kong sabihin, mukhang babaeng babae ka na." Paliwanag ko at ngumiti. Dinuro ko rin yung labi nya na may liptint.

"Nag lalagay ka na rin nyan,"
Sabi ko. Napa-hawak tuloy sya sa labi nya at ngumisi. Bakit sya ngumisi? "Sa lahat ng mapapansin mo, labi ko pa?" Tanong nya at nilapit sakin ang mukha nya.

Napa lunok ako at nanlaki ang mga mata. Shit. "Usod nga," Tugon ko.
Hindi sya nakinig at lalong nilapit ang mukha nya. "Ayaw mo a." Banta ko.

Parang wala lang sa kanya ang banta ko dahil ngumiti pa sya."Mamaya na kayong mag harutan, pumunta na kayo sa classroom kasi mag-lalaro tayo."

Tumingin kami ni Janine sa pinto ng may nag salita. Si Wendy. "Ang epal mo talaga Weds!" Sigaw ni Janine st sinamaan ng tingin si Wendy.

"Sorry na! wala kasi si prof kaya mag laro naman daw tayong lahat." Sabi nya at bumaba na.
Tumalon na ako pababa at nilahad ang kamay ko kay Janine na ngayon ay naka nguso.

"Bilis na." Agad nyang kinuha ang kamay ko at bumaba saka naunang mag lakad. Tsk, nag tampo.

Hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya saka binigyan sya ng sandaling halik. Lumingon sya sakin ng gulat. "Okay ka na?" Tanong ko.

Tumango sya at ngumiti. Sabi na e, yun lang okay na sya. Gamot nya ako at gamot ko rin sya. Same lang.
Pag baba namin ay naabutan namin ang aming mga kaklase na naka pabilog sa sahig. Ano ba lalaruin?

Naupo kami sa tabi ni Wendy na katabi si Lance. "Okay, kumpleto na tayo. Let's start. Ang laro ay truth or dare, may bote sa gitna at kung sino ang mag ikot sya ang mag tatanong ng truth or dare sa natapatan ng bote. Gets?" Paliwanag ni Wendy.

Lahat kami ay tumango. Pinaikot na Ito ng isa namin classmate na si Joy at tumapat Ito dun sa mayabang na si Justine pala. Tsk, hanggang ngayon hindi kami nyan nag uusap.

"Truth or Dare?" Tanong ni Joy.
"Truth." Sagot nya. Duwag, HAHA.

"Sino crush mo dito sa classroom?" Tanong ni Joy. Nakita kong ngumiti sya at lumingon kay Janine. "Si Janine." Naka-ngising Sagot nya.

Tangina.

Nagulat ang lahat at nanatiling tahimik at naka tingin samin.
"Anong masasabi mo Janine?" Tanong ni Joy. "Wala akong pake." Sagot ni Janine.

Okay, hinahon Sky.

"Eh Ikaw Sky?" Tanong sakin ni Joy. "Fuck you." Sagot ko at tinapatan ng middle finger si Justine. "Ohhh!" Sigaw ng mga classmate namin.

"Wala ka pala Justine e!" Sabi ng isa nyang tropa. Di nya Ito pinansin at pinaikot na ang bote sakto itong tumigil kay Ella. Tsk.

"Truth or dare?" Tanong ni Justine. "Dare." Sagot nya.

"I dare you, to kiss Sky on the cheek." Sagot ni Justine at ngumisi.

Tinignan ko si Ella na mukhang masaya at naramdaman kong humigpit ang hawak ni Janine sakin. Lumingon ako kay Janine na mukhang galit.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon