Special Chapter 3

13 0 0
                                    


Wedding day: after 1 month

Jan's point of view

"Weds! Kinakabahan ako!" Sabi ko at pinaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko saka nag-tatalon. "Ano ka ba! Ganyan yan talaga. Pero, don't worry at magiging stable din ang sarili mo kapag nasa altar ka na." Mahinhin na sabi ni Weds at binuka ang mga braso nya.

Niyakap ko naman sya agad at huminga ng malalim. Nandito kami sa dressing room. Nag-simula na rin sila ayusan ako. Pina-upo nila ako sa tapat ng salamin at sinimulan lagyan ng make-up. I'm so nervous.

Napansin yata ng nag-mamake-up sakin nakabado ako dahil sa pa-simpleng pag-iling nya. "Ma'am, just calm down. Lahat tayo napag-dadaanan Ito kaya normal na yan. Isa rin 'to sa pinaka-memorable na araw kaya naman go with the flow nalang po at wag nang kabahan."

Ngumiti ako at tumango. "Sabi mo e, thanks." Sabi ko. Nginitian lang din nya ako at nag-patuloy sa pag-aayos sakin.

Ano kaya nararamdaman ni Sky ngayon?

***

Sky's point of view

"Buddy ano ng gagawin ko?!" Sigaw ko at inalog-alog si Lance. Sinamaan nya ako ng tingin at inalis ang mga kamay ko. "Para kang tanga buddy. Kala ko ba ready ka na dito? Ikaw pa nga ang nag-pipilit na mag-pakasal na kayo. Diba?" Seryosong sabi ni Lance sakin.

Napa-iling ako at ginulo ang buhok ko. "Bakit di ka ba ganito noon?" Tanong ko sa kanya. Humawak sya sa baba nya at nanlaki ang mga mata. May naalala siguro.

"Actually..."

Flashback

2 years ago:Lance and Wendy wedding day

"What to do what to do what to do-"

"Shut it Lance your so loud." Inis na sabi ng daddy nya at hinawakan ang tenga nya. "Daddy I'm so nervous! I'm gonna back out." Sabi ni Lance at sinutok suntok ang hangin.

Napa-iling ang daddy nya dahil sa pinapakita sa kanya ng anak. "Are you gay?" Tanong ng tatay nya. Nanlaki ang mga mata ni Lance at umiling. "No way! Never ever I will be a gay! In this kind of face?!" Sagot nya at sinamaan ng tingin ang ama.

"That's right! So don't be nervous and go with the flow. Okay?" Sabi pa ng ama nya at nginitian sya. "But daddy!" Parang bata nyang sabi.

"Son, please shut your mouth up. Naririnig ka na sa labas." Medyo pikon na sabi ng ama nya at umiling. "Anong gagawin ko?!" Sabi nya at inalog alog ang ama nya.

"Just go with the flow. Your going to love it when you see her. Your wife." Sagot ng ama nya at nginitian sya. Tumango lang sya at sinuklian ng ngiti ang ama.

End

Present

Sky's point of view

"Actually..."

Kumunot ang noo ko ng hindi na nya ituloy. "No time for flashbacking. Ang kailangan mo lang ay ang 'go with the flow' words para di ka na kabahan. You can do it, buddy." Sabi nya at nginitian ako. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon