Chapter 13

26 0 0
                                    


Sky's point of view

"Kabisado mo na ba?"

Nandito lang kami ni Janine sa may park, tinuturo nya sakin ang bawat sulok ng paligid para daw makabisado ko. Sa totoong lang kunti lang kabisado ko kasi naka titig lang ako sa kanya.

Buong oras na mag kasama kami naka titig lang ako sa kanya. Masisi nyo ba ako na may girlfriend akong magandang tapos ang bait pa sobra.

"Nakikinig ka ba?" Tanong nya na mukhang bangot na. LAh, oo. Kabisado ko na." Sagot ko habang naka titig pa rin.

"Kung ganon, lead the way dalhin mo ako sa cafe." Naka-ngising sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko, nakalimutan ko. "Nakalimutan ko." Sagot ko at ngumiti sa kanya saka hinawakan yun kamay nya.

"Sabi na e, sayang effort ko." Sambit nya at ngumuso.

Shit.

"Sorry, nakaka distract ka kasi." Pag-amin ko. Totoo naman e.
Lumingon sya sakin na kunot noo.
"Bakit? may mali ba akong kilos?" Tanong nya at bahagyang tinignan yung katawan nya.

Tumawa ako.

"Bakit nga?" Tanong nya ulit. "Yung mukha mo nakaka distract ang ganda kasi." Seryosong sabi ko. Nakita kong namula ang mukha nya at umiwas ng tingin.

HAHA!

Hinawakan ko ulit yung kamay nya at hinarap sya sakin saka niyakap sya. "Sorry talaga, dalhin mo ako sa cafe at treat din kita." Sabi ko at kinalas na ang pagkaka-yakap.

Tumango sya at nag lakad na hawak pa rin ang kamay ko. Pag dating sa loob ng cafe parang sumakit ang ulo ko. May naalala ako.

"Di mo man ako binilhan ng cappuccino." Sabi ni Janine at ngumuso.

Cute

"Okay, order lang ako. Lance umayos ka a." Sambit ko at tumungo sa counter.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Janine. Cappuccino pala ang gusto nya at ako din.

"May naalala lang." Sagot ko at ngumiti. Nanlaki ang mga mata nya. "Ano naalala mo?" Tanong nya at ngumiti.

"Upo muna tayo?"

Tumango sya a dinala ako sa isang table. "Order lang ako." Sabi ko.
LWag na, Nakalimutan mo yata ang gusto natin." Sagot nya.

Umiling ako.

"Ako na, trust me." Sabi ko pa at ngumiti. Dahan dahan syang tumango. Kinurot ko ang pisngi nya at tumungo na sa counter.

"Hi sir, mabuti at bumalik kayo ulit?" May pagka-sarcastic na sabi ng babae.

Familiar sya sakin, ah! Yung malandi! Yes nakaka-alala na ako.

"Syempre babalik ako, na miss ko yung cappuccino e. By the way dalawang cappuccino nga." Sabi ko at ngumiti ng peke.

Pag bigay nya sakin ng cappuccino ay lumapit na ako kay Janine at nilapag ko agad ang cappuccino sa tapat nya. Lumingon sya sakin na parang gulat na gulat.

"Naalala mo?" Gulat nyang tanong.
Tumango ako at umupo sa tapat nya saka humigop sa cappuccino.
"Sky, may naalala ka pa ba?" Tanong nya at mukha syang seryoso.

"About saan?" Tanong ko. "Satin, about sa relationship natin." Sagot nya. Anong meron samin?

"Hindi ko maintindihan, Ano bang meron pa satin?" Tanong ko at hinawakan ang kamay. "Kapag naalala mo na, sabihin mo agad sakin. Okay?" Sambit nya at ngumiti.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon