Chapter 14

23 0 0
                                    


Jan's point of view

Bwisit na Sky, humanda talaga sya sakin. Payback time. Nandito na ako sa school kanina pa sya hinahanap, pero di ko sya makita. Asan na kaya yun?

Lumapit ako sa isang lalaki at kinalabit sya. Humarap sya sakin at mukhang nagulat at natakot.

"Bakit po? kung sisihin mo po ako na may kasalan. Wala po akong kasalan!" Sigaw nya at lumuhod sa harap ko. Ang daming alam nito a, mag-tatanong lang naman ako.

"Tumayo ka nga, tatanong ko lang kung nakita mo na si Sky?" Tanong ko.

Agad syang tumayo at tinignan ako at umiling. Tumango ako at pina-alis na sya. Kainis napa-tagal pa ako. Habang nag lalakad ay nakita kong nagkaka-gulo sa tapat ng classroom. Anong nangyayari?

"Tabi nga! alis!" Sigaw ko sa mga naka harang. Nang narinig nila ako ay agad silang umalis at pina-daan ako.

Pag pasok ko sa classroom napa iling nalang ako sa nakita. Walang hiya kala ko kung ano. At oo nga pala bakit di nya sakin sinabi?! Na may boyfriend na sya?!

Kung iniisip nyo kung sino ang tinutukoy ko. Walang iba kundi ang pinaka MAHAL kong BeStFRieNd. At ang boyfriend nya ay walang iba kundi si Lance ang kaibigan ni Sky.

Lumapit ako at kinaltukan silang dalawa. "Aray! bakit?!" Sigaw ni Weds at sinamaan ako ng tingin.
"Punyeta ka! ano yan?!" Sigaw ko at dinuro ang magka-hawak nilang kamay.

"Wala, kami na." Naka-ngiting sabi ni Weds at hinalikan pa sa pisngi si Lance. Leche, asan na si Sky? Naiinggit ako.

"Mag usap tayo mamaya a, at please lang itigil nyo muna yan. Ang daming nanonood sa harutan nyo." Sabi ko at umirap.

"Inggit ka lang e kasi wala si Sky, baka may iba na." Sabi nya na parang nangangasar. "Wala a!" Sigaw ko at kinaltukan sya ulit.

"Baka nasa rooftop." Singit ni Lance. Kumunot ang noo ko, Anong ginagawa nya doon?

"Bakit sya nandoon?" Tanong ko.
"Di ko alam." Sagot nya at sumandal sa upuan.

Lumabas na ako at tumungo sa rooftop. Pag dating ko nakita ko sya naka upo sa railings ng rooftop at naka tingin sa kawalan.

"Sky." Tawag ko.

Tumingin sya sakin, pero kakaiba. Parang ang lamig. Bakit? Lumapit ako pero nanlaki ang mga mata ko ng tumayo sya doon, takte baka mahulog sya!

"Sky! Anong ginagawa mo?! Bumaba ka dyan!" Sigaw ko habang naka tingin sa kanya. Umiling sya at biglang ngumisi?!
Anong trip nito?!

"Janine." Malamig na tawag nya.

Bakit ang lamig?! Galit ba sya sakin? Bakit di nya ako tinatawag na Princess? Naalala na ba nya ang lahat? At ang kala nya di ko sya gusto? Ang dami kong tanong na natakbo sa ulo ko ngayon.

"Timothy, let's talk. Anong nangyayari?" Tanong ko. Umiling sya at umatras pa. Leche! Natatakot na ako! "Sky naman e! bumaba ka na dyan! Please?!" Pag mamakaawa ko at lumuhod na.

Shit, na iiyak na ako.

"Janine, naaalala ko na. Siguro kaya mo ginagawa ang lahat ng 'to dahil sa kontrata. Tama ba?" Tanong nya.

Umiiyak na umiling ako. Hindi ko ginagawa ang lahat ng 'to dahil sa tanginang kontratang yun kundi dahil mahal ko na sya. Punyeta, bakit ba lagi nalang kami pinag hihiwalay ng tadhana? Tangina mo tadhana.

"S-Sky, hindi ko 'to ginagawa dahil sa kontrata, kundi dahil mahal na kita. Lahat ng pag-yayakapan natin at pag-hawak ng kamay pati na rin ang mga halikan natin. Hindi dahil sa kontrata yun, dahil totoo na ang lahat. Di ko na nga naisip na kontrata pa rin ang relasyon natin. Sky please, maniwala ka." Paliwanag ko at humagulgol.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon