Chapter 20

18 0 0
                                    


Sky's point of view

Kinakabahan na ako! Ano ba talaga balak nitong si Janine?

Mamaya sabihin nya: 'Will you marry me?' O 'ako na mag-propose kasi ang bagal mo' pero wait, mabagal ba talaga ako? Di ko alam! Sa tingin ko talaga mag-propose na sya sakin e! Help-

"Tigil-tigilan mo nga ang pag-iisip sa propose thing. Para kang tanga." Sabi nya at umirap.

So hindi nga? Kala ko-

"Di nga, kulit mo."

"Teka nga, paano mo nalalaman ang mga nasa isip ko?" Tanong ko habang naka-kunot noo.

"Nasa isip mo ba yun? Hindi halata. Bumubuka at may boses na lumalabas sa bibig mo at may tenga ako para marinig. Tsk." Sarcastic na sabi nya at umirap na naman.

"HAHAHA..." Kahiya. "So, nasaan na tayo?" Tanong ko.

Paano naman kasi may naka-taling panyo sa mata ko dahil may kikitain daw ako na tao. Di ko nga alam kung bakit di nya binanggit na sya rin e. Kasama naman nya ako.

Hawak lang din nya ang kamay ko para tahakin ang daan papunta sa di ko alam. Totoo, di ko talaga alam kung saan. Patakip-takip pa kasi sya e.

"Mag-hintay ka lang dyan, malapit na." Sagot nya. Bumugtong hininga nalang ako dahil sa inip.

"Okay! Nandito na tayo. Dyan ka lang." Sabi nya at binitawan ako.
Tumango lang ako kahit di ako siguradong nakita nya.

5 minutes

4

3

2

1

Bakit ang tagal nya? Di na ako mapa-kali.

"Princess asan ka na?!" Sigaw ko.

Nasa panicking mode na ako ng biglang may nag-tanggal ng panyo sa mata ko at nakita agad ang isang babaeng napaka-pamilyar sakin. Lovely.

"Huh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at luminga-linga para hanapin si Janine. Tumingin ako ulit sa kanya.

"Nag-paalam ako kay Janine na hiramin muna kita. May sasabihin kasi ako." Sagot nya at umiwas ng tingin.

Okay...

"Okay. Asan muna si Janine?" Tanong ko.

"Sinamahan nila Yellow at ate Glaze na mag-gala muna." Sagot nya.

Tumango ako.

"Tara na?" Yaya ko.

Tumango lang sya.

"Wait, nasaan na tayo?" Sabay kamot sa batok. Di ko talaga alam kung nasaan kami dahil nga sa panyong nilagay ni Janine.

"Sa may park malapit sa bahay namin." Sagot nya.

"Okay tara na."

***

"Anong gusto mo?" Tanong ko.
Nandito kami sa isang food court umo-order ng pagkain. "Kahit noodles lang at tubig." Sagot nya at nilingon ako.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon