Chapter 16

21 0 0
                                    


Jan's point of view

Nakaka tawa kasi mukhang na mimiss na ako ni Sky, ako rin naman. Hindi ko binabawi yan :)

Nandito na ako sa school patungong classroom na. Pag dating ko sa classroom nakita agad ng mga mata ko si Sky na naka-tungo. Tumungo na ako sa tabi nya at naupo. Hanggang ngayon dare pa rin sakin na wag syang pansinin so bukas ko na sya kakausapin.

Naramdaman kong inangat na nya ang ulo nya at sumilip sa bintana. Okay, sa tingin ko di rin nya ako kakausapin. Napagod na siguro sya. Ganon ganon lang ba yon? Suko agad?

Siraulo ka din Janine no? Alam mo naman na kahit pansinin ka nya di rin mo naman sya kakausapin. Bwisit, oo nga naman.

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Weds at Lance na magka holding hands. Tangina, naiinggit ako. Tumingin sakin si Weds at ngumisi. Gaga yan e, sinabi nya sakin na plano daw nya talaga na wag muna kami mag usap ni Sky.

Kasi daw super harot daw namin. Sabi ko naman maharot din naman kayo ni Lance a? Ang sagot nya; Ngayon yun di dati at gusto kong maramdaman mo kung gaano ako kaselos sayo no.

Gaga no? ay nako. Naupo na sila sa likod namin at tumawa pa ng mahina. Walang hiya. Tsk. Dumating na si prof at nagsimula ng mag turo. Habang nag tuturo si prof at parang nakaka ramdam ako ng hilo. Huh? bakit kaya? Nag almusal naman ako a.

Ang almusal ko nga yung binigay sakin kahapon ni Weds na toasted bread with honey. Naramdaman ko nalang na bigla akong bumagsak at nag-dilim ang paligid.

***

"Janine?"

"Princess?! okay ka na ba?!"

"Ang ingay mo Sky, para naman na opera si Janine. Overreacting."

"Bakit ba?! mahal ko yan e!"

"Pake namin?!"

"Guys, shhh. Gising na sya."

Dinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Sky na nag-aalala at si Weds na kasama si Lance. Bumangon na ako.

"Anong nangyari? bakit ka nahimatay?" Nag-aalalang tanong nya. Hinawakan pa nya ang noo ko. "Di ko alam." Sagot ko at umiling.

"Gumana! yes!" Sigaw ni Weds at patalon talon pa. "Anong gumana?" Tanong ni Sky.

"Yung toasted bread with honey, may pang patulog e." Sagot nya.
Agad ko syang binatukan. "Walang hiya kang gaga ka!" Inis na sambit ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Lance. Wala lang, mukha kasing di na rin pinapansin ni Sky si Jan kaya naisip ko yan at yung nga! Effective nga! Sobrang halaga ni Jan sa kanya." Sagot nya.

Umiling nalang ako.

"At oo nga pala, game over na kayo sa dare." Sabi pa nya at hinila na palabas si Lance naiwan kaming dalawa ni Sky. Tumingin ako kay Sky na naka-tingin pala sakin. Feeling ko uminit na ang mukha ko.

"Ano?" Tanong ko at tinaasan sya ng kilay. Lalo nyang nilapit sakin ang mukha nya. Umatras ako.
"Tantanan mo ko a." Sabihin ko at tumayo na.

Tumayo rin sya at niyakap ako.
"Na miss kita." Bulong nya.

Okay, kinikilig ako ;)

"Mag-salita ka naman." Saad nya.
"Oo na miss din kita." Pag-amin ko at hinigpitan ang yakap sa kanya.

Ang bango nya, naka bench perfume pa yata. HAHA. Kumalas na sya at tinignan ako.

"Pa-kiss nga."

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon