Special Chapter 2

19 0 0
                                    


Sky's point of view

"I'm sorry I'm late, tara at mamili na tayo ng suit at wedding gown. Para sa kasal natin."

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses nya. Hindi pa rin ako lumilingon kahit narinig ko sya at napaka linaw ng mga sinabi nya sakin.

Ngayon? Kala ko bukas dahil busy sya?

"Bakit ka nandito? Mag-pahinga ka na sa unit mo at bukas na nga lang." Utos ko na hindi pa rin sya nililingon. "Ayoko, ngayon gusto ko. Alam kong late na pero please," Rinig ko ang pag lakad nya ng dahan dahan sa likod ko at ang pag tigil nya sa harap ko.

Hindi ko sya matignan sa mukha. Ayoko. Hindi ko alam kung bakit. Basta ayoko. "Tignan mo ko."
Utos nya.

Hindi ko sya pinakinggan hanggang sa sya na mismo ang humawak sa mukha ko para matignan ko sya. Iniwas ko pa rin ang tingin ko kahit magka lapit na ang mukha namin.

"I'm sorry." Sabj nya. Tinignan ko sya ng sabihin nya ang dalawang salita na iyon. "Bakit naman? Naiintindihan kita kung busy ka ngayon. Sabi mo pwede naman bukas e-"

"Hindi yun." Putol nya sakin. Kumunot ang noo ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Sky, sorry kung hindi pa ako handa sa kasal na ito. Hindi ako talaga busy ngayon. Sinadya kong pumunta sa mall kasama si Weds. Wala kaming ginawa doon na kina-busy ko. Kasi ayoko lang magpa kita sayo." Pag-amin nya.

Hindi ko mabuka ang bibig ko sa pag amin nya. Sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi sya handa at napipilitan lang sa pagkaka taon na ito.

"But, Weds tell me something about her experience too. Na katulad ko hindi rin sya handa. Pero tuluyan nyang tinanggap ang kasal nila ni Lance nang mapag tagpo nyang mahal nga talaga sya ni Lance,"

"Tulad ko, alam kong mahal na mahal mo ko. Tinatanggap ko na nang buo ang kasal natin. Because I'm feeling the same way that your feeling too." Pag-tatapos nya.

"Princess..." Tangi kong nasabi.

Ngumiti sya sakin at niyakap ako. "Sorry talaga kung ngayon ko lang nalaman na handa na ako at hindi man kita naisip. Yung nararamdaman mo." Hinigpitan ko ang yakap nya sakin.

"Sorry din kung nahihirapan ka dahil sakin." Sabi ko. Kumalas sya sakin at tinitigan muli ako saka naupo sa aking tabi.

"Aaminin kong nahirapan ako kasi hindi pa ako handa, pero okay na ngayon. Tara na?" Tanong nya. "Sure ka ba? Gabi na rin kasi." Sabi ko.

"Pake ko, kasama naman kita e. Tara na." Sagot nya at hinatak na ako patayo. "Sandali kukunin ko lang yung jacket ko. Kunin mo rin yung sayo. Yung pareho tayo." Sabi ko. Tumango lang sya at lumabas para kunin ang jacket nya.

Tumungo ako sa kwarto ko at hinanap ang jacket na kulay gray na may pangalan nya sa likod. Pareho lang din yung sa kanya. Pangalan ko ang naka lagay sa likod at kulay gray din. Ang sweet no? Mainggit na kayo. Joke lang.

Nang makita ko na ito at agad kong sinuot at pumunta na palabas. Saktong pag labas ko nakita ko sya sa may tapat ng unit nya. Suot na rin nya yung jacket. Ang cute namin tignan. Mainggit ulit kayo. Joke lang ulit. HAHA!

"Tara na?" Tanong ko at nilahad ang kamay ko para hawakan nya. Tumango sya at ngumiti saka kinuha ang kamay ko. Pumunta kami sa basement kasi nandon ang kotse ko. Pinag buksan ko sya ng pinto sa kotse bago ako tumungo sa driver seat.

"Let's go." Sabi ko at nag maneho na papunta sa mall.

Pag dating namin sa mall ay hinawakan ko muli ang kamay nya saka nag tungo sa 'wedding suits and gowns departure'. Pag pasok at agad kaming binati ng mga saleslady at dinala kami sa section ng mga suits at gowns.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon