Special Chapter 1

32 1 0
                                    


Sky's point of view

"Sinong cute? Syempre Ikaw! Yiee. Ang cute cute mo talaga!" Sigaw ko sa hawak kong baby na si Nick. Lagi ko rin kinukurot ang pisngi nyang matataba!

Ang cute nya talaga!

"Tantanan mo ang pag kurot kay Baby Nick! baka mapano pa yan!" Sermon sakin ng aking asawa. Si Janine. Kasalukuyan kaming naka-upo sa sofa at nanonood sa t.v.

"Grabe ka naman Princess, di ba pwedeng pang-gigilan ang Baby Nick natin?" Tanong ko at ngumuso. "Ewan ko sayo, mamaya kukunin na ni tita si Baby Nick kasi dederetso na rin daw sya sa bahay nila." Sabi nya.

Ngumuso pa ako lalo ng marinig ang sabi nya. Kukunin na ulit si Baby Nick! How sad! Kung iniisip nyo kung anak namin ni Janine si Baby Nick your all wrong! Kasi nga anak ito ng tita nya, na nabanggit lang nya kanina. "Kala ko bukas pa?" Tanong ko.

Umiling sya. "Kala ko din pero tumawag sakin kanina kanina lang na kukunin na daw nya." Sagot nya. Kung iniisip nyo kung kasal na kami? well, pinag iisipan palang namin kung kelan at 2 years na kaming engaged.

Ang ganda pakinggan. Mas maganda siguro kung wife na ang tawag ko sa kanya at sakin fiancé-

"Tigilan mo na naman ang pagiging lutang mo." Singit ni Janine. Kahit kelan talaga. "E, kasi naman Princess gusto na kita pakasalan. Kelan ba pwede?" Tanong ko.

Bahala na, deretsuhan na 'to. Lumingon sya sakin ng nanlalaki ang mga mata.

"Wow, napaka impatient-"

"I'm sorry kung nagiging impatient na ko, pero gusto ko kasing maging  tayo lang sa isa't isa, alam ko naman na tayo talaga sa isa't isa. Pero syempre kaya gusto ko na kasi, it's been two years na rin. Ang hirap din mag-hintay," Putol ko sa kanya habang nakaka-titig sa isa't isa. Iniwas ko ang aking tingin at tumayo para ihiga muna si Baby Nick sa kwarto.

"Sure let's get married next month." Napa-tigil ako sa pag lalakad at nanlaki ang mga mata. Nilingon ko sya ngunit naka tingin sya ulit sa t.v  "Princess seryoso?!" Sigaw ko at lumapit sa kanya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Kaya naman binigyan nya ako ng masama tingin.

"Di ba obvious?" Bored nyang sagot. "Well, mukhang hindi obvious-" hindi ko na natuloy ng batukan nya ako.

"Seryoso ako." Sagot nya. Ngumiti ako at hinalikan sya. Nagulat kami ng umiyak sa Baby Nick kaya naman ay tumungo kami sa kwarto para patulugin.

Matapos kong mahele si Baby Nick ay hiniga ko na sya sa kama. Binigyan pansin ko si Janine na naka tingin pala sakin. Nginitian ko sya at nilingon si Baby Nick.
Naka upo sya sa gilid ng kama kaya naman ay tumabi na ako sa kanya.

"Ano nang plano?" Pabulong na tanong ko, baka kasi magising ko si Baby. Mahirap na. "Malamang pakasalan ka." Pabulong na sagot nya.

Binigyan ko sya ng 'seryosong' mukha, dahil hindi naman yun ang inakalang sagot nya sakin. "I mean, paano? Anong uunahin natin gawin?" Tanong ko.

Tinitigan nya ako sandali at nag-kibit balikat, Leche talaga 'tong babaeng 'to. "Tsk, Bahala ka nga." Pag tatampo ko at tumayo saka lumabas ng kwarto.

Naupo muna ako sa salas at binuksan muli ang t.v para manuod. Saktong pag-bukas ng t.v bumungad sakin ang isang seremonya na gusto kong mangyari na sakin. Kasal o wedding.

Nakita kong hinalikan na ng groom ang bride at nag sigawan ang mga dumalo, hanggang sa tumalikod ang bride para ihagis ang bulaklak sa mga babaeng di pa kasal na dumalo rin.

"Seriously Timothy?"

Nilingon ko si Janine na nasa likod ko na pala. Tinitigan ko sya sandali  at umiwas din saka nilipat na ang channel ng t.v. Naramdaman ko ang pag bigat ng upuan sa kanan bahagi ko. Umupo sya, pero di ko pa rin sya nilingon. Tinignan ko lang ang t.v pero di ko talaga alam ang ginagawa ng mga nasa t.v

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon