Chapter 9

27 0 0
                                    


Jan's point of view

"Ano?! Sya yung ex mo?!" Sigaw ko. "Oo, shh. Baka may maka-rinig." Sagot ni Sky at luminga-linga.

Nandito na kami sa rooftop at sinabi nya sakin ang tungkol sa kanila ni Ella. Yung bagong classmate namin na ex pala nya. Bwisit.

30 minutes ago

"Tara Janine sa rooftop." Sabi ni Sky at hinatak ako sa hagdan.

Pag-dating namin sa rooftop ay agad nyang ni-lock ang pinto at humarap sakin saka nag-lakad pabalik balik. "Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko.

Tumigil sya at humarap ulit sakin. Obvious na nag-papanic sya. "About dun sa bagong classmate natin."

"Sino dun?" Tanong ko.

"Si Ella, Hindi ba obvious?" Tanong nya.

Kala ko si Lance, HAHA!

"Di e." Sagot ko at tumawa.

Umiling sya at hinawakan ang balikat ko ng dalawang nyang kamay. Seryoso na sya.

"Ito ang sasabihin ko," Tugon nya at huminga ng malalim. "Ex ko si Ella."

What the fuck?!

***

So yun yung nangyari kanina pag-akyat namin dito. "May tanong ako." Sabi ko.

Naka-upo kami dito sa may harang ng rooftop at naka-sandal ako sa balikat nya. Nasanay na rin naman ako.

"Ano yun?" Tanong nya.

"Mahal mo pa rin ba sya?"

Hindi ko alam bakit ko tinanong yan, Pero may nag-tutulak talaga sakin na itanong yan. "Hindi na, Pero inaamin kong nasasaktan pa rin ako sa ginawa nya dati sakin." Sagot nya.

Lumingon ako sa kanya pero naka-tingin lang sya sa langit. Ala singko na pero nandito pa rin kami sa rooftop kanina pa ang uwian, pero naisipan nga namin munang mag-stay dahil din sa sasabihin nya sakin.

Tumingin sya sakin at ngumisi, anong trip nito? "Bakit mo nga pala na-itanong? inlove ka na ba sakin?" Pang-asar nyang tanong.

Oo

"Eh, Ikaw inlove ka na ba sakin?" Balik tanong ko.

Tinitigan nya ako at ngumiti. Bakit sya ngumiti?! "Sa tingin ko."

What the fuck?! Ay wait! Wag assuming! Mamaya ibalik nya e!

Hinihintay kong ibalik nya yung sinabi nya pero di na sya kumibo, ibig-sabihin, totoo! Yes! Wait bakit ang saya ko?! Tumayo sya at tumalon pababa.

"Halika na, hatid na kita." Saad nya at nilahad sakin ang kamay nya.

Kinuha ko agad yun at tumalon din. Di na nya binitawan ang kamay ko hanggang sa naka-labas na kami sa school. Sumakay kami sa kotse nyang MamAHalIN. Tsk.
Pag-dating namin sa tapat ng bahay ay nauna syang bumaba para pag-buksan ako.

"Bukas sunduin na kita." Sabi nya at tinignan ako. "Okay, ingat pauwi." Tugon ko.

"Okay, pero wait." Sabi nya at ngumiti.

"Bakit?-"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan na naman nya ako sa pisngi! "Payback!" Sigaw nya at saka sumakay sa kotse nya at pina-andar.

Hinawakan ko ang pisngi ko at ngumiti, kahit kelan talaga loko-loko. Pumasok na ako habang na-iling.

"Nice show daughter!"

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon