Chapter 1

84 2 0
                                    


Jan's point of view

"Tabi!" Sigaw ko sa kapwa estudyante ko dahil naka-harang sya sa dinadaanan ko papuntang classroom. Nakaka-inis.

Kaka-pasok ko palang ng school ngayon at siguradong badtrip ako dahil nag-puyat ako kakalaro imbes matulog ng maaga. Pero ang nangyari sa laro ay natalo ako! Bwisit talaga! Nag-sisisi tuloy akong nag-puyat pa ako. Leche.

"Sorry po!" Takot na sigaw nung babaeng pina-alis ko at agad syang tumakbo. Habang nag-lalakad ay natatanaw ko na agad ang bestfriend kong si Wendy inshort Weds.

"Good morning Jan!" Masiglang bati ni Weds. "Walang good sa morning." Pagod kong sabi.

"Anong problema mo? At ang hard mo dun sa babae." Sabi nya at luminga-linga para hanapin siguro yung babae. "Wala akong pake! At pwede ba layuan mo muna ako!" Sigaw ko at sinamaan sya ng tingin.

Napansin kong napa-tingin lahat ng estudyante samin at mukhang takot dahil sakin. Ako daw kasi ang pinaka-siga dito sa school kaya wag mo akong pikunin kung gusto mo pang malipasan ng araw.

"At bakit kita lalayuan?!" Sigaw ni Weds. Kahit kelan talaga sya lang ang hindi takot sakin. Di ko sya pinansin at nag-patuloy sa pag-lalakad.

"Hoy babae! wag kang bastos kinakausap kita!" Sigaw nya muli at ramdam kong sumunod sya sakin. "Bahala ka!" Asik ko at tumakbo para maka-rating agad sa klase.

Kung iisipin ako lang ang kinakatakutan ng lahat, dahil sa pag-uugali kong demonyo. Pero nag-aaral pa rin naman ako ng maigi at isa ako sa officers dito sa campus. Ang posisyon ko ay Vice President samantala yung loka-loka kong kaibigan naman ang president. Lagi nga ako nyan natataasan pero okay lang basta maayos ang grades. Ang bait ko no? Note the sarcasm.

Pag-pasok ko ay tumahimik ang lahat at nasaakin lang ang atensyon nilang lahat. Sanay na ako sa mga titig nila. Araw-araw pa naman na ganyan ang routine ko, sino hindi masasanay diba?

Umupo ako agad sa dulo kung saan katabi ang bintana. Narinig ko na may nag-bagsak ng pinto sa classroom at alam ko na kung sino 'to.

"Sabing sagutin mo ako e!" Singhal nya. Lumingon ako sa kanya, kahit kelan ang kulit talaga. Badtrip. "Oo na! Wag ka lang maingay putek!" Sigaw ko at tinitigan sya ng masama.

Sa mga oras na 'to ramdam kong napaka-tahimik ng classroom at kaming dalawa lang ni Weds ang nag-iingay. Oo nga pala, kasama ko si Weds sa kinakatakutan pero kapag dinedma mo lang sya o sinigawan tulad ng ginawa ko kanina kaya mag-kaaway kami ngayon. Pero sa totoo lang mabait yan at pala-kaibigan. Maalaga din.

Kaya naman hindi masyadong takot sa kanya ang lahat kasi halos lahat ay kaibigan nya. Minsan nga e sa kanya nag-susumbong kapag naaway ko o nasapak, tapos sesermonan nya ako agad. Parang nanay ko na rin yan. O diba, 2 in 1 na. Psh.

Tinapik ko ang katabing upuan na upuan naman nya kasi seatmate kami. Umupo sya agad at hinarap ako. Pero naramdaman nya siguro na nasa amin pa din ang atensyon ng lahat kaya humarap sya patalikod sakin.

"O ano?! makikinig din kayo?!"
sigaw nya kaya naman lahat ay nag-simula nang mag-usap-usap ulit. Tinignan nya ako ulit at para bang sinasabi na 'ano na? sabihin mo na'. Huminga ako ng malalim. Kaya tinapik nya ang likod ko.

"Sabi ko sayo kapag may problema ka sabihin mo lang saakin agad diba?" Sabi nya.

"Wedsnag-laroakotaposnataloe
napuyatpanamanakodahildunkayabadtripakokanina!" Paliwanag ko. "Huh? hinay-hinay lang."
Tugon nya at hinimas ang likod ko

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon