Chapter 2

61 1 0
                                    


Sky's point of view

Sya. Sya ang gusto ko, na maka-trabaho sa isang kontrata. Sya lang naman yung walang arte na babae e. Di tulad ng iba na mukhang tanga kaka-lagay ng ano ba yun? Colors? Sa mukha? Ay ewan! Basta ngayon kailangan ko lang sya maka-usap at mapilit na makipag-trabaho sakin. Para sakin na rin 'to no.

Ayoko pang makasal sa edad na 'to no, 19 lang ako tapos papakasal na agad ako sa babaeng di ko naman kilala at mas matanda pa sakin! Kadiri!

Ang kailangan ko lang ngayon ay mag-karoon ng girlfriend I mean pretend girlfriend para tantanan na ako ni lolo! Narinig ko kasi ang pakikipag-usap nya sa parents ko at mukhang pumayag ang mga 'to.

Kaya bago nila i-announce sakin yun ay ipapakilala ko sa kanila ang 'pretend' girlfriend ko na si Janine nga. Pero paano ko sya mapipilit?

Mukhang may girlfriend nga yun e, yung babaeng seatmate nya kasi mukha naman syang tomboy pero syempre try ko pa rin ang charms ko sa kanya. Sana matablan sya.

Pag-labas nya kanina ay tinitigan lang ako ng classmate namin at sinabi na; "Hoy, siraulo ka talaga no? gusto mo ba mamatay ng maaga? Pasalamat ka nandon kanina si Wendy kundi maya-maya lang burol mo na." Mukhang mayabang ang puta.

Tumayo ako at pinag-pagan ang pants ko at hinarap sila.

"Wag kayo mag-alala, di ako kaya nun tuluyan. Alam nyo kung bakit?" Bigkas ko habang naka-tingin sa kanila lalo na dun sa mayabang.

"Na ano? kasi hihingi ka ng tawad para di ka tuluyan? Aba matindi ka rin no?"sabi naman ng isa at nagsi-tawanan silang lahat. Umiling ako signal na hindi yun ang dahilan.

"Kasi mahal ko yun at alam kong mahal ako nun, wait nyo lang kami at sa future ay sabay na kaming mag-lalakad dito at mag-kahawak pa ng kamay-"

"In your dreams boy!" Sigaw nila at nag-tawanan ulit.

"Sa tingin mo papatol sayo yun? Sabog ka yata pre? Kita mo kung gaano kabagsik yung babaeng yun." Sabi ng lalaking mayabang ulit.

"Hintayin nyo lang!" Sigaw ko at dinuro sila. "Anong nangyayari dito mga leche?!" Sigaw ng gusto kong maka-usap.

Nakita kong natikom bigla lahat ng bibig nila. HAHA. Mga duwag. Well, ako di ako duwag lalo ng kailangan ko 'tong babaeng 'to.

"Hi Janine!" Masayang bati ko. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Anong nasinghot mo at kanina ka pa ngiti ng ngiti baklita ka!" Sigaw nya at dinuro ako at lumapit sakin.

Napansin ko yung Wendy na kasama nya ay naka-tingin samin ng seryoso. Now this is my chance.

"Ang sama mo sakin no? bakit ganyan ka umarte na para bang wala tayong nakaraan?" Arte ko.

To the max acting na 'to mga prends. "Anong pinag-sasabi mong baklita ka?! sabihin mo nga naka-drugs ka no?" Tanong nya.

Huminga nalang ako ng malalim dahil sa ka-bobohan nya. Di man nya ako sakyan para mag-mukha kaming may gusto sa isa't isa at para may ibuga ako sa mga classmate namin mayayabang.

"Talagang kinalimutan mo na ako? ang sama mo talaga." Sabi ko at ngumuso. "Kadiri ka! tigil-tigilan mo ko a." Saad nya at hinila yung Wendy paupo.

Tsk.

"Ano ka ngayon? kala mo a." Bulong ng mayabang at tumawa ng mahina kasabay ng iba. Puta. Ano na ngayon?

Ang alam ko next week na nila sakin sasabihin yung tungkol sa kasal. Kailangan kong maging close kay Janine para mapa-payag ko sya.

Umupo nalang ako ulit sa likod nya. Wala pa ang teacher namin kaya naman ay kung ano-ano lang ang ginagawa namin. Tinignan ko nalang si Janine sa harapan ko. Kasalukuyan syang naka-silip sa may bintana habang naka-sandal sa kanya yung Wendy.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon