Chapter 3

61 0 0
                                    


Sky's point of view

Nag-lalakad na ako papuntang classroom ng matanaw ko si Janine napalapit sakin at naka-ngiti. "Hi!" Bati nya.

Ang galing nyang mag-panggap. Tsk. "Hi." Balik bati ko at hinawakan ang kamay nya. Sabay kaming nag-lakad.

Napapa-ngisi nalang ako kapag nakikita ko ang mga kapwa estudyante ko na para bang nagulat, hindi maka-paniwala sa nakita. Lalo na kay yabang. Di ko mai-paliwanag yung itsura nya.

Ano ka ngayon?

"Timothy, saan ka after class?" Tanong nya ng marating na namin ang classroom.

Lahat sila samin naka-tingin.

At AnONg tRip nYa pAra tAwAGIn AkONg TiMOthY?

Payback time.

"Ah, wala naman princess. Bakit mo naman na tanong?" Sabi ko at nginitian sya. Nakita kong umirap sya. HAHA. At ang galing namin umarte. Punyemas. Feeling ko masusuka na ako.

"Gusto mo date tayo mamaya Timothy ko?"

What the fuck? TiMOthY kO?

"Syempre gusto ko yan, sabay na tayong kumain mamaya a?" Sagot ko na tinanguan lang nya. Tahimik sa classroom. Tinignan namin sila hanggang sa nag-salita si Janine.

"Anong tini-tingin nyo?" Tanong nya habang naka-taas ang kilay.

Umiwas ng tingin ang lahat. Parang mga tanga. Naramdaman kong bumitaw na sakin si Janine at naupo. Kaya naman ay na-upo na rin ako sa likod nya. Nakita ko yung Wendy naka-ngiti siguro alam na nya.

Biglang tumayo yung Wendy. Teka. Ano gagawin nya?

"Mr. Herez palit tayo upuan." Sabi nya.

Huh?

"Ano? ayaw mo? Di wag-"

Pinutol ko sya sa pamamagitan ng pag-tayo at lumapit sa kanya.

"Sabi ko nga gusto ko tumabi kay princess." Sabi ko at nilingon si Janine na kasalukuyan naka-tingin din samin.

Umupo na si Wendy sa dati kong upuan at naupo ako sa upuan nya na katabi nga si Janine. Tinignan ko si Janine na naka-tingin lang sa labas ng bintana.

Side viewing kumbaga. Sabi ko na nga ba e, na hindi sya tomboy at kunting ayos lang magmu-mukhang babae 'to at lalong gaganda.

Lumingon sya sakin saka ngumisi kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi na naman sya! Anong balak na naman nito?!

Kala ko kung ano gagawin nya yung pala ay sumandal lang sya sa balikat ko. Naka-hinga ako ng maluwag. Bwisit, nakaka takot talaga sya kapag naka-ngisi e.

"Pwede po bang mag-tanong?"
lumingon ako ng mag-salita si yabang.

"Ano yun?" Tanong ni Janine habang naka-sandal pa rin sa balikat ko. "Hindi naman po sa tsismoso ako, pero in relationship po ba kayo?" Tanong nya kaya inalis ni Janine sa balikat ko ang ulo nya.

Tinitigan nya si yabang. Malamig na titig. Lagot ka! pakilamero ang loko!

"Kung ayaw mo sagutin okay lang po-"

"Oo, in relationship kami. Kaya kung may problema kayo sabihin nyo lang samin." Sagot nya at sumandal ulit sakin.

Lumingon ako kay yabang na naka-nganga dahil sa sinabi ni Janine. Tinignan nya ako ng masama. Binigyan ko lang sya ng belat. HAHA.

Wala naman sigurong prof kaya sumandal din ako sa ulo ni Janine at pumikit.

***

"Gisingin pa ba natin?"

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon