Chapter 11

26 0 0
                                    


Jan's point of view

"Daughter come out please! I'm begging you!" Pag-katok ulit ni mom.

Ilan araw na akong nagkukulong at hindi napasok kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang Sky. Matapos ang pagkikita namin nung gabi ay di ko na sya ulit nakita pa.

2 months na ang nakakalipas at hanggang ngayon din ay wala kaming balita sa kanya pati na rin ang mga magulang nya.

"Ayoko nga po!" Sigaw ko at pinipigilan umiyak.

Kung iniisip nyo kung na iyak ako? dyan kayo, tama. Ang lakas ng tama nya sakin no? Aaminin ko na namimiss ko na sya sobra na gusto ko nang ma hawakan yung kamay nya, mayakap at yung mga pag halik nya sakin. Leche ka Sky.

Narinig kong may kumatok na naman. "Ayoko nga sabi e."

"Cut the drama at lumabas ka na dyan!" Narinig kong sigaw ni Weds. Lagot. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Kala ko babatukan nya ako pero di pala sa halip ay niyakap nya pa ako.

"Wag kang mag alala, makikita rin natin sya." Bulong nya at dinala na ako sa baba para kumain.

Nag papasalamat ako kasi kahit papano may isa pang nag papagaan ng pakiramdam ko maliban sa mga magulang ko.

"At last you came down my daughter!" Bungad ni dad na mukhang iiyak na tulad ni mom.

Niyakap nila agad ako pero hindi ako kumibo, mukhang pinag-alala ko talaga sila.

"Sorry,"Sabi ko at niyakap ko sila.
"Nami-miss ko lang sya."

"It's okay, we understand you. Back then me and your mom had a problem to. But we find a way to solved it. So don't worry, we're going to help you find Sky."
Tugon ni dad.

Paulit ulit akong tumango saka tumungo sa table at kumain.

Nasaan ka na ba Sky?

***

Sky's point of view

Kung iniisip nyo kung nasaan ako, well nasa bahay na ako ng tatlo babae na tumulong sakin. Sabi ni Glaze ay mag hintay daw muna ako dito sa sala nila dahil may pasok pa sila kaya naman ay ginawa ko.

Pero na boring ako kaya naman ay umikot ikot muna ako sa bahay nila. May pagkalaki Ito dahil may second floor kung nasaan ang kwarto nila yata kasi di ko makita at nandito lang ako sa baba kasi nandito rin ang guest room nila. Naisipan ko ngang umakyat at dahil sa boring at sa pagiging curious ko din.

Pag dating ko hindi na akong nag dalawang isip na buksan ang iisang pinto dito sa taas na may naka pang 'Glallowly' sa tingin ko pinag halo ang mga pangalan nila. Obviois naman, psh.

Binuksan ko Ito at pumasok na. Mapapansin agad ang kulay puting pader ng kwarto at ang tatlong kama na may kulay, violet, yellow at pink. Kung huhulaan ko ang kay Yellow ang yellow bed. HAHA!

Leche natawa ako dun a. Obvious naman e. Yung pink ay kay Glaze kasi masiyahin sya at dun sa maldita na Lovely ay yung violet kasi ang dark nyang tignan;

Ang badoy ko! Joke kasi ang init ng ulo sakin nun e. Nag patuloy ako sa pag tingin pa ng ibang gamit nila hanggang sa may nakita akong picture sa isang small table malapit sa pink bed. Kinuha ko ito at tinitigan.

May lalaking naka akbay kay Glaze? Boyfriend nya yata. Napa isip tuloy ako, meron ba akong Girlfriend? Sana wala, para hindi sya nasasaktan kasi wala ako at halos 2 months na. Punyeta! Pero paano kung meron nga anong gagawin ko?

Hindi ko nga maalala ang mga relatives ko, Girlfriend ko pa kaya? Pero hindi ko nga sure kung meron.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tugon ng kakapasok lang sa kwarto na Ito.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon