Chapter 18

28 0 0
                                    


Sky's point of view

"Sino yan?"

Nagka tinginan kami nitong babae na kasama ko ng may mag salita. Napaka pamilyar ng boses, Si Janine. "Ako 'to." Sagot nya at umirap na naman sakin.

Binuksan ni Janine ang pinto at nagulat ng makita kami ng babaeng galit sakin. Palipat lipat ang tingin nya samin.

"A-Anong..." Utal na sabi nya at dinuro ako. "Let's talk." Sabi ko at hahawakan na sya dapat pero bigla humarang 'tong babae.

"Hoy anong gagawin mo? At teka, magka-kilala kayo?" Tanong nya.
Sinamaan ko sya ng tingin.

"Oo, magka kilala kami at girlfriend ko sya. Kaya pwede ba umalis ka muna at mag uusap kami." Sagot ko at hinatak si Janine.

Pero may pumigil, tinignan ko ang kamay nyang hawak ng babae.
"Ano na naman?" Tanong ko kay malditang babae. "Hindi mo sya kukunin, di nga sya pumayag e." Sabi nya at tinignan ako ng matalim.

Hinila ko si Janine ngunit hinila nya ulit. Mukha na kaming tanga dito na nag aagawan kay Janine.

"Alam mo ba kung bakit sya nandito?" Tanong nya. Hindi ako umimik.

"Kasi nasaktan sya, sakin lang ang takbo nya pag may problema sya at mukhang Ikaw ang problema nya. Kaya please bitawan mo muna sya at saka na kayo mag-usap. Pag okay na sya." Kalmadong tugon nya.

Tinignan ko ang kamay kong hawak ang kamay ni Janine sabay tingin sa kanya. Hindi man nya ako matignan. Bumitaw na ako at humarap dun sa babae.

"Okay, Sky nga pala." Pagpapa-kilala ko at nilahad ulit ang kamay ko sa pangalawang pagkakataon.
Tinanggap nya Ito at ngumiti.

"Rielle."

Tumango ako.

"Sige alis na ako, bye Princess." Paalam ko at tumungo na sa elevator.

Jan's point of view

"Sige alis na ako, bye Princess."

Pag pasok nya sa elevator ay hinila na ako papasok ni ate Rielle sa loob ng room nya. Pina upo nya ako sa sofa at tumungo sya sa kusina. Pag balik ay may dalang dalawang baso na may juice. Nilapag nya sa glass table ang juice at humarap sakin.

"Spill." Utos nya at dume-kwatro sa harap ko. Bumungtong hininga muna ako at nag salita na.

"Si Sky ay-"

"Boyfriend mo." Tuloy nya.

Tumango ako.

"Nagkaroon kami ng-"

"Misunderstanding." Tuloy nya na naman habang naka pikit at patango tango pa.

"Ate naman patapusin mo naman ako!" Inis na sambit ko. "Oo na, Sorry. Continue." Sagot nya at nag-peace sign.

Tumango ako.

"Kanina kaya ako sumugod dito kasi may pinakita sakin yung mga kapwa estudyante ko na litrato ni Sky at Ella na magka sama sa isang store. Naka tingin sa isa't isa at ang laki ng ngiti ni Ella." Sabi ko.

"Di ko gets, sino ba yun Ella?" Tanong nya. "Ex nya." Sagot ko at napa-iling.

"Anong meron dun? Maymalisya ba sayo?" Tanong nya muli. "Meron. Mag-ex pa rin sila ate, may chance." Sagot ko pa.

"Mahal mo ba?" Tanong nya.

"Oo, malamang." Sagot ko.

"Mahal ka ba?"

Para akong nanigas sa tanong nya. Mahal nga ba ako? Tumingin ako sa kanya, nginitian lang nya ako.

"Bakit di mo masagot? Hindi nya sinasabi no?" Sambit nya.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon