Chapter 12

33 0 0
                                    


Jan's point of view

"Tara na?" Tanong ni Weds.

Nandito sya sa bahay, dito na rin sya natulog kagabi dahil gusto nyang pumasok na ako at sumabay sa kanya. Tumango lang ako at tumungo na palabas.

Habang nag lalakad.

"Alam mo halos dalawang linggo ka nang absent. Kaya halos ako lang din ang nag asikaso sa office ng school dahil walang VICE PRESIDENT." Sabi nya na may halong  pag-diin.

"Sorry na." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Bwisit naalala ko na naman si Sky. "May LOVEnat ka kasi e." Asar nya. Sinamaan ko lang sya tingin at tinawanan lang ako.

"Oo nga pala, kumakalat sa school na break na daw kayo ni Sky at lumipat na daw ng school si Sky. Mga issue talaga nila. Tsk." Open topic nya.

"Ikaw nalang ang mag sabi na hindi yun ang dahilan." Saad nya.
"Ayoko, hayaan mo sila. Mga imbento." Malamig kong tugon.

Pag dating sa school mapapansin agad na tumahimik ang mga kapwa estudyante at samin tinuon ang mga atensyon. Kada lakad ko ramdam kong naka tingin sila sakin.

Seryoso ang mukha ko katulad dati. Ako pa rin 'to. Ang pinaka siga dito. Wag na wag nyo akong pipikunin kung gusto nyo pang malipasan ng araw.

Nang marating na namin ni Weds ang classroom ay napa tingin ako sa upuan nya na katabi ko lang. bwisit, ang damdamin ko. Totoo nga. Totoo na ang nararamdaman ko na may gusto ako sa kanya di pala, mahal ko na sya. Punyeta.

Naupo na ako at agad na lumipat muna si Weds sa tabi ko. Lumingon ako sa likod at nakita si Lance na naka tungo sa table nya. Nag aalala rin sya siguro kay Sky.

Bigla syang bumangon at nahuling naka tingin ako sa kanya. "Mabuti nandito ka na Janine, kamusta ka?" Tanong nya, naka-ngiti man, alam kong pilit lang iyon.

Mahahalata ang namamagang mata nya, namamaga din yung akin pero may nilagay na make up si Weds sakin para matakpan.

"Medyo okay na, ikaw kamusta ka?" Tanong ko naman at nagulat ako ng bigla syang umiyak.

Shit. Mas madamdamin pala sakin 'to. Ka-lalaking tao e. Tumayo ako at tumabi muna sa kanya. Tinapik tapik ko ang likod nya.

"Alam kong lahat tayo ay nag tataka kung bakit hindi natin sya nakikita, pero wag kang mag alala mahahanap din natin sya." Bulong ko sa kanya.

Nagulat ako ng yakapin nya ako at nag simulang bumulong.

"Hindi mo alam Janine, may nakita ako sa Facebook na may nagka-banggaan daw na truck at kotse. Nung una di ko na papansinin pero nakita ko yung kotse. Kamukha ng kotse ni Sky at Ito pa ni zoom ko yung plate number at dun ko nga na confirm na kotse nya. Kabisado ko plate number nya e."

Para akong naistatwa dito. Hindi ko alam ang gagawin ko parang gusto kong makita yun at simulan alamin kung nasaan si Sky. Gusto ko na syang makita. Sobra.

"Mag imbestiga tayo Janine, para kay Sky 'to. Let's skip class." Sabi pa nya at kumalas na. Nakita kong samin nakatingin ang lahat.

"Jan, Ano yun? Alam mo naman issue nila dito diba?" Bulong ni Weds. "Wala akong pake."

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko saka hinila si Lance para lumabas pero tumigil ako at nilingon si Weds na nagulat sa aksyon ko. "Sasama ka o sasama ka?" Seryosong tanong ko kay Weds.

Tumango lang sya at kinuha yung bag nya para sumunod samin. Nang medyo naka layo na kami ay bigla kong narinig ang ingay ng mga kaklase namin, na puro issue ang daldal. Katulad ng mga ganito.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon