Chapter 8

33 0 0
                                    


Sky's point of view

"Class you have a new classmate." Bungad ni prof pag-pasok. Syempre kasama nya si Lance.

"Introduce yourself."

"Hi my name is Lance Nick Sivel, it's nice to see you all!" Narinig ko ang mga mahihinang tili ng mga classmate kong babae sa kaliwa ko banda, kinilig kay buddy. Psh.

"Okay, you may take your seat beside Ms. Wendy." Sabi ni prof na agad nyang sinunod. Nasa likod ko sya ngayon, napansin kong panay ang ngiti nya. Kahit kelan parang bata talaga.

"So today class, were going to have a debate between girls and boys." Simula ng prof namin.

Ang boring nyan for sure. Tsk.

"Tungkol po saan ang debate?" Tanong ng isa kong classmate kaya naman kami ay napa-tingin sa kanya.

"Tungkol sa hindi pagkaka-roon ng relationship." Sagot ni prof.

Langya! anong klaseng topic yan?!
Napansin kong tumingin samin ni Janine ang mga classmate namin.

Problema nila?

Tinignan ko si Janine na parang wala lang sa kanya. "Ngayon po ba mag-sisimula?" Tanong ulit nila.

"Yes, so please. Girls go to the left side and Boys to the right side now."  Agad naman namin ginagawa ang sinabi ni prof, bali nasa kanan kaming mga lalaki at ang mga babae naman ay nasa kaliwa.

"Bakit parang na-e-excite ako pre." Bulong ni Lance. "Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala lang."

"Ang gagawin nyo ngayon ay ipag laban ang hindi in relationship. Pagalingan 'to. Start now!"

"O diba maganda'to, huhugot na ako." Bulong muli ni Lance at nag-taas ng kamay. "Yes, Lance?" Tanong ni prof.

"Bakit nga ba mas maganda ang hindi in relationship?" Tanong nya. "Bakit?" Tanong ng mga fan nyang girls.

"Kasi, masasaktan lang kami at alam namin. Kaming mga lalaki ang laging pinapaasa. Nyo!" Sigaw nya at dinuro ang mga babae.

Napa-wooo! Ang kapwa lalaki namin. Balibhasa walang girlfriend 'to kaya ang lalim ng nakukuha nyang hugot e.

"Sa girls?"

Nag-taas si Wendy, oh mukhang papatol. "Sino kaya satin ang two timer? I mean three timer! Mga lalaking babaero!" Sigaw nya at ngumisi saka naupo ulit.

Tumingin ako kay Lance na parang nagulat kasi nakaka-nga nga. "Pre, sino yun?" Bulong nya. "Si Wendy, kaibigan ni Janine." Sagot ko.

Tumango sya at ngumisi. Hmm, I see something fishy. Nag-taas ulit sya ng kamay. Kilala ko 'tong si Lance, di nag-papatalo.

"Ehem, sino kaya ang mas nag-loloko sa isang relationship? guys sino?" Sabay harap nya samin.

"Ang mga babae!" Sabay-sabay nilang sigaw. Tsk, parang mga ewan. Hindi na ko sumasali sa kanila e. Ang badoy Leche.

"Excuse me? sino kaya dito ang nag-sasabi ng 'I love you so much' kahit na niloloko lang pala kasi iba talaga ang 'love nya' sino?" Sabay harap naman ni Wendy sa mga babae.

"Mga lalaki!" Sagot nila at pa-ulit-ulit na tumango si Wendy. "Ano?!-" Sigaw ni Lance Pero naputol ng tumayo si Janine.

Anong gagawin nya?

Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko saka sumandal sa balikat ko.

"Sige, tuloy nyo na." Sabi nya at pumikit. Tsk, kala ko kung ano gagawin nya. "Saan na ulit tayo?" Tanong ni Lance.

My Boyish Pretend? Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon