SPECIALS PART 2

32.9K 860 144
                                        

Thou who is unfaithful

"MISS Lyan" Napatingin naman si Lyan sa kanyang assistant na si Aldina nang pumasok siya sa kanyang office. Dahil nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap sa telepono ay mabilis siyang nagpaalam sa kausap.

"Nandiyan po sa baba sina Sir Chase, pero may kasama po siyang ilang foreigners."

"May mga babae ba?" Napatingala naman si Lyan sa kanya.

"Meron pong isa. " sagot naman ni Aldina. Napatayo kaagad si Lyan at kinuha ang coat na nakasabit sa kanyang swivel chair.

There is no way that Lyan would just sit there doing her job after hearing what Aldina said. Mayroon ng kutob si Lyan kung sino ang babaeng tinutukoy ng kanyang assistant kanina.

Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Tanya. Nitong nakaraang araw ay kinausap siya ng mabuti ni Chase dahil kasali pala si Tanya sa kanilang bagong project.

Binabalak nina Chase ang pagpapatayo ng Building na ipapangalan sa RosaKing. This building will be for office spaces and for residential units. Noong isang taon pa itong pinagplaplanuhan at ngayon lamang nila unti-unting ine-execute ang nasa plano.

Hindi sang-ayon si Lyan na kabilang si Tanya doon. Who would have thought that she was the grand daughter of a rich family, maski si Chase ay hindi niya alam ito noon.

It's not that her trust is slowly fading to Chase, ngunit mahirap maging kampante lalo na kung kaagaw-agaw ang mga bagay na nasa iyo.

Nadatnan ni Lyan na kasalukuyang inililibot ni Chase ang mga kasamahan niya sa buong Mall. From where she is standing she could see Tanya just beside Chase. Kung sa unang sulyap ay maiisip mong si Erika nga ito. But if you see her closer mayroon pa rin silang pagkakaiba ni Erika.

Tanya is just like the It girl version of Erika.

Nakaramdam si Lyan ng lungkot nang makita niyang tumatawa si Chase kasama ng iba at si Tanya.

"Ma'am?" Napapitlag naman ito nang bigla siyang tinawag ng guard.

"Don't mind me. May tinitignan lang ako" ang sabi naman ni Lyan sa guard.

***

SINUNDAN ni Chase si Tanya nang mag-tungo ito sa isang Boutique. Nadatnan niyang nakatingin si Tanya sa mga green dresses. This is her favorite color.

"Hindi ka pa rin nagsasawa sa kulay na green" Napahalakhak si Chase ng mahina nang makalapit siya dito.

"Hindi ka pa rin nagsasawang titigan ako" Tanya turned to him while holding a green long sleeve dress. "You still stare at me just like how you did before" mistulang natahimik naman si Chase sa sinabi ni Tanya. Mukhang hindi na niya napapansin ang kanyang mga inaakto mula kanina.

Isang malaking milagro na nakita niya si Tanya. It's been a long time since they promised not to see each other.

Siguro nga isang hangal ang gagamit ng isang tao upang takpan ang sakit ng nakaraan. But some of us stll resort to this method—especially if one is too weak to handle such pain.

But it wasn't moving on or healing your wounds. It was just an easy method to run away.

Nakilala ni Chase si Tanya sa isang bar noon habang siya ay naglalasing. Nang gabing iyon ay may nangyari rin sa kanila. Chase was too wasted. Akala niya kinaumagahan ay nagiilusyon lamang siya na si Erika ang kasama niya ng gabing iyon.

Hindi naman inaasahan ni Chase na nandoon pa rin ang babaeng kalaguyo niya nang gabing iyon ay sa bahay pa niya mismo nila ginawa iyon.

She looked like her ex-girlfriend. Magkaiba nga lang sila ng pananamit at mas magaling mag-ayos si Tanya. Erika was just a simple girl.

The Boss and his TwinsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon