The loneliness that haunts us
NALIBOT yata ni Chase ang buong first floor ng Rosa King ngayong umaga. Wala naman sana dapat siyang pasok pero naisipan niyang lumabas since mag-isa lang naman siya sa bahay nila dahil pumasok si Lyan at ang mga bata. Ilanga raw ang tinatagal ng hindi nila pagpapansinan ni Lyan. Hindi naman niya akalahin na aabot pa ito sa ilang araw.
Paggising niya ng umaga ay handa na ang kanilang baon ng mga anak nila. Nagmamadali si Lyan laging umalis bago pa man siya makababa. Hindi na rin natutulog si Lyan sa kanilang kuwarto.
Ang away ni Chase at Lyan ay hindi umaabot ng isang araw. One of them will come around.
Napatigil si Chase sa malawak na puwesto ng Meredith. Dinadagsa ito ngayon dahil sa 70% Sale nila sa lahat ng items.
Nakita naman ni Chase ang isang pamilyar na lalake na nakatayo sa harapan niya at pinagmamasdan ang lahat ng mga taong bumibuli.
"What a great view" Nakapamulsang saad naman ni Chase nang makalapit ito sa kanya.
"Nakita mo ba lahat ng 'yan? Puro pera 'yan" Napahalakhak ng mahina si Tyron. Na-eganyo si Chase na lapitan ito dahil kakaiba ang ngiti niya. Nararamdaman naman niya ang tuwa nito dahil ganyan din siya kapag dumadami ang tao sa RosaKing.
"Hindi lang ngayon na nakikita ko na maraming tao sa Meredith. Isa ang boutique mo sa mga dinadayo rito. I never commended you for that"
"Masyado kang busy para gawin iyon. I understand" Napatango-tango lang naman si Tyron.
"May problema ka ba?" untag naman ni Tyron nang biglang matahimik si Chase. "Panay buntong-hinga ka kasi" dagdag pa nito.
Napangiti na lang si Chase dahil tama ang hula ni Tyron.
"Babae no?" Napalawak lalo ang tingin ni Chase na napatingin kay Tyron. "I feel you." Napatawa naman silang dalawa.
"Ang mga babae talaga, mula sa panliligaw hanggang sa kasal na kayo magiging sakit sa ulo pa rin sila. Trust me, marriage won't change everything" Pabirong saad pa nito.
"Magseselos pa rin sila kahit binigyan mo sila ng sing-sing. Magseselos pa rin sila kahit binigyan mo ng anak." It was strange to agree with Tyron's words. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Chase na isang babaero ito.
"But that's also a good thing. Kahit minsan nakaka-frustrate." Napansin ni Chase na nakatuon ngayon ang atensyon ni Tyron sa isang babaeng mestisang may mahabang kulot na buhok. She is currently wearing corporate black skirt nakaputing long-sleeve na polo shirt. She looks formal and elegant. Napakaayos ng tindig at parang model.
"Dahil kapag hindi na sila nag-seselos ibig sabihin pagod na sila." Dugtong pa ni Tyron.
"How did you know that It's about jealousy?" Napakunot-noo naman si Chase.
"Nakita mo na ba sa salamin ang hitsura mo? And have you started realizing all of the possesions you have?" Medyo nagulohan naman si Chase kaya napatingin ulit siya kay Tyron.
"Wala man siyang pakialam sa lahat ng kayamanan mo o sa hitsura mo pero takot pa rin siyang mawala ka. Trust me, she is doing her best to keep you and that is also frustrating on her part."
"It's about my Ex-girlfriend" maagap na saad ni Chase.
Napatigil naman si Tyron at napatingin sa kanya. "GGWP" Napailing-iling naman siya.
"What!?" Medyo nalito na naman si Chase.
"Good Game Well Played" Napangisi si Tyron.
"Kausapin mo pre. Mag-explain ka kahit ayaw niya. Pilitin mong isaksak ang explanation mo." He tapped Chase's shoulders.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romansa"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...
