DISCLAIMER: The next Specials are may not make you happy. READ AT YOUR OWN RISK.
Ako po ay nagbigay na ng babala. Huwag niyo ko awayin, o magkalat sa comment section.
***
Britanya
NANG makita ni Chase ang kotse ni Lyan na pumarada sa harapan ay napatayo ito. Nandito kasi siya ngayon sa veranda at hinihintay niya ang pagdating ni Lyan.
Napatingin siya sa kanyang relo. It's already 11pm. Laging ganito ang pag-uwi ni Lyan nang dahil sa trabaho.
"Sorry, I'm late. May dinner kasi kami kanina. Bukas papasok ako." Bungad naman ni Lyan sa kanya at hinalikan niya si Chase sa kanyang pisngi. Pansin naman ni Chase ang pagod sa mukha ni Lyan. Medyo pumayat na rin ito.
"It's Saturday. Walang office work sa RosaKing ng Saturday" tila nag-taka naman si Chase.
"May kailangan lang ayusin. Ayaw ko nang hintayin ang Monday para ituloy iyon"
"Nangako pa naman ako sa mga bata aalis tayo bukas" dismayadong saad naman ni Chase.
"Sunday na lang. Lalabas na lang tayo okay?" Nang yumakap si Lyan kay Chase ay parang natunaw kaagad ang puso nito.
Chase knows Lyan wants to prove something. Kaya naman sinuportahan niya ang kagustohan nitong magtrabaho para sa RosaKing.
He also offered that Lyan can be a board member para hindi na gaano mabigat ang trabaho niya ngunit nagpumilit si Lyan na magsisimula muna siya sa baba. Chase knows this is Lyan's pride so he respected her decision.
Nang kumalas si Lyan sa yakap nilang dalawa ay pinagmasdan lang niya itong maglakad papaosk ng bahay. Bagsak ang balikat ni Lyan habang naglalakad at pansin ang pagod na nararamdaman nito.
She was always stressed and she often gets sick. Ito na rin siguro ang rason kung bakit hindi pa ito nabubuntis.
It's been 3 years ever since they got married. Noon pa man, hangad na nilang dalawa na magkaroon ng pangatlong anak. Ilang beses na rin silang sumubok ngunit hindi pa rin sila pinalad.
***
ALAS-kuwatro na ng hapon ng makalabas sa opisina si Lyan. Nang makalabas siya ng mismong building ng RosaKing ay laking gulat niya nang makita niya si Chase sa harapan na nakaupo at may iniinom na kape.
"Shems!" napasapo si Lyan sa kanyang noo nang bigla niyang maalala na mayroon pala sana silang lakad ng mga bata ngayong linggo.
Samantala ay napatayo naman si Chase at itinapon niya ang cup ng kanyang kape bago ito lumapit sa kanya.
"Nasaan ang mga bata?" Lyan worriedly asked.
"Kinuha sila pansamantala ni Nay Estella. Nakaalis na siguro sila" napatingin naman si Chase sa kanyang relo.
"Doon muna sila ng ilang araw since magsisimula na bukas ang break nila. "
"It's already their break? Nawala rin sa isipan ko" dismayadong saad pa ni Lyan.
"Kaya gusto ng mga bata na mamasyal kahapon bago sila pumunta sa Lola nila. But we scheduled it today pero, mukhang kahit linggo ay nagtratrabaho ka pa rin" Napabuntong-hininga naman si Chase at tinignan ang kanyang asawa mula ulo hanggan paa.
"Hindi kasi ako makapakali na hindi tapusin iyong trabaho ko. Hindi ko rin namalayan ang oras akala ko mag-hahalfday lang ako" Napayuko naman si Lyan.
"It's okay. Let's just go home together." Chase reached out for her hand and he held it tightly. Nang magsimula si Chase na maglakad ay napasunod na lamang si Lyan.
BINABASA MO ANG
The Boss and his Twins
Romance"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his career as businessman. He couldn't handle both parenting and work so his resolve is to find a nanny. B...
