SPECIALS PART 3

31.7K 882 388
                                        

Guilty Pleasure

NANG matapos ang meeting ay inayos kaagad ni Chase ang kanyang mga gamit. Medyo natagalan ang kanilang meeting ngayon dahil inabot na sila ng gabi.

"Mauuna na ako. Hinihintay ako ng asawa ko." Tinapik naman ni Kim ang balikat ni Chase. Soon to be Daddy na kasi ito kaya medyo hindi mahagilap ni Chase ito tuwing free day niya.

Napatingin naman si Chase kay Tanya na kaparehas niyang nag-aayos pa rin ng gamit.

"Gabi na pala. Gusto mo mag-dinner?" Napaiwas ng tingin si Chase nang biglang magsalita si Tanya.

"Nagugutom ako eh" Napahawak naman ito sa kanyang tiyan.

"Wala pa akong kain mula kaninang umaga. Hindi ako marunong magluto." Napatawa naman ito. Bitbit niya ang bag ng kanyang laptop at humakbang ito palapit kay Chase.

"Mag-ayos ka na ng gamit. Hintayin kita sa labas" Sinundan ng tingin ni Chase si Tanya habang palabas ito ng silid.

Wala namang nagbago masyado sa kanya. Tanya is stunning and very attractive. But whenever he sees her, it reminded him of what he did before.

Hindi naman dahil matagal na ang nakaraan ay basta na lang ibinaon din ni Chase ang lahat. Those nights that he had sex with her were still fresh in his memory upon meeting her again...

***

HINDI naman nakatanggi si Chase kay Tanya. Nagpunta sila sa isang Noodle House dahil mahilig talaga si Tanya sa noodles. Napansin ni Chase na mukhang gutom na gutom nga ito. Napatitig lang siya sa dalaga habang ineenjoy ang kanyang noodles.

Napansin niya ring sagabal ang mahabang buhok nito sa pag-kain niya kaya ilang beses na niyang tinangkang hawiin ito ngunit lagi siyang nagdadalawang isip.

"Help me. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hahawakan mo ang buhok ko" Nagulat naman si Chase nang bigla siyang inabutan ni Tanya ng ponytail na kinuha niya mula sa kanyang bag.

Inabot naman ni Chase ang ponytail. Napatayo ito at hinawi ang buhok ni Tanya. Hindi niay alam kung bakit bigla siyang natense habang hawak hawak niya ang buhok ni Tanya.

"What's wrong? You used to hold it before. Nakaluhod pa nga ako sa harapan mo" Napalunok naman si Chase sa sinabi ni Tanya kaya binilisan niya ang pag-tali sa buhok ni Tanya.

"Lumuhod na ba si Lyan sa harapan mo?" Natahimik si Chase sa tanong ni Tanya.

"We're eating." He simply said.

"Why? Hindi ba dapat pag-usapan 'yon ng magkaibigan?" Kumindat naman si Tanya.

"I respect my wife. If she doesn't want to do it, that's fine with me. I still enjoy her" sagot naman ni Chase upang masarado ang tanong ni Tanya.

"You enjoyed it with me. That was your favorite part." Napahigpit naman ng hawak si Chase sa kanyang chopstick.

"How do you enjoy sex without your favorite part?" Mistulang napatitig si Chase kay Tanya.

Tanya was good. She knows how to satisfy men. She knows the best part.

"Service Water po!" Nagulat naman silang dalawa nang may babaeng lumapit sa kanila. Nang mag-angat ng titig si Chase ay hindi niya inaasahan ang taong nasa harapan niya.

It was Hana, na napakadilim ng tingin sa kanya.

"I'll take this call muna." Samantala ay nagpaalam naman si Tanya na lalabas lang muna. Napatitig naman si Hana sa babaeng kasama ni Chase.

The Boss and his TwinsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon