Girls"Mans, you look so healthy!" Bungad ni Ralia. I made a face. "Inaasar mo lang ako, e" I hissed. Her brows furrowed.
"I always adore you, Mandy. Kaya don't ever doubt me" Kinurot pa nito ang gilid ko. This girl is really weird sometimes. It's sunday at wala siyang trabaho, ganoon rin si Eresia. Ito ang rason bakit may mini reunion kami, we want Eresia feel better. Ilang araw na siyang matamlay at hindi umuuwi sa condo niya. Dito nalang siya naka-standby sa Penthouse ko.
"Eresia! Get up, idiot!" Paggising ni Ralia. Eresia groans. "I want to sleep. Ugh, 'wag kayong magulo"
"What the hell, Eresia! Hindi ako papayag na maglulukmok ka lang diyan. At wala kana lang bang gagawin, ha? Hahayaan mo nalang si Exequiel na gano'n gano'n lang! Ha! Kung alam ko lang na lolokohin ka niya e 'di sana hindi ko siya in-approve sa'yo!" Malakas ang boses ni Ralia kaya walang nagawa si Eresia kundi ang bumangon.
"Tingnan mo nga ang sarili mo! Hindi ganiyang ang pag-mo-move-on! Bumangon kana at magpaparty ako" Natigilan kaming dalawa. Palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa.
"Tinupak ka ba girl?" Hindi makapaniwalang bulas ni Eresia, sa wakas nagsalita na 'to, akala ko napipi na.
"Basta, magbihis na nga kayo! At ikaw, Mandy smoothie lang iinumin mo. Bawal sa'yo ang Bacardi, soju, rum at ano pang alak, first of all, buntis ka!"
Para nang may machine gun ang bunganga ng babaeng ito. I saw how Eresia's eyes rolls in the air. Lumabas na kasi ang kaibigan naming grabe kung mag-advice. Sa aming tatlo, Ralia is the most empathetic. She is so soft hearted and I cannot bare to see her hurt again. I trust One, alam kong hindi niya ito sasaktan. Hindi ko gustong makitang matamlay ang mga kaibigan ko.
Eresia change and so was I. Simpleng dress lang ang suot ko dahil sa pool side lang naman ng bahay nila Ralia ang party. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nito.
"Tapos na kayo?" Mabilis na tanong niya.
"Yes, mam"
"Good!" Pumalakpak pa ito at naunang nawala sa paningin ko. Alam ni Yurki na may party na magaganap sa bahay ng pinsan niya kaya sasama siya. We are now inside his car, simula ng buntis ako hindi na ako pinayagan ni Yurki na mag-drive. He is so careful for me, shems, kinikilig ako.
Habang nasa daan ay panay dada ng kaibigan namin, hindi ko talaga alam kung anong nangyari kay Ralia at naging ganito siya. Isali mo pa ang pagka-straight-forward niya ngayon at mga words niyang nakakasakit sa tainga. Kung hindi mo siguro 'to kaibigan ay maiiyak kana lang talaga.
Kung kailangan kang gisingin ni Ralia sa reyalidad, gigisingin ka talaga niya. Saying those words, wala kang kawala. Dahil minsan lang tupakin ang isang Ralia Auster Austevores and soon to be Mrs. Stevenson. Next week na sana ikakasal si Eresia pero hindi manlang sila nag-usap ni Exequiel simula noong nag-away sila. Hays, sana maayos pa nila, it's not too late pa, e.
"Are you alright?" Ramdam ko ang paghawak nito sa aking kamay. It was so gentle.
"Of course I am, nag-aalala lang ako kay Eresia" He glance at me, his eyes tells me that he is sad for Eresia. Kahit papaano ay naging malapit rin sila ng kaibigan ko.
"Alam mo ba, I hate that half sister ni One. Like, okay lang naman sa akin ang makita silang magkasama but araw-araw? Talaga? At siya pa talaga ang may ganang mag-aya na lumabas sila ni One! And plus, her gestures towards One, kulang nalang talaga bibigyan ko iyon ng malisya! Guys, need help, lumalala na ba ako?"
We both sigh Eresia and I, Yurki just laugh at her cousin. "Ate, siguro miss lang ni Cristina si Kuya One kaya ganoon"
"Whatever, hapon. Basta, something's off. Hindi ako matatahimik."
Wala akong masabi dahil hindi ko naman nakitang magkasama si One at ang half sister nito. Naikwento iyon sa akin Yurki isang buwan na ang nakalipas, that One has a half sister, anak pala iyon ni Tito sa una niyang minahal. I admire One's mother for being understanding, nag-offer pa daw ang Mama ni One na doon tumira sa kanila pero tinanggihan daw ng kapatid.
I glance on them, matamlay pa rin si Eresia pero nababawasan rin iyon 'pag nagpapatawa si Ralia. Sometimes I see her laughing together with our friend. They talk and it seems Eresia is getting fine. I hope she'll be fine soon.
I hope this mini reunion can help her to ease the pain and think. I wish her to be fine, not for herself but for us. We cannot see our friend lying with other people that everything's fine. If Eresia can fool others she can't fool us, we stick together all the time, paanong hindi namin malalaman?
Eyes speaks when mouth can't. Love can fool you, indeed. But not all fools can be fooled again because sometimes those fools can fool you too.

BINABASA MO ANG
First Love
Fiction généralePART 1 OF 3 Ralia Austevores is a psychologist, family-oriented and lovely woman. However, every phase of toxic and broken relationships has been difficult, tiring, and monotonous for her to keep chasing for love. She lost her interest in falling in...