StrangeGaya ng ginagawa ko araw-araw na wala si One ay iyon ang nangyayari sa akin. I go to my clinic, give treatments to my patients and then go to the grocery store alone. Cook my food alone. Sleep alone. Paminsan minsan ay napapagawi ako kila Mama at Papa na busy rin sa kani-kanilang mga trabaho.
Eresia is still mourning for Exequiel kahit isang buwan na ang nakalipas, kasabay niyon ang pagparte namin ni One. I already miss him, minsan lang kami nagkakaroon ng communication sa isa't-isa dahil mahigpit na ang bagong head ng barko nila. This week, wala akong nataggap ni isang mensahe o tawag mula sa kaniya. Kahit gusto kong magtampo hindi ko magawa, magtatampo ako o hindi ko siya makakausap, pakiramdam ko mababaliw ako.
One is so special for me, at ayokong bigyan iyon ng kahit ano mang distansya. Yes, I'm engaged to him and he will be soon my husband. I am bond to marry him three months from now.
Konting hintay pa, Ralia.
Tama nga ang naririnig ko tungkol sa isang Long Distance Relationship, dahil diyan na-realize kong wala sa pagtatampo, hindi pantay na oras, tawag o text ang basehan ng pagmamahalan. Kapag mahal mo talaga siya ay kaya mong magsakripisyo.
Love without sacrificing is not love at all.
I sigh heavily. I crack my neck, dahil feeling ko ma-iistiffneck na ako. Marami akong pasyente ngayon at na-over time ako. Alas sais na, hindi gaya kahapon na before mag-alas tres ay wala akong pasyente. Sinimulan ko nang ligpitin ang mga papel na nagkakalat sa aking desk, hinubad ko rin ang aking coat sabay lagay sa kabila kung kamay.
Another sigh again, isang buwan na akong nagkakaganito. Kahit sila Mama ay nag-aalala na, but I always told them I'm fine. Siguro sadyang nagungulila lang talaga ako kay One. After kung magligpit ay kinuha ko ang aking susi.
"Michell, check the lights and go home, oke?" I said. She nodded. "Yes, doc. Ingat po kayo!"
"Salamat, Mitch"
Pumasok ako sa aking sasakyan at nagsimula ng magmaneho. While on my way, I saw a car following me. Sinubukan kong magiba ng ruta pero nasusundan niya pa rin ako. I took a u turn at doon ko siya naiwala.
What was that?
May nag-I-istalk nasa akin? Mabilis kong kinuha ang aking cellphone and I dial Yurki's number. One ring and he answered it.
"Yes, cousin?"
"Someone's following me" I said panicking. I heard him sigh.
"Relax, Ralia. Nasan kana ngayon?"
"Nasa high way na ako. Malapit na'ko sa condo" I said. Pero hindi pa rin nawawala ang takot ko.
"Nakita mo ang plate number?"
"Hindi, e." I said. Narating ko ang elevator ng building ng aking condo. Doon palang ako nakahinga ng maluwag. Yurki said, if may naramdaman ulit akong hindi maganda tawagan ko daw siya at I-report ko kaagad.
Days went by, minsan ay maaga akong nag-ooff dahil sa napaparanoid na ako. Minsan may sumusunod sa akin pero kaagad ring nawawala sa paningin ko pero minsan binabalewala ko nalang.
Today is Saturday, bukas ay off ko na. Uuwi ako bukas kila Mama para doon muna mag-stay pakiramdam ko hindi ako mapakali dito. Hindi ko pa nasabi kay One ang nangyayari, ayoko siyang mag-alala sa akin at baka makasagabal ako sa kaniya sa trabaho.
My phone rung, lunch break kona ngayon. I immediately smile when I saw who is it.
"Hello, langga. I miss you" Bungad nito. Hindi pa nga ako naka-hello ay nagsalita na siya kaagad.
"Baby, naman huwag mo akong pakikiligin." I said, biting my lower lip, para pigilan ang nagbabadyang tawa.
"Why, ayaw mo? Miss na kita, hindi mo'ko miss?" Aniya sa nagtatampong boses. I can't hold it anymore, I laugh. Why I am imagining him pouting right now and it was all damn hot and handsome? Gahhhh!
"Miss na miss kita, konting tiis nalang, One." I said in a lower voice.
"Talaga? Kamusta ka diyan? Sila Mama? Si Mandy kamusta?" Sunod-sunod na tanong niya.
"I'm fine, baby. Mama's fine, too. I will go home there tomorrow. I'll spend my day off with them, I hope you're here. Mandy is fine, malapit ng manganak" Masaya kong sagot.
"I'm glad, um, baby, I will hang up now. I love you" Ngumiti ako ng malungkot.
"I love you, too, inga--" The call died. I pout, ganito nalang lagi? Hmm. Miss na miss ko na talaga siya. My lunch time ends, sunod sunod rin ang pagdating ng mga pasyente ko. Napahikab ako sabay tingin sa orasan, alas syete na. Late na akong makarating nito sa bahay kung ganoon.
"Mich, sorry late na tayo. Umuwi kana gabi na."
"Nako, doc. Ayos lang, day off ko rin naman bukas" Sagot nito. Ngumiti ako at lumabas sa aking clinic. I sigh, I started my engine and I maneuver the steering wheel. While my eyes on the road, same car is following.
Damn!
Hindi ko pinahalatang alam kong sinusundan niya ako, nasa tamang takbo lang ang sasakyan ko, hanggang sa nakakita ako mg tyempo para takasan siya. Pero putek, nasundan niya pa rin ako.
Who is this? Anong kailangan niya sa akin?
"Shit. Kung sino ka man, I won't let you have me!" I said to myself.
Mas binilisan ko pa ang pagmaneho, hanggang sa naiwala ko siya ulit. I smile. Kita mo? I am a good at driving than him or her! Ha, don't mess with a Austevores. I am trained and self-aware. No one can abduct me. No one.
Liliko na sana ako nang may sasakyan na papasalubong sa akin, shit! Mabilis kong tinapakan ang preno at huli na, hindi ko na alam kong anong susunod na mangyayari sa akin.

BINABASA MO ANG
First Love
Ficción GeneralPART 1 OF 3 Ralia Austevores is a psychologist, family-oriented and lovely woman. However, every phase of toxic and broken relationships has been difficult, tiring, and monotonous for her to keep chasing for love. She lost her interest in falling in...