Aunties"Anak, can you take a day off tomorrow?" Nagising ako dahil sa tawag ni Mama. One is sleeping peacefully beside me. Tomorrow is Wednesday.
"I'll see, Ma" I feel someone kissing my neck early in the morning. "Is One with you?" Ramdam ko ang pag-init nang pisnge ko.
"O-Opo. Dito siya natulog kabagi, Ma"
"Okay, basta bukas, ha? Isama mo si One, uuwi ang mga tita mo at gusto nilang makilala 'yang Fiancèe mo. Alam mo naman ang mga tiyahin mo sobrang protective pagdating sa'yo"
I sigh. Oo nga pala, hindi pa nila alam na engaged na ako. Sigurado akong kikilitisin nila ng mabuti si One bukas. Parang ako ang kinabahan para sa kaniya.
"Sige, Ma. Bye, love you"
"Love you too, anak. Ingat" The line died at napalingon ako kay One. He is resting in my shoulder giving me featherlight kisses.
"My aunties wants to meet you, One. Can you take a day off tomorrow?" His eyes travel on my lips. Ilang saglit pa ay lumapat ang mga labi nito sa mga labi ko.
"Of course, you're always first." I smiled.
"I'm really inlove with you, Commander" Pagkakasabi ko no'n ay isang malakas na mura ang aking narinig. Damn, ganito ba talaga siya kiligin? Basta lang magmumura?
"Let's eat breakfast first" I said. Nauna akong bumangon at nagtungo sa kusina. Nagluto ako ng itlog at fried rice. Hindi puwedeng walang almusal kaming dalawa.Mabilis akong natapos kaya mabilis rin kaming kumain. When need to part our ways later, siya sa Port at ako naman ay sa Clinic. Kahit ganito lagi ang eksena naming dalawa ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. He planted a soft kiss in my cheeks.
"Mag-iingat ka, huwag magpa-stress. I will fetch you later, doon ulit ako matutulog sa'yo mamayang gabi." I bit my lower lip. Bakit ba kapag may binabanggit siyang ganiyan? Iba ang pumapasok sa isip ko. Damn, nahihibang na ata ako.
"Ikaw rin, ma-ha-hotseat ka talaga bukas sa mga tita ko." He smirked.
"Kayang kaya ko ngang kunin ang blessing ni Tito at Tita, mga aunties mo pa kaya. Ralia, ilang gyera na ang napagdaanan ko kaya walang wala iyang hot seat na sinasabi mo." Aniya. Sobrang proud sa sarili, One? Sa halip na sagutin siya at tumawa lang ako. May tupak rin ito minsan, e. Pumasok ako sa opisina ng nakangiting bumati si Michell sa akin. Tamang-tama ang pagpasok ko kaya naman ay kaagad akong tumanggap ng pasyente.
"Doc, papasokin ko na po si Ms. Villacarlos?"
Napatigin ako kay Michell. Ang mahabang buhok nito ay nakapusod ng maayos. Ang kulay pink na ternong damit ay nababagay sa kaniya. Huminga ako nang malalim."Sige." After ng sinabi ko ay mabilis siyang pumasok.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Ms. Villacarlos?" Her eyes are swallowed. Malalim rin ang eyebags nito at pumayat siya.
"I am not here as one of your patients. I'm here to say sorry for everything." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Nakita ko ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga pisnge.
"I'm sorry for hitting on One, yes, I like him. Hindi ko inaakalang magkakagusto ako sa sarili kong kapatid, I know, that's not good in your ears but I am being honest. I don't want you to see me as a flirt or a bitch who's trying to fit in someone's life. One give me money to go away, and I will take that money to start a new life. So I am sorry for the misunderstanding we had, I know One truly loves you, Ralia. But I am just being like this, I hated myself for liking someone who's related to me." Suminghot ito at pinahiran ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya.
"Pangako, hindi ko na kayo guguluhin. Hindi na ako magpapakita. Just like I don't exist in your lives, pupunta akong Amsterdam doon ako magsisimulang mamuhay." Bumababa ang tingin ko sa tiyan niya. Hinihimas himas niya ito.
"For my son, I will do everything for him. Kaya nagpapasalamat akong nakilala kita, please, keep this as a secret to One. Ayokong mag-alala sila sa akin, don't worry I will met the father of my son in the airport. He is my long time boyfriend and he will be soon to be my husband." Ngumiti ito.
"Don't be so hard to yourself, Cristina. Lahat ng tao nagkakamali, kaya sana palayin mo rin ang sarili mo, hindi lang para sa'yo kundi para sa magiging anak mo."
"I never doubt your love for my brother, continue loving him endlessly, Ralia. I'll be watching the both of you, Sister-in-law"
"Thank you, Cristina. Please be safe and take care, I cannot promise to keep your secret. I am not lying to One." Hindi pa rin natanggal ang ngiti nito.
"Nasa sa'yo ang desisyon. Wala na akong magagawa, maraming salamat sa pagtanggap." Tumayo ako para makipagkamay sa kaniya. I watched her back slowly fading in my sight. I sigh, pakiramdam ko parang nabunutan ng tinik ang puso ko at nakahinga ako ng maluwag. Lunch time natapos ang huli kong pasyente, wala masyadong pasyente ngayon kaya ayos lang. I heard my phone beep. This must be One.
One Baby
Nandito na ako. Tapos kana? Baka naka-isturbo ako.
Napaikot ako sa swivel chair. Para akong teenager na kinikilig sa simpleng text.
To One Baby
Oo, walang maraming pasyente. Hintayin mo'ko sa labas.
Naghintay ako ng ilang segundo.
One Baby
Ang ganda mo pa rin kahit kinikilig ka. Ganiyan ba talaga ako tuwing nag-ti-text sa'yo?
Mabilis akong napaangat. That idiot is standing in my door. Pasimpleng nakangiti ang loko. Damn! Nakakahiya. Ang init init pa ng pisnge ko. Bakit ba hindi ko siya naramdaman?
"K-Kanina ka pa?"Kaagad na tanong ko. Tumango siya at nakangisi pa rin.
"Tara na, excited na'kong makita ang mga tita mo" Aniya. Lumabas kami sa clinic at umuwi na. After naming umuwi ay siya ang nagluto, siya ang maghugas ng pinggan na dapat ako. Nagpumilit ako pero halik lang ang natanggap ko. At heto kami ngayon magkayakap at dinadalaw ng antok.
"One! Get up!" 6AM in the morning, gising na gising na ang diwa ko. Ayaw ng mga tita ko sa mga taong late! Dapat on time!
"It's early, let's sleep.." He said. I sigh.
"One, listen, ayaw ng mga tita ko sa mga taong late. Dapat on time, kung anong oras, iyon talaga! Kaya kong gusto mong magpagood impression sa kanila bumangon kana!" Mabilis siyang bumangon at ninakawan ako ng halik.
"Sabay tayong maliligo kung gano'n, para hindi tayo ma-late" Aniya sabay kindat.
"No way!"
"Yes way, langga. This is an order, there's no in Commander's command"
FUCK!
Sabay kaming naligo, sabay rin kaming nagbihis. No shame on my body left, alam kong lahat ng sulok nun ay hindi nakatakas sa mga mata niya. Damn it! Isang maroon fitted dress na kita ang dibdib ko ang aking sout. I need to wear this, nandoon pa naman si Tita Lelya!
"Are you sure you gonna wear that?" Nakataas ang kilay niya. He's wearing a tuxedo, damn, bakit hapit na hapit sa kaniya? Crazy thoughts of yours, Ralia!
"Of course, I need to look presentable. Lalo na't nandoon si Tita Lelya, she's the most scary Tita I know, but she's kind." I said. Inayos ko naman ang buhok niya at neck tie. "There, you look handsome"
"You look gorgeous too" After that we took a picture together, lahat ng gatherings na pinupuntahan naming dalawa ay may picture dapat. We need to capture every moment we had, para walang labis at walang kulang.
"Let's go" He held my hand as we enter the elevator.
Damn, kinabahan ako para sa kanila. Bakit ba kasi sabay pa silang umuwi?
A/N: Basta bet na bet ko si Tita Monec. Sorry, nagkokorea kasi. HAHAHAHAGA

BINABASA MO ANG
First Love
Ficțiune generalăPART 1 OF 3 Ralia Austevores is a psychologist, family-oriented and lovely woman. However, every phase of toxic and broken relationships has been difficult, tiring, and monotonous for her to keep chasing for love. She lost her interest in falling in...