Sana 8

104 33 0
                                    


"May gusto ka na bang school na pasukan para sa darating na pasukan anak?" Para tatanong ni Nanay. Sunday ngayon kaya walang pasok si Nanay.

"Hmm. Wala pa po akong naiisip na school." Sagot ko. Sa totoo lang wala pa talaga akong maisip na school napapasukan.

"Kung sa SSU ka nalang kaya? Kung saan nag aaral si Anne? Maganda daw ang turo dun. At wala ka namang dapat problemahin malaki naman daw ang campus ng senior high dun. At malaki din ang campus ng college nila."

"SSU? Ano yun? Anong ibig sabihin nun?" Parang familiar.

"SSU, Saint Sebastian University anak. Hello? Di mo alam kung saan nag aaral si Anne at yung dati mong manliligaw na si Christopher."

Ah! Kaya naman pala familiar. Dun nga pala nag aaral si Christopher.

"Okay lang ba sayo? Hindi naman ba makakasakit ulit sayo? Kung gusto mo-"

"Ayos lang nay, saka naka move on na naman ako sa nangyari. So don't worry nay."

"Sure ka anak ha? Nag aalala lang naman kasi ako sayo, mag aaral ka na for the first time na sa school talaga."

"You don't have to worry about me Nay, kaya ko naman na."

Mamimiss ko na yung hospital, wala kasi akong magawa ngayon. Nanonood lang ako ng TV tapos walang kwenta pa yung palabas. Wala naman sila lola at Lolo nasa mga kumare at kumpare nila sila, samantalang sila Tita at Tito naman ay mga nasa trabaho.

Wala din naman si Angela, wala tuloy akong makalaro. Ako at si Nanay lang ang nandito ngayon sa bahay. Tapos si Nanay tulog pa. What a boring afternoon.

Nag iis-scroll lang ako ng magandang panoorin sa Tv ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko ito si Carla lang pala natawag.

"Oh?" Sagot ko.

"Hindi mo sinabi sakin na madami ka palang manliligaw." Sabi pa nito kaya naman naguluhan ako.

"Huh? Manliligaw? Carla wala akong manliligaw." Ano bang pinag sasabi nito?

"Di boyfriend's?"

"What? Carla! Wala akong boyfriend!" Naka shabu ba to? Tumira ata to ng marijuana eh!

"Talaga lang ha. Tumingin ka sa labas niyo ng makita mo."

Dahil sa kung ano anong pinag sasabi ni Carla kaagad naman akong tumingin sa bintana namin upang makita ang sinasabi ni Carla.

"What? Anong ginagawa nila dito?" Gulat na saad ko. Sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo yung tropa ni Benedict kasama si Carla.

Kaagad naman akong lumabas at pinag buksan sila ng gate. Ano naman kayang pinunta ng mga ito dito?

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ako dinalaw ka tutal, day off ko ngayon ewan ko lang tong mga to kung anong ginagawa dito." Sagot pa ni Carla sakin.

"Kayo anong ginagawa niyo dito?"

"Ah, eh, napadalaw lang. Wala kasi kaming magalaan kaya dito nalang kami." Sagot ni Yosh.

"Paano niyo nalaman ang bahay namin?"

"Nakita lang namin sa Facebook mo." Sagot naman ni Ace.

"Ganun ba?"

"Yes." Sabay sabay nilang sabi.

Lalo atang gugulo ang tanghali ko dahil sakanila.

"Anak sino yang mga yan?" Napalingon naman ako ng marinig kong mag salita si Nanay.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon