Sana 11

98 28 0
                                    


Nandito kami ngayon sa seven eleven ng plaza sa bayan dito niya ako na isipang dalhin. Sa ngayon at nasa counter si Benedict at binabayaran ang mga pinag bibili habang naka upo naman ako sa table namin at hinihintay siya.

Wala namang masyadong Tao ngayon sa seven eleven bukod sa mga kasing age ko na kabataan na mga naka tambay din dito sa seven eleven. May mga tao ding naka tambay sa plaza at nanonood ng mga nag ba-basketball dun. Hindi naman ganun kainit ngayon sa palagay ko nga ay uulan pa.

"Oh!" Sabi ni Benedict bago binaba sa harap ko ang pagkain na binili niya. Burger, Slurpy, mga chi-chirya at mineral water.

"Eh bakit parang galit ka sakin? Ina-ano ba kita?" Mukha kasi siyang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Di ako galit sayo, dun sa may Cashier ako naiinis pinag tro-tropa ako palibhasa bakla!" Sabi niya pa na ikinatawa ko. Kaagad naman siyang tumingin sakin ng masama na ikinatigil ko sa pag tawa.

Pinag patuloy ko na lang ang pag kain ko habang siya at naka simangot at naiinis pa rin sa Cashier. Napansin kong kahit na galit siya, naka simangot, masaya o kahit anong emosyon niya gwapo pa ri siya. Hindi tulad nung ibang lalaki pag nagagalit na panget. Siya gwapo pa rin, swerte ng ako sakanya.

Sa totoo lang hindi naman talaga kagwapuhan si Benedict lately ko lang rin napansin. Ang nag papagwapo lang sakanya ay yung magaling siya pag dating sa pormahan. Pwede tong mag model.

Magaling siyang pumiili ng susuotin, malakas ba ang appeal. Mas lalong lumalakas ang appeal niya dahil sa salamin niya bagay talaga sakanya. Saka matangkad, maganda ang pangangatawan at yummy, ay este Moreno rin siya hindi siya tisoy.

Ano ba naman tong pinag iisip ko Nababaliw na naman ako. Gutom lang ata talaga ako.

Napansin kong kanina pa tumitingin sa Banda namin yung mga kasing edad ko na mga estudyante. Sa Banda lang talaga namin. Bakit kaya?

"Kilala mo ba yung mga yun?" Pag tatanong ko kay Benedict kaya naman tumingin siya sa bandang tinuro ko at tinignan ang mga ito dahilan para mag iwasan yung mga nasa kabilang table dahil nahuli sila ni Benedict na nakatingin.

"Mga Senior High School mula sa school namin bakit?" Sagot niya pa. Kaya pala kanina pa naka tingin dito. Siguro kilala siya ng mga ito.

"May senior high sainyo? Teka saan ka ba nag aaral?" Pang uusisa ko.

"Sa SSU, Saint Sebastian University bakit mo natanong?"

"Wala naman, teka! SSU?! Diyan ako balak pag aralin ni Nanay pag nag senior high na ako!"

"Baka mag kita tayo dun!" Sabi ko pa sakanya. Ang galing naman meant to be nga aga talaga kami.

"Masyadong malaki ang SSU B, malaki ang campus ng senior high at mas lalong malaki ang campus ng college baka hindi tayo magkita dun. May sariling mini mall ang SSU at sa loob ng campus may mga convenience store rin gaya na lamang nitong seven eleven." Sabi niya ha ang tinatanggal ang balat ng burger na binili niya.

"Di gumawa ka ng paraan, anong silbi ng pagiging boyfriend kita kung di ka gagawa ng paraan diba?" Pang aasar ko sakanya.

"Aba natutuwa ka na ata sa boyfriend girlfriend thing natin. I like that." Sabi niya sabay kindat sakin. Kung pwede lang matunaw ngayon palang siguro tunaw na ako.

"At least nga sinakyan ko na yang mga trip mo."

"Hindi pag trip kita sasakyan mo din ba?" Pag tatanong niya. Jusko talaga pwede na ba akong mahimatay? Hindi ko na ata kaya ang kalandian niya. Masyado na akong marupok sakanya.

"Pag sinipag ako, Malay mo maging trip din kita." Pa-cool na sagot ko. Pero sa totoo lang mamamatay na ako sa kilig dito.

"Saan sipagin ka na." Bulong niya ng mahina pero narinig ko naman.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon