Sana 16

87 23 0
                                    


"Huli ka!" Saad ng lalaking nakahawak sa braso ko at pinipilit na palabasin ako sa CR.

"Bitawan mo ako! Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko habang nag uumalpas ngunit sadyang malaki ang katawan ng lalaki kaya hindi ako maka wala sa pag kakahawak niya sa braso ko.

"Miss sumama ka nalang samin, at saka hindi ka pa masasaktan."

"Hindi ako sasama sainyo! Tulong! Ben! Help me!"

"Pare ilabas mo na yan at tara na malaking ransom din ang mahihingi natin pag nasama natin yan." Saad pa ng isang lalaki bago na unang lumabas.

"Miss sumama ka na lang kasi samin sigurado pang liligaya ka, may itsura ka naman pwede na yan." Naka ngising pang sabi nito bago ako hinagod ng tingin.

"Bitawan mo sabi ako!" Sabi ko bago nag pumiglas mula sakanya. Nang sa gilid ko ay naka kita ako ng lagayan ko ng mga gamit dito sa CR.

Kaagad ko itong dinampot at pinalo ko sa ulo niya.

Natumba rin naman siya kaya naman nag karoon ako ng panahon upang makatakbo. Ngunit hindi pa nan ako tuluyang nakakalabas ng kwarto ko ay hinatak niya ang binti ko dahilan ng pag bagsak ko.

Dinaganan ako ng lalaki at sinumulang amoyin ang leeg ko. Sinubukan kong umalpas ngunit hinawakan niya ang mag kabilang braso ko at inilagay ito sa uluhan ko.

"Hayop ka! Bitawan mo ako! Tulong!" Sigaw ko ngunit mas lalo lang ako nanghina.

"Wag ka ng mag pumiglas! Alam ko namang magugustuhan mo rin ang gagawin ko sayo." Matapos noon ay sinumulang niyang halikan ang leeg ko.

"Bitawan mo ako! Please help me!" Sigaw ko na lamang naramdaman kong unti unti na akong nahihirapang huminga. No! No! Hindi ako pwedeng nawalan ng Malay.

Nag pupumiglas parin ako ngunit walang nangyayari. Sobrang lakas niya, ito na ba ang huling sandali ko? Dit na ba masisira ang kinabukasan ko dahil sa mga walang hiyang lalaki nato?

Nahihirapan mang huminga ngunit naramdaman ko ang pag bagsak ng walang hiyang lalaki nato sa ibabaw ko. Kaagad ko naman akong bumangin at pinag sisipa ang lalaking walang malay na ngayon.

"Walang hiya kang hayop ka!" Patuloy ko parin siyang pinag sisipa ng magulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran ko. Dahilan kung bakit ako napasigaw. Kaagad din naman akong nag pumiglas sa pag kakayakap ng estranghero ng marinig ko itong mag salita na nag patigil sa pag galaw ko.

"It's okay B! Ako to! It's okay." Pang tatahan niya sakin dahilan para umiyak ako. Hindi ko alam kung dahil sa muntik na akong reypin ng walang hiyang lalaki na naka handusay na ngayon o dahil muli kong naramdaman ang yakap ni Benedict.

Napa hagulgol ako ng iyak dahilan para iharap niya ako sakanya at yakapin.

"Shh... Wag ka ng umiyak nandito na ako. Tahan na. Anytime darating na ang mga pulis." Pang tatahan niya pero mas lalo lang atang lumakas ang iyak ko.

Bakit ba ganito siya? Kung kailan sa hindi inaasahang pag kakataon, kung kailan handa na akong kausapin ang sarili ko na tama na. Dun naman siya babalik ulit.

Bakit kailangan maging ganito kahirap? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako? Hindi ba pwedeng ako nalang ulit yung girlfriend niya? Kahit pretend na lang? Bakit kailangan dumating sa punto na ako nalang lagi yng masasaktan tapos sila masaya.

"I'm sorry." Bulong niya sakin habang mahinahong hinahagkan ang ulo ko.

"Sorry ba yan dahil sa nangyari sakin ngayon o sorry kasi ginamit mo ako at sinaktan?"

"Sorry kasi ngayon lang ako dumating para mag paliwanag sa mga nangyari sa atin. Sorry kasi gago ako para gamitin ka. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi minahal kita kahit bawal na at mag papakasal na ako sa iba."

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon