Sana 19

81 22 0
                                    


Sabi nila you only live once or yolo for short live your life to the fullest daw kaya naman ang ibang kabataan ngayon ay ganon nga ang ginagawa. Party life, drinking alcohol, meeting new friends, getting a boyfriend/girlfriend, well even having sex.

Pahiram lang daw ang buhay natin, anytime pwedeng pwede bawiin satin ito. Wala na tayong second life or third life para gawin yung mga bagay na hindi natin nnagawa kaya ngayon palang daw sulitin na natin yung mga gabay na minsan lang natin maranasan sa buhay na ito.

Dati nung lagi pa akong nasa hospital at laging nakaratay sa kama wala akong pakialam kung hindi ko magawa yung mga nagagawa ng mga normal na kabataan. Ang nasa isip ko lang noon kung mamamatay, di mamamatay pakialam ko ba kung hindi ko nagagawa yung nagagawa ng iba. Pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pa bang isipin yun mga pinagsasabi ko dati.

Hinihiling ko na sana wala na lang akong sakit, sana katulad nalang nila ako normal, sana makasama ko pa ng matagal yung mga taong mahal ko, At sana tumanda akong kasama yung lalaking mamahalin ako kahit na sakitin ako.

Hindi pa ako handa, hindi pa ako handang biglang bawiin sakin itong hiram na buhay ko. Hindi pa ako handang iwan ang mga mahal ko, hindi pa ako handang mamatay ng hindi nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin kasama siya.

Ayoko pa. Hindi ko pa kaya ang lahat.

"Hoy, ayos ka lang? Bakit parang mukha lang constipated diyan." Bungad sakin ni Benedict at umupo sa tabi ko.

"Huh? Ayos lang ako. Nakabili ka na ba ng ticket natin?" Tanong ko pabalik sakanya. Tinaas niya naman ang ticket na nabili niya.

Nandito kami ngayon sa perya ng San Sebastian malapit sa bayan. Kung itatanong niyo kung paano kami naka labas ng school, well ang magaling na lalaki na ito ay magaling mag over de bakod at certified akyat bahay gang kaya madali kaming naka akyat sa mataas na bakod ng school.

Makabalik niya lang galing sa pag bili ng ticket namin sa isang rides dito sa perya. Ito yung parang rides na roller coaster na sasakyan. Kasalukuyan pa itong naandar at hinihintay namin ang turn naming sumakay.

Excited akong maka sakay dun dahil first time ko palang maka sakay dun. Actually, ang pag punta ko sa perya at first time ko lang din. Nung bata pa kasi ako hanggang parks, museum lang ang pwede kong puntahan, ngayon nag simula na akong lumaki o umabot dito sa teenager life, madalas na ang pasyal namin ay SM pag pu-pwede akong lumabas noon sa hospital or pinapayagan lumabas.

Hindi ako masyadong pinapasyal ni Nanay sa mga rides na masyado akong mae-exicte dahil baka mabigla ang puso ko sa emosyon ko. Bawal ako ng exaggerated na emotions at baka ikapahamak ko pa yun ng wala sa oras.

Kaya ngayon medyo thankful ako kay Benedict sa pagdala niya sakin dito sa perya. Ala syete na ng Gabi kaya medyo madami na ang tao rito, karamihan ay mga estudyante sa iba't ibang school dito sa San Sebastian. Ang iba naman ah mga bata, mga pamilya at mga mahihilig sa larong bingo.

Iba't ibang mga kulay ng ilaw ang nakikita ko, may red, blue, yellow, orange at marami pang iba. Madaming mga stall ng bingo, may mga shooting range na laro, mag mga tindahan ng mga pagkain, iba't ibang pag kain!

Madaming ring rides, may mga malalaki na pwede sa mga bata, matanda at para sa mga dalaga't binata. Parang gusto ko tuloy lahat sakayan yung mga rides dito, sa tingin ko halos may lagpas kinse na mga rides ang nandirito na pwedeng pwede sakyan. Kaso ayoko naman kapalan ang mukha ko kay Benedict, libre niya kasi lahat ng rides na sasakyan namin pati na rin ang pagkain namin ngayon. Kahit naman sabi niyang babawi siya sakin nahihiya parin akong lubos lubusin. Kahit na madami siyang Pera nakakahiya.

Gusto ko nga rin sanang mag pabili ng mga Teddy bear na nakikita mo ngunit pinipigilan ko ang sarili ko nahihiya nga kasi ako. Saka nalang ako mag papabili pag hindi na ako nahiya.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon