Walking towards our direction is no other than Benedict with his white tuxedo. Talagang dun siya nag mula sa likod ng mini stage para lang sa grand entrance niya. At dahil nga sa grand entrance niya halos lahat ng nandito ay naka tingin sakanya.Nang makarating naman siya sa harapan ko ibinigay niya muna sakin yung isang stem ng Rose at kaagad ko rin naman itong inabot. Matapos noon ay nilahad niya ang kamay niya ba siya ko rin namang inabot.
Dinala niya naman ako sa gitna at ng makarating kami dun at hinatak niya ako palapit sakanya at hinawakan ang dalawa kong kamay at inilagay sa may balikat niya at humawak naman siya sa bewang ko.
Alam kong ngayon palang pinag titinginan na kami ng mga kapwa estudyante namin dito at pinag bubulungan. Paano ba naman kasi Hindi pag bubulungan kung ang kasayaw ko lang naman ngayon ang SSG president ng college department.
"Oh? Hindi ka ba masaya na nandito ako ngayon?" Pag tatanong niya.
"Masaya."
"Bakit parang hindi naman?"
Paano ba naman ako makaka sagot ng maayos sakanya kung sobrang lapit niya sakin at hawak hawak niya pa ang bewang ko.
"Masaya nga ako." Tumawa lang ito bilang sagot sakin.
"Hindi ka ba naniniwala?" Pag tatanong ko rin.
"Hindi." Sagot niya.
"Feeling ko kinakabahan ka dahil sobrang lapit natin sa isa't isa." Dagdagan niya pa. Tumingin lamang ako sakanya dahil wala naman akong masabi pa.
"Akala ko ba bawal ang mga college dito?" Pag iiba ko ng usapan.
"Gumawa ako ng paraan, saka don't worry wala naman huhuli sakin dito." Sa ginawa niyang grand entrance mukhang anytime may lalapit sakanya at papaalisin siya rito.
"Talaga lang ha?"
"Oo naman! Wala ka bang bilid sa boyfriend mo?"
"Wala."
"Ano?! Hoy grabe ka naman sakin! Bad ka!"
"Ang isip bata mo ano? College ka na ba talaga?"
"College student na ako, pero kaya kong mag isip bata para mapasaya ka."
"Tsk, dami mo alam."
"Uy, kinikilig siya."
"Huh? Ako kinikilig? Hilo ka ba? No way."
"Okay lang naman kung umamin ka na kinikilig ka. Promise secret lang natin yun." Pang aasar niya sakin.
Nag sayaw lang kami ng nag sayaw, maka ilang tugtog ata bago niya ako niyayang umupo muna. Buti naman akala ko kasi Hindi na kami uupo at mag sasayaw na lang kami mag damag.
Hindi pa man nag iinut ang mga puwetan namin sa silya ng lumapit naman samin ang SSG president ng SHS na si Abby at may kasama siyang isang lalaki.
"Hey Abby, Hey Lucas!" Bati ni Benedict sakanila. Bumati naman yung Lucas pabalik ngunit si Abby seryoso lamang ang mukha.
"Siya ba yung girlfriend na sinasabi mo kuya Ben?" Pag tatanong nung Lucas.
"Oo siya nga. B si Lucas and Abby, Lucas and Abby si B girlfriend ko." Simpleng Bati lamang ang ibinigay ko sakanila.
"What are you doing here?" Bungad na pag tatanong ni Abby kay Benedict.
"Why? Hindi ba ako invited dito?"
"Yes! Para lang to sa mga senior high."
"Oh, ano naman?"
"Your a college man! Hindi ka pwede rito."
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...