"Anong ginagawa mo rito?" Pag tatanong ko sakanya. Nakaka gulat kasi siya. Nakakagulat na bigla bigla na lamang siya pupunta dito."Ano pa nga ba, di dinadalaw yung girlfriend ko." Sabi niya sabay kindat sakin. Pa-cute pa ang loko, kung di lang ako nag cu-cute-an dito inupakan ko nato.
"Mag tigil ka nga Benedict di mo naman ako girlfriend."
"Alam mo kung di mo sasakyan yung trip ko na maging boyfriend mo ako sayang naman. Pag nagkataon wala ka ng gwapo at matalinong boyfriend.
Hindi ko alam na talaga palang may tinatago tong kahanginan sa katawan. Napapaisip na lang ako bakit ba ako attract sa lalaking ito?
"Gwapo raw." Bulong ko nalang bago siya pinapasok.
"Gwapo naman talaga ako, kung di mo alam madami ata akong naging ex na hindi pa maka get over sakin. Syempre dahil yun sa angkin kong kagwapuhan." Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Dami mong sinasabi pumasok ka na nga lang."
Sumunod lamang siya sakin hanggang sa pag pasok namin sa bahay. Pag pasok namin kaagad naman silang napatahimik at Napa tingin sa kasama ko.
"Oh pare! Akala ko ba hindi ka makakasama?" Gulat na pag tatanong ni Ace sa kaibigan niya.
"Wala akong magawa sa bahay, saka masama bang dalawin yung girlfriend ko?" Sagot pa ni Benedict.
"Ayun oh! Lover boy ka talaga pare!" Kantyaw pa sakanya ng mga kaibigan.
"Oh my gosh! Kinikilig ako!" Kinikilig na saad pa ni Carla.
Nang tignan ko naman si Nanay may mapanuksong tingin lang ang ibinigay niya sakin.
"Oh! Kayo pala Mrs. Benitez! Good afternoon po!" Bati nito sa Nanay niya bago nag mano. Ngumiti naman ang Nanay niya rito bago nag salita.
"Good afternoon din hijo, saka Tita Bridjet nalang ang itawag mo sakin." Sagot ni nanay. Paniguradong sasakyan niya din yung trip ni Benedict.
"Boyfriend ka na ng anak ko ano?" Paniniguradong tanong ulit ni Nanay.
"Opo naman Tita."
"Eh diba ikaw yung intern na doctor sa hospital?"
"Ako nga po yun. Benedict Satander po Tita." At nag tuloy tuloy ang usapan nilang dalawa.
Nang tanghaling iyon din kumain lamang kami at manood ng movie ng mga bandang alas dos ay tapos na kaming kumain kaya naman nag ligpit na kami ni Nanay ng mga pinggan at baso.
Pag dating naman namin sa kusina nagulat ako ng biglang akong pinalo ni Nanay.
"Aray nay! Anong problema mo?!" Gulat na tanong ko sakanya. Ang sakit kaya ng pagkakapalo niya sakin.
"Bakit ka nag lilihim sakin na may boyfriend ka na?"
"Hindi ko po talaga boyfriend yun nay!" Sagot ko sakanya.
"Ang ganda ng taste mo anak! Gwapo na mukha pang matalino! Saka ano ka ba! Wag mong ikahiya yang boyfriend mo! Dapat proud ka riyan! Age doesn't matter naman! Saka ang tangkad anak! Mukhang masarap!" Sabi ni Nanay na ikinabigla ko.
"Nay! Anong sinasabi mong masarap?!"
"Masarap! Masarap mag mahal! Etong batang to kung ano-anong napasok diyan sa kokote mo!"
"Wala naman akong ibang-"
"Ang dami mong sinasabi! Mag hugas na muna tayo bago tayo mag chikahan na dalawa." Aba! Ako pa nakipag chikahan. Pambihira talaga tong si Nanay.
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...