Sana 32

70 24 0
                                    


Ngayon araw ang kasal ni Nanay sa boss niya dati. Masaya ako para kay Nanay at alam kong masaya rin si Tatay sa itaas para kay Nanay. Nandito kami ngayon sa reception at sa totoo lang sa decorations palang sa simbahan at dito ang laki na ng gastos. Kumukuha ako ng litrato ng tawagin ako ni Nanay.

"B! Halika rito! Picture tayo! Dali!" Tawag sakin ni Nanay sa unahan kaya naman lumapit ako kaagad.

"Congratulations lovebirds." Bati no sakanilang dalawa bago sila niyakap.

"Come on! Let's have a picture." Umayos naman ako ng tayo sa pagitan nila at ng makuhanan kami ng litrato ng iba pan photographer ay muli akong bumalik sa pag kuha ko rin ng litrato ngunit panandalian lang yun at bumalik sa upuan ko katabi si Henry at sila Ava.

"Paano ba yan B, kinasakit na sila Tita Bridjet at Tito Luke mag kakaroon ka na ng kapatid! Ready ka na ba?"

"I was born ready." Biro ko na sagot na ikinatawa nila.

"Kayo ba ni Henry, B kailan mag papakasal?" Natuksong tanong ni Tito Elroy sakin. Napuno naman ng kantyawan ang table namin sa tanong ni tito.

"Nako Elroy! Bata pa yang anak ko hayaan mo munang mag explore sa mga bagay bagay." Sabi ni nanay. Buti nalang at sumagot si Nanay ayokong ma-hot seat.

"Ate naman, nasa tamang edad na rin naman si B para mag asawa."

"Nako hindi pa rin pwede no, baby ko pa yan."

"Ikaw ba B balak mo na mag pakasal?" Tanong ni Tito Erik kaya naman muli akong na hot seat. Lagi na lang ako ba ako maho-hot seat? Sasagot na sana ako ng mapa tingin ako sa may pintuan ng reception at nakita ko siya. Anong ginagawa niya rito?

"Hijo! Buti at nakarating ka!" Bati pa ni Nanay dito, wait inimbitahan ni Nanay si Benedict sa kasal niya?

"Congratulations po Tita Bridjet and Tito Luke." Bati ni Benedict.

"Nako salamat hijo, akala namin ay hindi ka na makakarating."

"Hindi naman po ata pwede yun."

"Hijo!" Tawag pa ni Grandpa sakanya.

"Lolo! Kamusta po kayo?"

"Eto ayos lang! Malakas pa rin! Have a seat."

"Salamat po."

At marami pang nangamusta kay Benedict halos lahat nga ata sila maliban lang syempre kay Henry na nag tataka kung sino ba talaga si Benedict.

"Bakit hindi mo masama ang mommy mo Ben?"

"Nasa Manila po siya ngayon may inaasikaso lang po siya, but sabi ni po dadalawin niya kayo once na matapos na yung inaasikaso niya sa Manila."

"Ang dami talagang inaasikaso ni Esther."

"Ay, oo nga pala Henry eto nga pala si Benedict Satander dating intern Doctor ni B dito at ex niya rin." Pag papakilala ni Nanay dito na ikinagulat ko. Nanlalaki naman ang mga mata ni Henry na napatingin sakin bago tumingin kay Benedict at binati rin ito.

"Hi Benedict! I'm Henry, Barbs boyfriend." Sabi pa nito na may pag didiin sa salitang boyfriend.

"Awkward." Bulong pang sabay ni Ava at ni Carla. Nag patuloy naman ang kwentuhan nila ngunit kasama na si Benedict dito jabng kami naman ni Henry ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.

"So Benedict, matagal kaming nawalan ng connection sayo kamusta na ang love life mo? Meron na ba ulit?" Tanong ni Carla.

"Ah, yeah I do have a girlfriend." Sagot naman nito.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon