"Tara B, inom tayo." Sabi ni Carla na nag pabalik sakin sa katinuan sa pag iisip. Nandito siya sa bahay namin ngayon, maaga siyang nag out kaya tumambay siya rito."Bakit? May problema ka ba Carla?" Nag aalalang pag tatanong ko, kadalasan kasi pag nag yayayang uminom si Carla may problema siya.
"Wala naman, naisip ko lang kasi na ilong months na akong hindi nakaka inom." Saad pa nito habang tinititigan ang mga daliri nito. Tama ang kaibigan ilang months na nga itong hindi nakaka inom ang huli pa ata nitong inom ay nung nasa rooftop sila ng hospital kung saan niya nag lalagi.
"Ayokong uminom." Sabi ko sakanya. Kaagad naman siyang tumingin sakin na para bang sinasabi niya sa tingin niya na bawiin mo yang sinabi mo look.
"Bakit naman? Pwede ka namang uminom e! Saka hindi naman yun makakasama sa kalusugan mo at walang epekto yun sa sakit mo!" Pangungulit niya. Tama siya pwede naman akong uminom, okay lang naman kay mommy as long as si Carla ang kasama ko.
Pero ewan ko ba tinatamad ako o mas magandang sabibin na ayoko talagang uminom. Baka kasi maisip ko na naman siya at umiyak na naman ako ng umiyak.
"Next time na lang Carla, wala ako sa mood." Sabi ko at pinag patuloy ang pag susulat sa diary ko. Wala rin namang nagawa si Carla kundi ipag patuloy na lang ang pag tingin niya sa mga daliri.
Saglit akong napatulala, na-imagine ko kung anong mangyayari sa first day ko sa SSU. Paniguradong wala na naman akong magiging kaibigan. Ayos lang din naman siguro yun, si Carla lang dapat na naman siya sakin.
Nang magising ako sa pag kakatulala, kaagad naman akong napatingin kay Carla. Nakatulala rin ito at naka tingin sa labas ng bintana.
Mayo na. Simula na ng tag ulan at ngayon nga ay nag sisimula ng umambon sa labas. Nababakas sa mukha ni Carla na may malalim itong iniisip. Marahil ay madaming bumabagabag dito kaya naka tulala lamang ito.
Ipinag patuloy ko na lamang ang pag susulat ko sa diary ko ng mga gusto kong gawin pag nakapag aral na ako sa totoong school.
"B" Tawag sakin ni Carla na kaagad ko namang ikinalingon.
"Bakit? May problema ba? Sabibin mo na kasi sakin, pakikinggan naman kita." Pangungulit ko sakanya.
"No B, it's not about me."
"Kanino pala? Parang problemadong problemado ka kasi e." Nag aalalang saad ko.
"It's about Benedict B." Nag aalangan pa nitong sabi. Nahigit ko naman panandalian ang hininga ko sa sinabi ni Carla. Si Benedict? Ano namang tungkol sakanya?
"Please, alam kong gusto mo na siyang makalimutan pero naka sagap ako ng impormasyon kina Ace." Pag papatuloy niya.
"Bumalik na si Benedict B, nung nakaraan lang. Galing silang Manila ng mommy niya at ngayong bumalik sila ay kasama na nila ang pakakasalan ni Benedict, si Angel."
"Balita ko rin ay dito mag aaral yung Angel sa SSU." Saad pa nito ng naka tingin sakanya ng may lungkot sa mata.
Bumalik na siya. At kasama niya ang pakakasalan nitong babae. Ano pa bang magagawa ko? Ano bang dapat kong maramdaman?
"B mag salita ka naman? Please wag mong damdamin kung nararamdaman mong masakit na. Please say something."
"Kahit naman sabibin kong nasasaktan ako wala paring magagawa yun. Ginamit niya parin ako at mag papakasal parin siya sa ibang babae okay?"
"B please-" Bago pa man matapos ni Carla ang sasabihin niya ay pinutol ko na siya.
"Stop talking about him, it doesn't change everything. Hindi niya ako mahal ako lang yung umasa na may nararamdaman din siya sakin. So please let's just not talk about him from now on."
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...