Sinag ng araw ang gumising sakin at halik na nararamdaman ko sa may noo ko. Pag mulat ko ng mata nakita ko kaagad ang mukha ni Benedict na nakatanaw sa malayo at ang asul na langit.Nandito kami ngayon sa San Gabriel well sa talampas ng San Gabriel kung saan matatanaw ang dagat ng bayan at ang Beach house ng pamilya Quijano mula rito.
Ala singko na ng hapon at kakatapos lang namin pumunta sa puntod ni tatay well kinausap lang naman ni Benedict si tatay kahit na hindi ito sa sagot na ikinatawa ko kanina.
Masarap ang hangin dito bukod sa hindi na gaano kainit masarap dkn mag picture dito. Kaagad naman akong bumangon at kinuha ang camera ko matapos ay inangulo ito at kumuha ng larawan.
Nang ma-satify ako sa pagkuha at pag tingin sa kinuhanan ko ipinakita ko ito kay Benedict.
"What do you think?" Pag tatanong ko habang tinitignan niya yung mga shots ko.
"Hmm... Okay na." Sabi pa niyo habang parang nag dadalawang isip pa.
"Hoy anong okay lang?!" Sabay palo ko sakanya na ikinatawa ko.
"Okay fine! Sige na maganda na!!" Saad niya pa.
"Anong okay fine?! Parang napipilitan ka pa!"
"Hahaha! Just kidding, of course maganda yung mga kuha mo! Like duh, para saan pa at photography ang kinuha mo kung panget naman pala ang mga kuha mo."
"Totoo ba yan?" Tanong ko.
"Oo naman! Hindi kita inuuto no."
"Siguraduhin mo lang." Banta ko pa sakanya.
When I took college in Canada photography ang kinuha ko at well I'm a photographer now minsan dun sa Canada may mga nag hire sakin sa mga magazine company to be their photographer.
But I don't took it sa mga events lang ako nakuha ng mga pictures like weddings, birthdays, parties and renuions. Malaki ang kita dun at nung kasal din naman nila Nanay ay isa ako sa mga kinuha nilang photographer.
Masayang kumuha ng mga litrato dahil pag nakalimot ka pwedeng pwede mong tignan yung mga litrato tapos maaalala mo yung mga memories nalaman nun.
"Anong gusto mong gender ni baby?" Tanong niya sakin.
"Well, I want it to become a girl." Sagot ko.
"Ako rin gusto ko girl." Sabi niya rin.
"Bakit gusto mo girl?" I ask him.
"Para kamukha mo syempre ano ka ba!"
"Paano pag hindi ko pala kamukha? Paano pag kamukha mo pala?"
"Di ibalik mo diyan sa tiyan mo."
"Aba!" Sabay bago ko sakanya ng napkin.
"Joke lang! Syempre mamahalin ko yun! Anak ko yun, eh! Eto parang abnormal!"
"Ako pa ang abnormal? Aba ha! Sapatusin kaya kita diyan!"
"Di joke lang! Eto hindi mabiro! Parang laging meron, eh! Tsk, tsk."
"Inaaway mo lang ako."
"Anong ako ikaw kaya! Inaaway mo ako!"
"Ikaw kaya yun!"
So ayun nga para kaming bata na nag aaway kaya ang ginawa ko sinapak ko siya at hinulog sa bangin pero syempre joke lang no binatukan ko lang siya at sinaksak ng tinidor joke.
Kumain lang kami ng dala naming pagkain at nag kwentuhan pa ng mag dilim na ay napag pasiyahan naming bumalik sa bahay ni Lolo.
Gusto ko na rin mag pahinga at nakakapagod mag gala sa buong mag hapon. Nang maka sakay kami sa kotse niya ay ipinikit ko muna ang mata ko sa sobrang pagod.
Nagising na lamang ako ng maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. Hindi ko namalayan na makatulog na pala ako, ano bayan nakakahiya mamaya may laway pa akong tumulo sa may gilid ng bibig ko. Dirty ko.
"Hoy nandito na tayo." Sabi pa ni Benedict.
"Ganun ba? Sige bye uuwi ka ba sainyo? O sa condo mo rito?" Tanong ko.
"Kina mommy ako didiretso, hatid na muna kita hanggang pinto may sasabihin din kasi ako kay lolo."
"Ano naman yun?"
"Secret! No clue." Sabi pa nito bago ako dumila sakin. Aba may pag secret pang nalalaman.
Pag baba ko ng kotse dun ko lang napansin na madilim ang bahay which is hindi pwede yun ng ganitong oras. Tinignan ko naman ang relo ko at nakita ng pasado ala siyete pa lang naman kayaa impossible na tulog na sila.
"Patay yung ilaw sa bahay." Sabi ko kay Benedict na ikinatingin niya rin sa bahay.
"Oo nga no! Baka maaga nag situlog?"
"Impossible. Masyado pang maaga." Balik ko sa sagot sakanya.
"Baka umalis sila?" Sagot niya muli.
"Kung aalis sila may maiiwan sa bahay, sila Nana Delia!"
"Di puntahan na lang natin para malaman natin bakit sarado ang ilaw." Sabi pa nito bago nag lakad, kaagad naman akong sumunod sakanya ng nasa tapat na kami ng pinto ay pinilit ko ang door knob upang mag bukas.
"Bukas yung pinto! Hindi naka lock!" Bulong ko kay Benedict.
"Hindi kaya may nanloob samin?" Tanong ko pa ulit.
"Bobo wag kang mag isip ng ganyan."
"Aba, Malay mo naman!" At pinihit ko pa ang door knob para maka pasok na kami.
Pag pasok namin dilim ang sinalubong samin kaya kinapa ko naman ang dingding upanv mahanap ang switch ng ilaw.
"Nasan na ba yun?" Bulong na saad ko pa.
"Ang dilim." Pahayag ni Benedict sa likod ko.
"Baka mamaya ano ang nangyari sakanila."
"Hindi yan." Pag sagot nito na sakto namang pag sabi niya ay nakapa ko ang switch at nabuhay ang ilaw.
"Surprise!!" Nagulat ako ng biglang nakita ko silang lahat na nasa sala namin! As in lahat sila.
Sila Ava, Carla, mga tropa ni Benedict, sila Tita Esther sila lolo at Lola, sila Tito at tita, si grandpa, Loki sila Nanay at Tito Luke.
Nang mabasa ko naman ang naka sulat sa tarpoline ay napahawak na lamang ako sa bibig ko at tumulo ang mga luha ko bago lumingon kay Benedict na naka luhod na.
"I know that madami akong naging pag kukulang sayo in the past eight years nandito lang ako sa pilipinas habang ikaw nasa Canada. I know ang damung maling nagawa ni Daddy sayo at ni Angel. I know na hindi ko kayang pantayan yung pag mamahal na biniay mo sakin. But I want you to know that I love you even if anong ag subok ang dumating satin. And I just want to inform you na ikaw ang gusto kong makasama for the rest of my life, so Juliana Barbara Aquino Benitez will you marry me?"
Napuno ng hiyawan at tilian sa loob ng bahay, mga pabati at kung ano ano pa ngunit naiiyak na talaga ako pero kahit ganun tumungo pa rin ako dahil hindi na ako makapag salita.
Eto na ata ang pinaka masayang araw ko ang alukin ako ng kasal ng taong mahal ko. Masasabi kong babaunin ko ang masasayang alaala na to hanggang sa dulo ng buhay ko.
Mga memories na masasaya, yung masaya lang kahit may sakit masaya lang. Sana ganun na lang yung buhay lagi masaya na lang hindi na malungkot.
But in reality we all known na kaakibat ng saga ay ang lungkot, pighati at pag dra-drama. Pero habanasaya pa ang oras na to. Enjoy muna ang bawat oras na natitira para may mabaon na alaala at saya sa pag lalakbay.
Naka ngiting tumingin sakin si Benedict bago humalik sa ulo ko at bumulong ng salita.
"I love you Barbara."
"I love you more."
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...