"Chika tara na! Hinihintay na tayo ni Carla sa apartment niya." Pag aaya sakin ni Ava.Uwian na namin ngayon at didiretso na kami sa apartment ni Carla. Mag sleep over kami dun, mabuti na nga lang pinayagan ako ni Nanay. Sabado rin naman bukas at walang pasok kaya pumayag si nanay.
Nung nakaraan din na nangyari sa library kaya hinahabol si Ava dahil nahuli itong may mahalikan sa library. Buti na nga lang at hindi kami naabutan ng mga CAT at ng librarian at mabuti nalang din na sinabi ni Benedict na siya nalang ang mag paparusa samin.
But hind naman talaga siya nag pataw ng parusa samin, sinabi niya lang yun para hindi na mabahala yung librarian na parang menopause na.
Nang maka sakay kami ng Jeep halatang pinag titinginan kami ng mga tao, or si Ava lang dahil sikat siya sa school namin bilang playgirl? Ngunit mukha namang wala lang kay Ava kaya pinabayaan ko na lang din.
Sa loob din ng mahigit trenta minutos nakarating na rin kami sa apartment na tinutuluyan ni Carla. Hindi ito ganun kalakihan ngunut ayos na rin dahil wala namang gaanong gamit si Carla sa apartment niya. At ayos din itong apartment niya malapit lang sa hospital kung saan siya nag tra-trabaho.
"Oh! Nandiyan na pala kayo, tuloy kayo." Saad ni Carla at pinapasok kami sa apartment niya.
"Hoy chika! Kamusta trabaho mo?" Pag tatanong ni Ava.
"Ayos lang naman, mukhang uuwi ako ngayong araw ng mga patay sa probinsya namin sa bicol."
"Okay lang yan, dalawin mo muna ang mga kamag anak mo dun."
"Hihingi lang naman ng Pera sakin yung mga yun. Kaya nga ayoko ring umuwi."
"Di bigyan mo."
"Paano ko bibigyan e yung hinihinging Pera halos dalawang taong sweldo ko!"
"Wala bang nag tra-trabaho sa mga kapatid mo?"
"Wala rin namang kwenta yung mga yun. Hindi na nga nag tra-trabaho palamunin pa."
"Wag ka na ma-stress chika! Nandito kami ngayon para mag saya hindi makinig sa drama mo!"
"Hah! Loka ka talaga!"
Nung gabing yun nag bonding lang kami ng nag bonding na tatlo nag kwentuhan about sa family, nag iyakan, nag tawanan, nag takutan, at nag kwentuhan about sa buhay pag ibig.
Nang linggo ng umaga umuwi rin naman ako samin para maka sabay sa misa nadadaluhan nila Nanay sa simbahan namin.
Ngayon din namang week medyo busy na kaming mga estudyante dahil madaming nga contest ang nag lalabasan at gaganapin sa aming paaralan. At isa na nga sa events ng school ang ball na para samin mga senior high students.
Nasabi rin ng Adviser namin na pwede namang wala kang kapartner dahil friendly ball lang naman ang magaganap. Stricted din kasi ang mga college kung saan gaganapin ang ball. Tanging mga senior high lang ang maaring makasali sa ball.
"Anak tapos ka na ba mag bihis?" Narinig kong pag tatanong sakin ni Nanay mula sa labas ng aking kwarto.
"Tapos na po, pasok po kayo."
Narinig ko naman ang pag pihit ng door knob at pag bukas ng pinto na indikasyon na pumasok na si Nanay sa loob ng kwarto ko.
"Ang ganda mo anak." Hayag pa nito habang naka tingin sakin mula sa salamin. Ngayong araw ang ball namin at ang susuotin daw ng mga babae ay cocktail dress kaya naman yun ang sinuot ko. Kulang green ito na tinernuhan ko lamang ng takong ko. Isang kwintas at bracelet.
"Hindi kaya bias ka nay? Anak mo ako kaya syempre sasabihan mo talaga ako na maganda ako."
"Etong batang to! Syempre hindi ako bias no! Alam ko rin naman kung anong pinag kaiba ng maganda sa hindi maganda no."
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...