Sana 12

89 25 0
                                    


Mahigit isang oras samin si Benedict dahil sa sobrang lakas ng ulan sa labas. At sa loob ng isang oras na yun puro pag tatalo ang naging usapan namin ni Benedict.

Kung gaano kapanget ang taste ko sa mga manliligaw at kung gaano kapanget ang dati kong manliligaw na si Christopher. Hindi lang talaga to mayabang, masama pa ang tabas ng dila.

Biruin mo yung kung ano anong paninirang sinabi kay Christopher. Playboy daw, manyakis, ng lalandi raw ng mga teacher para lang daw tumaas ang grades. Ewan ko ba kay Benedict saan niya nakuha ang mga baalitang yun.

"Paano ba yan aalis na ang gwapo mong boyfriend Babes." Mahangin na sabi niya. Mas mahangin pa sa bagyo to.

"Sige umalis ka na, nag sasawa na ako sa mukha mo." Pang tataboy ko sakanya. Umarte naman siyang nasasaktan habang may pahawak pa sa dibdib effect.

"Kapal mo namang mag sawa sa mukha ko di hamak na mas gwapo ako sa mga pumoporma sayo. Pasalamat ka jinowa pa kita." Sabi nito. Ang kapal talaga ng bungo ng hayop nato.

"Bakit sinabi ko bang jowain mo ako?" Makapal at talaga namang lubusang masama ang ugali nito ni Benedict.

"Hindi trip ko lang, pero at least pinatulan kita."

"Dami mo ng sinasabi umuwi ka na nga at baka makutosan pa kita ng wala sa oras." Pang tataboy ko sakanya kahit sa totoo lang ayoko pa naman talaga siyang umalis.

"Bye na nga. Call or text kita mamaya pag hindi ako sinipag." Sabi pa nito bago lumapit sakin at tinulak ang mukha ko dahilan para mapa atras ako.

"Arrgh! Walang hiya ka talaga Benedict!" Galit na sabi ko sakanya. Ang sakit kaya nun!

"Oo na mag iingat na ako! I love you too din!" Paalam pa nito bago umalis na sadya namang nag patunganga sakin. Tama ba yung narinig ko? Nag I love you too siya sakin? Pero teka?! Hindi naman ako nag sabi ng I love you sakanya! Ang kapal talaga ng tabas ng mukha niya.

At syempre sinipag si Benedict kaya wala akong na receive na tawag o text galing sakanya. Wala talagang kwentang boyfriend yun si Benedict.

Nakatulugan ko na ang pag iisip sa pagiging walang kwenta ni Benedict kaya naman kinabukasan tanghali na ako nagising.

"Rise and shine sweetie, wake up na anong oras na! Bumango ka na diyan at may pasok pa ako." Ani Nanay kasabay ng pag bukas ng kurtina sa kwarto ko.

"Five minutes pa nay please. Gusto ko pang matulog."

"Anong five minutes hindi na pwede kanina pa inaahas yung boyfriend mo sa baba ng pinsan mo." Sabi niya pa na nag pabangon sakin.

"Nandito si Benedict?" Paniniguradong tanong ko.

"Oo nga, nasa baba inaahas ng pinsan mo. Bumaba ka na." Utos niya kaya dali dali naman akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko dun sa sala si Benedict na nakaupoo kasama si Anne at nag uusap sila!

Saglit na pinag masdan ko pa si Benedict suot ang chequered polo shirt na tinupi hanggang siko at faded pants niya at ang paborito niyang white rubber shoes. Jusko, ang gwapo. Kulang na lang ang kanin pwede ng kumain.

"Babes, gising ka na pala! Buti na gising ka pa!" Ngiting bati pa sakin ni Benedict minsan napapaisip na lang ako kung bakit ko ba sinakyan ang trip nito na maging girlfriend niya ako.

"Oo nagising na ako tara sa kwarto." Pag yayaya ko sakanya.

"Teka ang aga naman ata Babes! Pwede namang mamaya na lang gabi! Sa condo ko pa!" Sagot niya pa.

"Gago! Ang manyak mo mag isip! Tara sa kwarto! Wag ka dito mag hintay at may ahas." Sabi ko pa sabay tingin kay Anne na naka ngisi lang sakin.

"Para namang ipag papalit kita no. Saka ayoko sa ahas kung naisipan kong ipagpalit ka." Sabi niya pa habang sumasabay ng pag lalakad pa itaas sakin. Sakto namang naka salubong namin si Nanay papunta sa kwarto ko.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon