Sana 37

148 24 0
                                    


Six months later...

Pinag mamasdan ko ang mga bulaklak na hawak hawak niya habang nilalagay ito sa isang pot ng mga bulaklak. Makikita mo sa katawan niya na pumayat siya.

Pero kahit ganun siya pa rin ang pinaka maganda at pinaka sexy na buntis na nakita ko. Inlove na inlove na ata talaga ako sakanya.

Napansin niya sigurong naka tingin ako sakanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya at humarap sakin bago nag salita.

"Bakit?" Tanong niya pa.

"Bakit ano?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Bakit ka naka tingin sakin?"

"Wala lang, masama bang tignan ang asawa ko?"

"Hindi naman, pero kasi..."

"Kasi ano?"

"Naiilang ako." Sagot niya pa habang naka yuko.

"Bakit ka naman naiilang?" Tanong ko pa.

"Kasi mukha akong buntis na gumagamit ng drugs sa payat ko at kalbo pa ako." Sagot niya pa.

Lumapit naman ako sakanya at niyakap siya patalikod bago hinalikan ang ulo niya at bumulong sakanya.

"Ikaw kaya ang pinaka maganda na buntis na nakita ko."

"Asus! Nambobola ka lang, eh!"

"Totoo naman kaya!"

"Ewan nga sayo."

"Diba baby maganda si mommy?" Tanong ko pa sa anak namin at hinawakan ang tiyan niya.

"Opo Daddy maganda si mommy."

"Ewan nga sayo baliw ka na."

"Totoo nga kasi! Ayaw mo ba maniwala sakin?"

"Che, sige na nga Maniniwala na ako."

"Sige na mag pahinga ka na para sa the big day natin! Dali at baka pag hindi ka natulog sige ka hindi na tayo bati." Kaagad naman siyang pumunta sa kama niya, sumunod naman ako at umupo sa upuan na nasa tabi niya.

"Sa tingin mo ba kakayanin ko?" Tanong niya.

"Oo naman, wala ka bang tiwala sa sarili mo?"

"Wala akong tiwala sa tadhana, mamaya iba pala ang plank niya para satin."

"Kaya natin to! Praktisado ata tayo kung anong mangyayari matapos ng operasyon."

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita tandaan mo yan."

Bago ko hinalikan ang isa niyang kamay. Ipinikit niya naman ang mga mata niya at natulog. Kahit na sabihing praktisado kami sa mangyayari matapos ang operasyon iba pa rin yung totoo na mangyayari.

Bukas na yun. Dalawang operasyon ang pag dadaanan niya una tatanggalin muna si baby namin at ilalagay sa incubator dahil makakasama kung ooperahan siya sa ulo na nandun ang bata.

Pangalawa yung brain tumor niya, kahit na hindi pa ako handa dapat kayanin ko, para sakanila para samin.

Ngayon na ang araw at dadalhin na siya sa operation room nag karoon ng pag darasal sa kwarto ni B bago siya inilabas sa kwarto niya.

"Kaya mo yan B! Para samin! Sa baby niyo ni Ben kayanin mo!" Ani Ava.

"B! Ipagdadasal kita Chika!"

"Anak kaya mo yan!"

"Mahal na mahal ka namin tandaan mo yan."

"Baik ka ha! Madami pa tayong memories na bubuohin!"

"Mahal ka namin B!"

"Go! Fighting lang B!"

"Nandito lang kami."

"We're gonna pray for you! We can do it!"

"Go B! Cheer up okay?"

"No to nega thoughts okay? Just happy lang!"

"Fighting lang B!"

"Let's hope na maganda ang kalabasan ng operation."

"Benedict." Tawag sakin ni B.

"Bakit? Ayos ka lang ba?"

"Hmm.. I want you to have this." About niya sakin ng isang mp3.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Pag katapos mong malaman ang result ng operation ko pakinggan mo yan, pag katapos ah!"

"Ano to? Goodbye na naman?"

"Hindi naman but I want you to listen to it! Okay!"

"Okay."

"I love you." And I kiss her na para bang ito na ang huling araw namin matapos ay iponasok na siya sa operation room.

Umupo naman ako sa upuan sa tapat ng OR at hinawakan ng mahigpit ang ibinigay na mp3 sakin ni B. And I start to pray na sana, sana maging ligtad ang mag ina ko at sana maging successful ang operation ni B.

I don't know kung ilang hours na ako nag hihintay dito, kami hindi ko alam kung ilang oras na but ang isip ko ay na kay B lang.

Kung ayos ba siya dun o ayos ba sila dun ng baby namin kinakabahan ako, kinakabahan kami sa operation lahat tensyonado lahat halos nag dadasal.

Kahit na alukin ako na kumain, uminom man lang inayawan ko nakatutok lang ang paningin ko sa pintuan ng operation room hinihintay na may lalabas diyan at ipapahayag ang magandang balita.

Pasado alas tres na ng madaling araw at naka tulog na sila sa kakahintay samantalang ako gising na gising pa rin, hindi ako mapakali gusto ko ng malaman ang result.

Kaya naman nagulat ako ng lumabas na ang Doctor na galing sa operation room, nagising din naman ako sa pag kakatulad at nagising naman sila sa pag kakatulog.

"Kamusta Doc?" Unang tanong ni Tita Bea. Sandaling tumingin muna samin ang Doctor bago nag salita.

"I'll be honest with you, ang unang operasyon ay naging successful and you have a baby girl but the second one at first the operation went well but nung papatapos na kami sa operation binigay na lamang si Mrs. Satander. I'm sorry but your wife, siya ang sumuko."

In that moment of my life hindi ko alam kung anong gagawin ko, I just felt my body gave up at naupo na lang ako sa sahig at umiyak. My wife, my wife she's gone. And this time she's really gone.

Sana ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon